Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Hulyo—Tayo Ay Matapang na Humaharap sa Kinabukasan
Upang Ipahayag si Cristo, 1 Hulyo
Ang sinumang nagpapahayag na si Jesus ay Anak ng Diyos, ang Diyos ay nananahan sa kanya, at siya’y sa Diyos. 1 Juan 4:15. LBD 187.1
Ang pagpapahayag na sinasabi ni Juan dito, ay hindi bunga ng pananampalatayang sa pangalan lamang, kundi bunga ng isang nagpapatuloy na pananampalataya sa buhay na Tagapagligtas,—resulta ng paniniwalang ipinaaabot sa atin ang biyaya ng kaligtasan sa pamamagitan ng pagdurusa at kamatayan ni Cristo, na Siyang nabuhay mula sa mga kamatayan, at patuloy na nabubuhay upang tumayong Tagapamagitan para sa atin. Dapat tayong maging siguradong si Cristo ang ating Tagapagligtas, at hindi magiging masaya ang buhay, ni makapagbibigay ng kapayapaan at pag-asa, kung hindi Niya tayo inibig at ibinigay ang Kanyang sarili para sa atin.— The Youth’s Instructor, January 6, 1898. LBD 187.2
Magiging walang dungis ang pag-angkin natin sa katuwiran ni Cristo, kung ipinamumuhay natin ang mga kondisyong ipinagpangakuan nito. Ibinigay na sa atin ng Diyos ang kalangitan sa pamamagitan ng isang mayamang kaloob, at anumang kasama nitong kaloob ay atin, kung tatanggapin natin si Cristo bilang personal nating Tagapagligtas. . . . Ipangaral si Jesus, turuang magsaysay ang dila ng Kanyang habag, na bigkasin ang Kanyang kapangyarihan, na purihin Siyang tumawag sa atin mula sa kadiliman tungo sa Kanyang kagila-gilalas na kaliwanagan.— The Youth’s Instructor, July 12, 1894. LBD 187.3
Mga kabataang Cristiano, isang panuorin kayo sa sanlibutan, sa mga anghel, at sa mga tao. Magpakatapang sa tulong ng Diyos. Isakbat ang buong kalasag ng Diyos, at hayaang makita ng mga hindi mananampalatayang nasa paligid ninyo na di-walang saysay ang inyong buhay sapagkat tumatayo kayong tapat at totoo sa lahat ng mga kautusan ng Diyos. Kayo ay maaaring maging, at hinihingan ng Diyos na maging, isang disididong saksi para sa Kanya.— The Youth’s Instructor, July 12, 1894. LBD 187.4
Kailangan nating manatili sa mga pangpalakas-loob na salitang sinalita ni Cristo sa mga alagad noong nagtatapos ang Kanyang gawain sa lupang ito. . LBD 187.5
. . Kahit malupit na kamatayan ang naghihintay sa Kanya, puno ng pag-asa ang mga salita ni Cristo sa Kanyang mga alagad. Ninais Niyang magbigay ng kaaliwan sa kanilang mga puso. Magpakatapang nawa tayo sa Kanya.— Letter 24, 1912. LBD 187.6