Pauwi Na Sa Langit
Si Jesus Ay Hindi Nakalilimot Sa Kanyang Iglesya, Oktubre 29
Kaya, mga banal na kapatid, mga kabahagi sa makalangit na pagkatawag, isaalang-alang ninyo na si Jesus, ang Apostol at Pinakapunong Pari ng ating pagpapahayag. Hebreo 3:1. PnL
Ang napako sa krus na ating Panginoon ay nakikiusap para sa atin sa presensya ng Ama na nasa trono ng biyaya. Sa Kanyang nagbabayad-salang handog, maaari tayong makiusap para sa ating kapatawaran, sa ating katuwiran, at sa ating pagpapabanal. Ang Korderong namatay ang tangi nating pag-asa. Ang ating pananampalataya ay tumitingin sa Kanya, humahawak sa Kanya na siyang makapagliligtas hanggang sukdulan, at ang samyo ng buong sapat na handog ay tinanggap ng Ama. Nakatuon ang lahat ng kapangyarihan sa langit at lupa kay Cristo, at lahat ng bagay ay posible sa kanya na naniniwala. Ang kaluwalhatian ni Cristo ay nagmamalasakit sa ating tagumpay. Siya’y may parehong interes sa lahat ng sangkatauhan. Siya ang ating Tagapagligtas na ating Karamay. . . . PnL
Alalahananin natin na ang ating Dakilang Saserdote ay nakikiusap sa harap ng luklukan ng awa para sa mga taong tinubos Niya. Siya’y nabubuhay upang mamagitan para sa atin. “Ngunit kung ang sinuman ay magkasala, tayo ay may Tagapagtanggol sa harap ng Ama, si Jesu-Cristo na siyang matuwid.” PnL
Ang dugo ni Jesus ay humihingi ng may kapangyarihan at may kahusayan para sa mga tumalikod, para sa mga mapaghimagsik, para sa mga nagkakasala laban sa dakilang liwanag at pag-ibig. Si Satanas ay nakatayo sa ating kanan upang akusahan tayo, at ang ating Tagapamagitan ay nakatayo sa kanan ng Diyos upang ipakiusap tayo. Hindi Siya kailanman na natalo sa kasong ipinagkatiwala sa Kanya. Maaari tayong magtiwala sa ating Tagapamagitan; sapagkat Kanyang ipinakikiusap ang Kanyang sariling kabutihan para sa atin. Dinggin ang Kanyang dalangin bago ang pagtataksil at pagsubok sa Kanya. Dinggin ang Kanyang panalangin para sa atin; sapagkat tayo’y Kanyang inaalala. PnL
Hindi Niya pababayaan ang Kanyang iglesya sa mundo na puno ng tukso. Kanyang tinitignan ang mga sinusubok at nahihirapang bayan, at Kanya silang idinadalangin. . . . PnL
Oo, Kanyang nasisilayan ang Kanyang bayan sa mundong ito, isang mundong mapangusig, at ang lahat ay nag-aagaw at nasisira ng sumpa, at Kanyang nalalamang sila’y nangangailangan ng lahat ng Kanyang simpatya at pag-ibig. Ang ating Tagapagpauna ay pumasok sa loob ng tabing, gayunpaman ay ang gintong kadena ng pag-ibig at katotohanan, Siya’y nakaugnay sa Kanyang bayan sa pakikiramay. PnL
Siya’y namamagitan para sa mga pinakamababa, pinakainaapi at nahihirapan, para sa mga pinakasinubok at tinukso. Nakataas ang Kanyang mga kamay na nagsusumamo, “Aking inanyuan sila sa mga palad ng aking mga kamay.” Gustonggustong pakinggan at tugunan ng Diyos ang mga pakiusap ng Kanyang Anak.— Seventh-Day Adventist Bible Commentary, vol. 7, pp. 948. PnL