Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Nagdudulot ang Trabaho ng Kalusugan at Kaligayahan, 11 Hunyo
Pagpapalain ka ng Panginoon mong Diyos sa lahat ng iyong bunga, at sa lahat na gawa ng iyong mga kamay, at ikaw ay lubos na magagalak. Deuteronomio 16:15. LBD 167.1
Ang matapat na pagsasagawa ng mga tungkulin sa tahanan, na pinupunuan ang posisyong maaari mong gawin sa pinakamagaling na kabutihan, kahit napakadali at mababa man ito, ay tunay na nagtataas. Kailangan ang banal na impluwensyang ito. May kapayapaan at sagradong kagalakan sa ganito. Nagtataglay ito ng kapangyarihan sa pagpapagaling. Lihim at di-mararamdaman ang pagpapaginhawa nito ng mga sugat ng kaluluwa, at maging ang mga pagdurusa ng katawan. Ang kapayapaan ng isip, na nagmumula sa dalisay at banal na mga motibo at pagkilos, ay magbibigay ng libre at malusog na bukal sa lahat ng mga organo ng katawan. Tulad ng hamog na dalisay sa malambot na mga halaman, magpapalakas at magpapasigla ng pag-iisip ang panloob na kapayapaan at isang budhing walang kasalanan sa Diyos. Pinamamahalaan at kinokontrol nang tama ang kalooban, at mas desidido at malaya sa pagkakasala. Dahil pinabanal sila, kasiya-siya ang mga meditasyon. Pagpapalain ang lahat ng inyong sinasamahan ng kagandahang-loob ng isip na maaari ninyong angkinin. . . . Lalong lalago ito kapag higit ninyong natikman ang makalangit na kapayapaan at katahimikan ng isip. Ito ay isang masigla at buhay na kaligayahang di-binabale-wala ang lahat ng mga lakas ng moral dahil sa pagpapawalang-halaga, kundi ginigising ang mga ito sa higit na gawain. Isang katangian ng Langit ang sakdal na kapayapaang tinataglay ng mga anghel.— Testimonies for the Church, vol. 2, pp. 326, 327. LBD 167.2
Hindi kailan man mararamdaman ng mga bata at kabataan ang kapayapaan ng katiwasayan hangga’t sa tapat na pagganap ng mga tungkulin sa tahanan ay mapaginhawa nila ang mga pagod na kamay at nahihirapang puso at isipan ng ina. . . . Iyong mga nagpapabayang makibahagi sa mga responsibilidad ng tahanan ay iyong mga naguguluhan ng kalungkutan at kawalang-kasiyahan; dahil hindi nila natutunan ang katotohanang iyong mga maligaya ay maligaya dahil ibinabahagi nila ang pang-araw-araw na kalakarang trabaho.— Child Guidance, pp. 352, 353. LBD 167.3
Ang maayos na paggawa ang kailangan nila upang sila ay maging malakas, masigla, tuwang-tuwa, masaya, at matapang na matugunan ang iba’t ibang mga pagsubok na dumadagsa sa buhay na ito.— Child Guidance, p. 350. LBD 167.4