Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

161/367

Hindi Pinapaborang Iilan, Kundi Maraming Kaibigan, 8 Hunyo

Ang kaibigan sa lahat ng panahon ay nagmamahal, at ang isang kapatid ay ipinanganak para sa kagipitan. Kawikaan 17:17. LBD 164.1

Mabuti ang awa, kung maingat na ibinigay, ngunit dapat maingat na ibinahagi ito, na may kaalamang karapat-dapat sa pakikiramay ang tatanggap. Ano ang dapat sabihin tungkol sa pagtanggap ng payo at tagubilin? Kawikaan 25:9-12. “Ipaglaban mo ang iyong usapin sa harap ng iyong kapwa, at huwag mong ihayag ang lihim ng iba: baka ang nakaririnig sa iyo ay dalhan ka ng kahihiyan. . . . Ang naaangkop na salitang binitawan, ay gaya ng mga mansanas na ginto sa pilak na lalagyan. Tulad ng isang singsing na ginto, at palamuting gintong dalisay, sa nakikinig na tainga ang pantas na tagasaway.” Kapag nagsasama-sama tayo para tulungan ang isa’t isa patungo sa langit, kung tungkol sa mga banal at makalangit na mga bagay ang usapan, kung ganon, mahalagang pag-uusap ito; ngunit kapag nakasentro ang usapan sa sarili at sa makalupa at hindi mahalagang mga bagay, ginintuan ang katahimikan. Tatanggapin ng masunuring tainga ang pagsaway na may kapakumbabaan, pagtitiis, at natuturuan. Sa ganitong paraan lamang nagiging kapaki-pakinabang ang ating komunikasyon sa isa’t isa, at natutupad ang lahat ng nais ng Diyos sa kanila. Kapag natupad ang magkabilang panig ng banal na turo, ginagawa ng matalinong tagasaway ang kanyang tungkulin, at nakikinig sa isang layunin ang masunuring tainga at nakikinabang.— Letter 52, 1893. LBD 164.2

May impluwensya sa atin ang bawat samahang binubuo natin, gaano man ito kalimitado. Matutukoy sa antas ng matalik na pagkakaibigan, katapatan ng pakikipag-ugnayan, at pagmamahal at paggalang sa isang kasama natin ang lawak ng kung saan tayo magpapasakop sa impluwensyang iyon.— The Signs of the Times, December 7, 1882. LBD 164.3

Ang inyong mabuting kalooban, ang inyong mga di-makasariling gawain, ay hindi lamang pinapaboran sa iilan, kundi sa lahat ng kasama ninyo. Sa pamamagitan nito, magkakaroon kayo ng mga kaibigang mahalaga at pangmatagalan; makikitang pabalik sa inyo ang inyong sariling mga gawa.— The Youth’s Instructor, November 10, 1886. LBD 164.4

Sa pamamagitan ng mga relasyong sosyal, nakikipag-ugnayan sa mundo ang Cristianismo. Magbibigay ng liwanag ang bawat isang tumanggap ng banal na liwanag sa landas ng mga di-nakakikilala sa Liwanag ng Buhay.— The Desire of Ages, p. 152. LBD 164.5