Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

177/367

Para Tanggapin ang Liwanag na Isinugo ng Diyos, 24 Hunyo

O suguin mo ang iyong liwanag at iyong katotohanan; patnubayan nawa ako ng mga iyon, dalhin nawa nila ako sa iyong banal na bundok, at sa iyong tirahan! Awit 43:3. LBD 180.1

Naparito sa ating mundo ang Panginoong Jesus na puno ng awa, buhay, at liwanag, na handang iligtas ang mga taong dapat na lumapit sa Kanya. Ngunit hindi Niya maililigtas ang sinuman na laban sa kanyang kalooban. Hindi pinipilit ng Diyos ang budhi; hindi Niya pinahihirapan ang katawan para mapilit Niya ang mga tao sa pagsunod sa Kanyang batas. Ang lahat ng gawaing ito ay ayon sa gawain ni Satanas. . . . LBD 180.2

Ginawa ng Panginoon na maliwanag na iniaalok Niya sa makasalanan ang pribilehiyong makipagtulungan sa Diyos. Nagbibigay siya ng liwanag, at naglalaan ng katibayan ng katotohanan. Ipinaliliwanag niya kung ano ang Kanyang mga kinakailangan, at iniiwan sa makasalanan kung tatanggapin niya ang katotohanan, at tanggapin ang biyaya at kapangyarihang sa pamamagitan nito ay maaari niyang sundin ang bawat kondisyon, at makahanap ng kapahingahan sa pagbibigay ng malayang paglilingkod kay Jesu-Cristo, na nagbayad para sa kanyang katubusan. Kung mag-aalangan ang makasalanan, at nabigong pahalagahan ang liwanag na umabot sa kanyang pag-iisip at kinilos ng damdamin ng kanyang kaluluwa, at tumangging sumunod sa Diyos, ang liwanag ay lalabo, mas hihina at hihina pa ang lakas, at sa wakas ay mawawala sa kanyang pananaw. Iyong mga hindi nagpapahalaga sa unang sinag ng liwanag, ay hindi makikinig ng higit pang mga ebidensya ng katotohanan. Kung ang malumanay na panawagan ng Diyos ay hindi makatanggap ng tugon mula sa puso ng makasalanan, ang mga unang impresyon sa kanyang isip ay mawawalan ng halaga, at sa huli ay maiiwan siya sa kadiliman. Puno ng pagmamahal ang imbitasyon. Ang ilawan ay kasing liwanag nang huling tinanggihan niya ito, tulad noong una itong lumitaw sa kanyang kaluluwa; ngunit sa pagtanggi ng liwanag, napupuno ng kadiliman ang kanyang kaluluwa, at di-napagtatanto kung ano ang panganib ng pagwawalang-bahala sa liwanag. Sinasabi ni Cristo sa ganitong kaluluwa, “Ang ilaw ay kasama ninyo ng kaunti pang panahon.”— The Youth’s Instructor, August 17, 1893. LBD 180.3

Ngayon, patatagin ang pagkatawag at pagkapili sa inyo. Nagbigay si Pedro ng kopya ng pinakamahusay na polisiya ng life insurance sa mundo. Sinabi niya: “Sumagana nawa sa inyo ang biyaya at kapayapaan . . . ipinagkaloob sa atin ng kanyang banal na kapangyarihan ang lahat ng mga bagay na kailangan sa buhay at pagiging maka-Diyos.”— The Youth’s Instructor, December 7, 1893. LBD 180.4