Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

207/367

Upang Magdesisyong Manindigan Para sa Pagpipigil sa Sarili, 24, Hulyo

Ang bawat nakikipaglaban sa mga palaruan ay nagpipigil sa sarili sa lahat ng mga bagay; ginagawa nila iyon upang sila ay makatanggap ng isang korona na may pagkasira, ngunit tayo’y sa walang pagkasira. 1 Corinto 9:25. LBD 210.1

Kailangan nating ilagay ang Cristianong pagpipigil sa mas mataas na patakaran sa loob ng ating pamilya at sa iglesia. Dapat itong maging isang buhay, gumagawang elemento, bumabago ng mga gawi, mga disposisyon, at mga karakter. Ang pagmamalabis ay nasa pundasyon ng lahat ng kasamaan sa ating sanlibutan.— Temperance, p. 165. LBD 210.2

Kailangang mabigyan ng liksyon ang mga bata na magpaunlad sa kanila ng tapang para tanggihan ang kasamaan. . . . Dapat maging maingat ang mga magulang pagdating sa pagkaing inihahain sa kanilang mga anak. Napakadalas na nabuo ang pagiging lasinggero nang mga turo ng kawalang pagpipigil sa tahanan. Bigyan ang mga anak ng mga pagkaing nagpapaunlad sa isip at katawan, at ilayo sa kanila ang mga pagkaing maraming rikado na pupukaw ng pagnanais para sa ganoon ding kalakas na mga estimulante. LBD 210.3

Ang paggamit ng tabako at matapang na inumin ay may malaking kinalaman sa pagdami ng pagkakasakit at krimen. Ang tabako ay isang mabagal, tuso, ngunit lubhang nakapamiminsalang lason, at gumagawa ng di-hayag na pinsala ang paggamit nito. . . . LBD 210.4

Wala nang pangangatuwiran ang kailangan para ipakita ang kasamaan ng paggamit ng nakalalasing na inumin. Ang malabo at nilasing na pagkasira ng sangkatauhan,—mga kaluluwang naging dahilan ng kamatayan ni Cristo, at iniyakan ng mga anghel,—ay nasa lahat ng dako. Mantya sila sa pinagmamalaki nating sibilisasyon. . . . LBD 210.5

Natanto ng mga tumakbo para sa gantimpala noong sinaunang mga panahon ang kahalagahan ng mapagtimping mga asal, at kung gaano pa dapat tayong maging ganito, na tumatakbo sa isang karera para sa korona sa langit. Kailangan nating ibuhos ang lahat ng ating makakaya upang magapi ang kasamaan.— Manuscript 29, 1886. LBD 210.6

Sa lahat ng panahon at okasyon kinakailangan ang katatagang moral upang makasunod sa mga prinsipyo ng istriktong pagpipigil sa sarili.— The Youth’s Instructor, September 24, 1907. LBD 210.7

Tandaang araw-araw kayong humahabi para sa inyong sarili ng isang sapot ng mga kaugalian. . . . Kung mas mabuti ninyong nasusunod ang mga batas ng kalusugan, mas malinaw ninyong makikilala at matatanggihan ang mga tukso, at mas malinaw ninyong makikita ang kahalagahan ng mga bagay na pang walang-hanggan.— The Youth’s Instructor, August 25, 1886. LBD 210.8