Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

162/367

Kaibigang Mas Malapit Kaysa Isang Kapatid si Jesus, 9 Hunyo

May kaibigan na mas malapit kaysa isang kapatid. Kawikaan 18:24. LBD 165.1

Magkakaroon kayo ng mga kabiguan, ngunit palaging tandaang si Jesus, ang nabubuhay at muling nabuhay na Tagapagligtas, ang inyong Manunubos, ang inyong Tagapagpanumbalik. Mahal Niya kayo, at mas mainam na ibahagi ang Kanyang pagmamahal kaysa umupong kasama ng mga prinsipe at mahiwalay sa Kanya. . . . LBD 165.2

Lumapit araw-araw kay Jesus, na nagmamahal sa inyo. Malayang buksan ang inyong puso sa Kanya. Walang pagkabigo sa Kanya. Hindi kayo makatatagpo ng mas mahusay na tagapayo, mas ligtas na gabay, mas tiyak na tanggulan.— Letter 1, 1896. LBD 165.3

Sa lahat ng inyong mga pagsubok . . . mayroon kayong isang walang-kabiguang Kaibigan, na nagsabi, “Ako’y kasama ninyong palagi, hanggang sa katapusan ng panahon.”— Testimonies for the Church, vol. 2, p. 271. LBD 165.4

Ngunit gaano kadalas pinababayaan ang Panginoon dahil sa pakikisama sa iba, at sa mga bagay na walang halaga! . . . Hindi tayo maglalakas ng loob na pahintulutang mawala ang Kanyang pangalan sa ating mga labi, at ang Kanyang pag-ibig at alaala na mamatay sa ating mga puso. “Buweno,” sabi ng malamig, at pormal na propesor, “ginagawa nito si Cristo na tulad ng isang tao;” ngunit nagpapahintulot ang Salita ng Diyos sa atin ng mga ganitong isipan. Ang pangangailangan ng ganitong praktikal, at tiyak na pananaw kay Cristo, ang pumipigil sa marami sa pagkakaroon ng tunay na karanasan sa kaalaman ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. Ito ang dahilan kung bakit maraming takot at nag-aalinlangan at nagdadalamhati. Hindi maliwanag, walang-sigla, at nalilito ang kanilang mga isipan tungkol kay Cristo at sa plano ng kaligtasan. . . . Kung may isang panahong kailangan ng mga tao ang presensya ni Cristo sa kanilang kanang kamay, ngayon na ito, upang kung dumating tulad ng isang baha ang kaaway, magtataas ng isang bantayog laban sa kanya ang Espiritu ng Panginoon.— The Youth’s Instructor, July 19, 1894. LBD 165.5

Pakikipag-isa kay Cristo—di-masabi kung gaano ito kahalaga! Isang pribilehiyo na ating tatamasahin ang gayong pakikipag-isa, kung hahanapin natin ito.— The Signs of the Times, December 7, 1882. LBD 165.6

Magiging inyo ang walang-hanggang katiyakan na mayroon kayong isang Kaibigang mas malapit kaysa isang kapatid.— Testimonies for the Church, vol.2 p 271 LBD 165.7