Pauwi Na Sa Langit

303/364

Isang Wagas Na Pagtubos, Oktubre 31

Ngunit kung ang sinuman ay magkasala, tayo ay may Tagapagtanggol sa harap ng Ama, si Jesu-Cristo na siyang matuwid. 1 Juan 2:1. PnL

Si Jesus ang ating Tagapagtanggol, ang ating Dakilang Saserdote, ang ating Tagapamagitan. Ang ating estado ay tulad ng mga Israelita sa kaarawan ng Pagtubos. Nang ang punong pari ay pumasok sa kabanal-banalang dako, na naglalarawan sa lugar na kung saan ang ating Dakilang Saserdote ay nakikiusap, at iwiniwisik ang dugong pambayad sa kasalanan sa luklukan ng awa, walang kahit anong sakripisyo ang inihahandog. Habang ang pari ay nakikipamagitan sa Diyos, ang bawat puso ay magpakumbaba, nanghihingi ng kapatawaran sa kasalanan. PnL

Ang tunay at ang katulad ay nagtagpo sa kamatayan ni Cristo, ang Kordero na pinatay para sa kasalanan ng sanlibutan. Ang ating Dakilang Saserdote na naghandog ng natatanging alay na katumbas ng ating kaligtasan. Nang Kanyang inalok ang sarili sa krus, ang ganap na pagtubos ay nagawa para sa kasalanan ng mga tao. Tayo ngayon ay nakatayo sa labas ng bulwagan, naghihintay at naghahanap para sa dakilang pag-asa, ang maluwalhating pagdating ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. Walang kahit anong sakripisyo ang inihahandog, sapagkat ang Dakilang Saserdote ay gumaganap ng Kanyang gawain sa Kabanal-banalang dako. Sa Kanyang pamamagitan bilang ating Tagapagtanggol, hindi nangangailangan si Cristo ng kabutihan o pamamagitan ng kahit sino. Siya lang ang nag-iisang tagadala ng kasalanan, ang tanging handog para sa kasalanan. Ang panalangin at pagtatapat ay iniaalay sa Kanya lang, na Siyang pumasok nang isang beses para sa lahat sa kabanalbanalang dako. Kanyang sukdulang ililigtas ang sinumang lumapit sa Kanya sa pananampalataya. Siya’y nabubuhay upang mamagitan para sa atin. . . . PnL

Kinakatawanan ni Cristo ang Ama sa sanlibutan, at Kanya ring kinakatawan sa harap ng Diyos ang mga hinirang na kung saan Kanyang naibalik ang mabuting imahe ng Diyos. Sila ang Kanyang pamana. Kanyang sinasabi sa kanila, “Ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama.” Walang sinuman ang “nakakakilala sa Anak kundi ang Ama; at walang nakakakilala sa Ama, kundi ang Anak, at sinumang piliin ng Anak na pagpahayagan niya.” Walang pari, walang relihiyoso, ang makapaghahayag ng Ama sa sinumang anak na lalaki o babae ni Adan. Mayroon lang tayong nag-iisang Tagapagtaguyod, nag-iisang Tagapamagitan, na kayang magpatawad ng kasalanan. Hindi ba’t nagsasaya ang ating mga puso sa pasasalamat sa Kanya na nagbigay kay Jesus bilang kabayaran sa ating mga kasalanan? Isipin mong mabuti ang pag-ibig na ipinakita sa atin ng Ama, ang pag-ibig na Kanyang ipinahayag sa atin. Hindi natin masusukat ang Kanyang pag-ibig; dahil walang kasukatan. Masusukat mo ba ang walang hanggan? Maaari lang nating ituro ang Kalbaryo, ang Korderong pinatay mula sa pundasyon ng mundo.— Signs Of The Times , June 28, 1899. PnL