Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Hanapin Mo ang Pakikisama ng mga Matalino, 4 Hunyo
Ang lumalakad na kasama ng matatalino ay magiging matalino rin, ngunit ang kasama ng mga hangal, kapahamakan ang daranasin. Kawikaan 13:20. LBD 160.1
Mula sa pinakamaagang mga taon, kinakailangang isama sa karakter ang mga prinsipyo ng matatag na integridad, upang maabot ng mga kabataan ang pinakamataas na pamantayan ng pagkalalaki at pagkababae. . . . Dapat seryosong isaalang-alang ng mga kabataan kung ano ang kanilang layunin at gawain sa buhay, at ilagay ang pundasyon sa paraang malaya sa lahat ng bahid ng katiwalian ang kanilang mga gawi. Kung mananatili sila sa posisyon kung saan makaiimpluwensya sila ng iba, dapat silang mabuhay na umaasa sa sarili. . . . LBD 160.2
Maaari tayong matuto ng aralin mula sa liryo, at bagama’t napalilibutan ng mga impluwensyang malamang na makasisira ng moral, at magdudulot ng kapahamakan sa kaluluwa, maaari nating tanggihan ang pagiging masama, at ilagay ang ating sarili kung saan hindi masisira ng kasamaan ang ating mga puso. Dapat paisa-isang hanapin ng mga kabataan ang pakikipag-ugnayan doon sa mga nagsisikap na umakyat na hindi natitisod ang mga hakbang.— The Youth’s Instructor, January 5, 1893. LBD 160.3
Suriin ang inyong sariling puso, hatulan ang inyong sariling daraanan. Isaalang-alang kung anong samahan ang inyong pinipili. Hinahanap mo ba ang pakikisama ng matatalino, o gusto mong pumili ng makamundong mga kasama, mga kasamahang di-natatakot sa Diyos, at di-sumusunod sa ebanghelyo?— The Signs of the Times, December 7, 1882. LBD 160.4
Ang pag-ibig at takot sa Diyos ang tanging ligtas na bantay para sa mga bata at kabataan. Papiliin sila para sa kanilang mga kasama iyong mga magbibigay patunay na manghihikayat sila ng mabubuting layunin, maaayos na gawi, at matutuwid na karakter. Papiliin sila para sa mga kasamang nagsasagawa ng katotohanan sa Biblia, at lumakad alinsunod sa ilawang nagliliwanag sa kanilang landas.— The Youth’s Instructor, January 8, 1894. LBD 160.5
Kung gusto mong magkaroon ng malawak na pananaw, marangal na mga kaisipan at hangarin, piliin ang mga kasamahang magpapalakas ng mga tamang prinsipyo. Hayaang ang bawat pag-iisip at ang layunin ng bawat kilos ay hubugin upang tiyakin ang buhay sa hinaharap, na may walang-hanggang kaligayahan.— The Youth’s Instructor, October 8, 1896. LBD 160.6