Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Na May Magandang Musikang Magiging Pagpapala,21 Hunyo
Maglingkod kayo sa Panginoon na may kagalakan; magsilapit kayo sa kanyang harapan na may awitan. Awit 100:2. LBD 177.1
Magkaroon ng awitan sa tahanan, mga awit na matamis at dalisay, at magkakaroon ng mas kaunting salita ng pagsaway, at higit pang kagalakan at pag-asa at kaligayahan. . . . Bilang bahagi ng relihiyosong serbisyo, ang pag-awit ay isang uri ng pagsamba na tulad din ng panalangin. Sa katunayan, maraming mga awit ay panalangin.— Education, p. 168. LBD 177.2
Nakararamdam ako ng pag-aalala habang nasasaksihan ko sa lahat ng dako ang kalokohan ng mga kabataang lalaki at kabataang babaeng nagpapanggap na naniniwala sa katotohanan. . . . Mayroon silang matalas na pandinig para sa musika, at alam ni Satanas kung anong mga organo ang pupukawin para bigyang-sigla, sakupin, at akitin ang isipan, nang sa gayon ay ayawan si Cristo. . . . Nakasalalay sa mga kabataan ang mga banal na responsibilidad, na hindi nila pinapansin. Ang pagpapakilala ng musika sa kanilang mga tahanan, sa halip na mag-udyok ng kabanalan at espirituwalidad, ay naging paraan upang lumihis ang kanilang mga isipan palayo sa katotohanan. Tila kawili-wili sa kagustuhan nila ang mga walang kabuluhang kanta at ang popular at napapanahong musika. Kumukuha ang mga instrumento ng musika ng oras na dapat nakatalaga sa panalangin. Ang musika, kapag hindi inabuso, ay isang malaking pagpapala; ngunit kapag ginamit ito sa mali, ito ay magiging kahila-hilakbot na sumpa.— Testimonies for the Church, vol. 1, pp. 496, 497. LBD 177.3
Paano kung kayo ay tinuruan at sinanay sa sining ng musika, at hindi kailan man tinuruang kumanta ng bagong awitin? Ano ang magiging halaga ng lahat ng pagsasanay na ito, kung hindi kayo sinanay nang wasto upang maging mga miyembro ng sambahayan ng Panginoon, mga anak na lalaki at anak na babae ng Diyos?— The Youth’s Instructor, August 3, 1893. LBD 177.4
Walang sinumang may naninirahang Tagapagligtas sa kanila ang dimagpaparangal sa Kanya sa harap ng ibang tao sa pagtugtog ng mga himig mula sa instrumento ng musika na maglalayo ng isipan mula sa Diyos at Langit tungo sa mga bagay na walang kuwenta at walang kabuluhan.— Testimonies for the Church, vol. 1, p. 510. LBD 177.5
Ginawa ang musika para sa isang banal na layunin, upang itaas ang mga kaisipan doon sa mga dalisay, marangal, at nagtataas, at gisingin sa kaluluwa ang debosyon at pasasalamat sa Diyos.— Messages to Young People, p. 293. LBD 177.6
Habang umaawit ng kanilang mga awit ng papuri ang hukbo ng mga manggagawa ng Panginoon dito sa ibaba, sumasali sa kanila ang koro sa itaas sa pagpapasalamat, na ibinibigay ang papuri sa Diyos at sa Kanyang Anak.— Testimonies for the Church, vol. 7, p. 17. LBD 177.7