Mga Anak na Lalaki at Babae ng Diyos
Hindi Siya Nakialam sa mga Taong Nasa Kapangyarihan, 19 Mayo
Sumagot si Jesus, Ang kaharian ko ay hindi mula sa sanlibutang ito. Kung ang kaharian ko ay mula sa sanlibutang ito, ang aking mga tauhan ay makikipaglaban sana upang ako’y huwag maibigay sa mga Judio; ngunit ang aking kaharian ay hindi mula rito. Juan 18:36. LBD 144.1
Ngayon, sa mundo ng relihiyon, maraming tao na, ayon sa kanilang paniniwala, ang gumagawa para sa pagtatatag ng kaharian ni Cristo bilang panlupa at pansamantalang kaharian. Nais nilang gawin ang ating Panginoon na tagapamahala ng mga kaharian ng mundong ito, na pinuno sa mga bulwagan at nasasakupan nito, mga pambatasang bulwagan, mga palasyo at mga pamilihan nito. Inaasahan nilang maghahari Siya sa pamamagitan ng mga legal na batas, na ipinatutupad ng awtoridad ng tao. Dahil wala si Cristo dito ngayon, sila mismo ang magsasagawa habang wala Siya. . . . Ang pagtatatag ng gayong kaharian ang nais ng mga Judio sa panahon ni Cristo. . . . Ngunit sinabi Niyang, “Ang kaharian ko ay hindi sa sanlibutang ito.” Hindi niya tatanggapin ang trono sa lupa. LBD 144.2
Tiwali at mapang-api ang gobyerno kung saan nabuhay si Jesus; sa lahat ng dako ay may sigaw ng mga pang-aabuso,—pangingikil, hindi pagpapahintulot, at sobrang kalupitan. Ngunit hindi tinangka ang Tagapagligtas na magkaroon ng mga repormang sibil. Hindi niya inatake ang mga pambansang pang-aabuso, o hinatulan man ang mga kaaway ng bansa. Hindi siya nakialam sa awtoridad o nangasiwa ng mga nasa kapangyarihan. Siyang naging halimbawa natin ay lumayo sa mga makamundong gobyerno. Hindi dahil wala Siyang malasakit sa mga kahirapan ng mga tao, kundi dahil ang lunas ay hindi nakasalalay sa mga panukala ng tao at panlabas na kilusan. Para maging mabisa, dapat makarating sa bawat tao ang lunas, at dapat na muling mabago ang puso. LBD 144.3
Hindi sa pamamagitan ng mga desisyon ng mga korte o mga konseho o mga lehislatura, hindi sa pagtataguyod ng mga dakilang tao ng sanlibutan, itinatag ang kaharian ni Cristo, kundi sa pagtatanim ng likas na katangian ni Cristo sa sangkatauhan sa pamamagitan ng gawain ng Banal na Espiritu. “Ang lahat na tumanggap sa kanya na sumasampalataya sa kanyang pangalan ay kanyang pinagkalooban sila ng karapatan na maging mga anak ng Diyos.”— The Desire of Ages, p. 509. LBD 144.4