Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

163/367

Nagtataguyod ng Kalusugan ang Kapaligiran ng Masayang Tahanan, 10 Hunyo

Pinagpala ang bayan na nasa gayong kalagayan! Maligaya ang bayan na ang Diyos ay ang Panginoon. Awit 144:15. LBD 166.1

Ang isang tahanang kung saan naninirahan ang pag-ibig at nakikita ito sa mga hitsura, sa mga salita, at sa mga gawa, ay isang lugar kung saan nalulugod na manirahan ang mga anghel. . . . LBD 166.2

Papasukin sa inyong sariling puso ang sikat ng araw ng pag-ibig, kasiyahan, at masayang kalooban, at palaganapin ang matamis na impluwensya nito sa bahay. . . . Ang kapaligirang nilikha nito ay magiging sa mga bata kung ano ang hangin at sikat ng araw sa mundo ng halaman, na nagpapaunlad sa kalusugan at lakas ng isip at katawan.— The Adventist Home, p. 426. LBD 166.3

Turuan ang kaluluwa sa kaligayahan, sa pasasalamat, at sa pagpapahayag ng pasasalamat sa Diyos para sa dakilang pag-ibig kung saan nagmahal Siya sa atin. . . . Talagang kagandahan ng kabanalan ang Cristianong kagalakan.— The Youth’s Instructor, July 11, 1895. LBD 166.4

Habang di-kayang malunasan ng kalungkutan at pagkabalisa ang nagiisang kasamaan, maaari silang gumawa ng malaking pinsala; ngunit ang kaligayahan at pag-asa, samantalang ipinaliliwanag ng mga ito ang landas ng iba, “ay buhay sa mga nakatatagpo sa kanila, at kagalingan sa kanilang buong katawan.”— The Signs of the Times, February 12, 1885. LBD 166.5

Dapat na linangin ng ina ang isang masaya, nasisiyahan, at masayang disposisyon. Masaganang mababayaran ang bawat pagsisikap sa direksyong ito ang pisikal na kagalingan at moral na karakter ng kanyang mga anak. Magtataguyod ng kaligayahan ng kanyang pamilya ang masayahing espiritu, at nagpapabuti sa napakalaking antas ng kanyang sariling kalusugan.— The Ministry of Healing, p. 374. LBD 166.6

Nangangailangan ang kalusugan ng mga kabataan ng ehersisyo, kagalakan, at isang masaya at kaayaayang kapaligirang pumapaligid sa kanila, para sa pagpapaunlad ng pisikal na kalusugan at tuwid na karakter.— Fundamentals of Christian Education, p. 114. LBD 166.7

Bilang mga anak ng liwanag, nais ng Diyos na linangin natin ang isang maligaya, at masayang espiritu, upang maipakita natin ang mga papuri Niyang tumawag sa atin mula sa kadiliman tungo sa Kanyang kamanghamanghang liwanag.— The Adventist Home, p. 432. LBD 166.8