Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Pumapawi ng Takot ang Pagkadama sa Presensya ng Diyos, 9 Hulyo
Hindi ba’t inutusan kita? Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang na mabuti; huwag kang matakot, ni manlupaypay; sapagkat ang Panginooon mong Diyos ay kasama mo saan ka man pumaroon. Josue 1:9. LBD 195.1
Ang pagkaramdam sa presensya ng Diyos lamang ang makapag-aalis ng takot na, para sa mahiyaing bata, ay magpapabigat sa buhay. Hayaang ikintal niya sa kanyang memorya ang mga pangakong, “Ang mga anghel ng Diyos ay nagkakampo sa palibot nila na nangatatakot sa Kanya, at inililigtas sila.” Hayaan siyang basahin ang napakagandang kuwento ni Eliseo sa bundok na lunsod, at, sa pagitan niya at ng mga hukbo ng mga mananandata, ay may isang malakas na pumapalibot na hukbo ng mga makalangit na anghel. Hayaang basahin niya kung paanong nagpakita ang anghel kay Pedro noong siya ay nasa sa loob ng kulungan at hinatulan ng kamatayan; kung paano dumaan sa mga armadong bantay, sa mga mabibigat na pintuan at sa malalaking bakal na daan na may mga nakakandadong trangka, dinala ng anghel ang lingkod ng Diyos sa kaligtasan. Hayaang basahin niya ang senaryo doon sa dagat, kung paanong sa mga binabagyong sundalo at mandaragat, pagod sa trabaho at pagbabantay at mahabang pag-aayuno, si Pablo na bilanggo, sa kanyang dako tungo sa paghihirap at parusa, ay nagsalita ng mga dakilang salita ng pangpalakas-loob at pag-asa: “Lakasan ang inyong loob sapagkat walang buhay na mapapahamak sa inyo. . . . Sapagkat tumayo sa gabing ito sa tabi ko ang isang anghel ng Diyos na nagmamay-ari sa akin na Siya ko namang pinaglilingkuran, na nagsasabi, huwag kang matakot, Pablo. Kailangan mong humarap kay Cesar. At tunay na ipinagkaloob ng Diyos ang kaligtasan sa lahat ng kasama mo sa paglalagayag.” Sa pananampalataya sa pangakong ito tiniyak ni Pablo sa Kanyang mga kasamahan na, “Sapagkat hindi malalaglag kahit ang isang buhok sa ulo ng sinuman sa inyo.” Kaya nangyari ito. Dahil mayroong isang taong nasa barko ang ginagamit ng Diyos sa Kanyang gawain, naingatan ang buong barko na kargado ng paganong mga sundalo at mandaragat. LBD 195.2
Hayaan silang ang walang tiwala sa sarili, na ang kanilang kakulangan ng kompiyansa ang maghahatid sa kanilang pag-urong mula sa mga alalahanin at responsibilidad, ay matutong magtiwala sa Diyos. Kaya isa lang sa marami sa ibang paraan ay isang taong walang impluwensya, marahil ay mahina at pabigat lamang, ang makapagsasabi kasama ni apostol Pablo na, “Lahat ng bagay ay aking magagawa sa pamamagitan Niyang nagpapalakas sa akin.” — Education, pp. 255, 256. LBD 195.3