Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos

160/367

Pinipili Natin ang Kasama sa Buhay na Nagmamahal sa Diyos,7 Hunyo

Makakalakad ba ang dalawa na magkasama, malibang sila’y mayroong ginawang tipanan? Amos 3:3. LBD 163.1

Di-nagbago ang Panginoon. . . . Siya ay totoo, maawain, mahabagin, tapat sa pagganap ng Kanyang Salita, sa mga pangako at sa mga pagbabanta. Isa sa mga pinakamapanganib na hinaharap ng bayan ng Diyos ngayon, ay ang pakikipag-ugnayan sa mga di-makadiyos; lalo na sa pakikiisa sa kanila sa pag-aasawa sa mga di-kapanampalataya. Sa marami, natatakpan ng pag-ibig para sa tao ang pag-ibig sa Diyos. Ginagawa nila ang unang hakbang sa pagtalikod sa pamamagitan ng pagsisikap na balewalain ang siguradong utos ng Panginoon; at lubos na pagtalikod ang madalas na bunga nito. Napatunayang mapanganib na bagay para sa mga taong isakatuparan ang kanilang sariling kalooban sa pagsalungat sa mga tuntunin ng Diyos. Ngunit isang mabigat na liksyon para sa mga tao na matutunang desidido ang Diyos sa Kanyang sinasabi. Bilang tuntunin, sa kalaunan ay nagiging magkapareho sa isip at espiritu iyong mga pinipili bilang kanilang mga kaibigan at kasamahan ang mga taong tinatanggihan si Cristo at tinatapakan ang kautusan ng Diyos.— The Signs of the Times, May 19, 1881. LBD 163.2

Kung magpapailanglang tayo sa pinakamataas na kahusayang moral, at makamit ang kasakdalan ng karakter na ukol sa relihiyon, anong diskriminasyon ang dapat gamitin sa pagbuo ng pakikipagkaibigan, at pagpili ng isang makakasama sa buhay. . . . LBD 163.3

Marami na nagsimula sa buhay na may kasingganda at maaasahang asang umaga, ayon sa kanilang limitadong kinatatayuan, gaya ni Solomon sa kanyang mataas na katayuan, sa pamamagitan ng isang mali at hindi mababawing hakbang pagdating sa pag-aasawa, ay nawala ang kanilang mga kaluluwa, at hinila ang iba pababa kasama nila sa kapahamakan. . . . Ang mga hangal na kasamahan, na walang malalim na prinsipyo, ay itinatalikod ang mga puso ng mga dating mararangal at totoo, tungo sa walang kabuluhan, masasamang kasiyahan, at tunay na bisyo.— The Health Reformer, May 1878. LBD 163.4

Dapat tayong makadama ng isang malalim na pasanin sa kaligtasan ng mga hindi nagsisisi, at dapat magpakita sa kanila ng espiritu ng kabaitan at kagandahang-loob; ngunit maaari tayong ligtas na pumili ng ating mga kaibigang mga kaibigan ng Diyos.— The Signs of the Times, May 19, 1881. LBD 163.5