Pauwi Na Sa Langit
Ang Tunay Na Tagapamagitan, Oktubre 10
Kaya't lumapit tayong may katapangan sa trono ng biyaya, upang tayo'y tumanggap ng awa, at makatagpo ng biyaya na makakatulong sa panahon ng pangangailangan. Hebreo 4:16. PnL
Sa gawain ni Cristo bilang tagapamagitan, ang pag-ibig ng Diyos ay perpektong naihayag sa mga mortal at anghel. Siya’y tumatayong namamagitan para sayo. Siya ang Punong Saserdote na nagsusumamo para sayo; at ikaw ay lalapit at ihahayag ang iyong kaso sa Ama sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Sa gayo’y makita mo ang daan tungo sa Diyos; bagaman ikaw ay nagkakasala, ikaw ay binibigyan pa ng pag-asa. “Ngunit kung ang sinuman ay magkasala, tayo ay may Tagapagtanggol sa harap ng Ama, si JesuCristo na siyang matuwid.” (1 Juan 2:1.) PnL
Si Cristo ang iyong Manunubos; Hindi Niya sasamantalahin ang mga kasalanang ipagtatapat. Kung ikaw ay lihim na nagkasala, ipahayag mo ito kay Cristo, na Siya lang tagapamagitan sa Diyos at tao. PnL
Tayo’y Kanyang inihahayag sa Ama na nakasuot ng puting damit ng Kanyang sariling karakter. Siya’y nangungusap sa Diyos para sa atin na nagsasabing: Aking pinalitan siya sa lugar ng makasalanan. Wag tingnan ang sutil na batang ito, tumingin ka Sa akin. Si Satanas ba ay malakas na nangungusap sa ating kaluluwa, . . . na inaangkin tayo bilang kanyang biktima, ang dugo ni Cristo ay sumasamo ng mas higit na kapangyarihan. PnL
Ang gawain ni Cristo sa makalangit na santuwaryo, inihahayag ang Kanyang sariling dugo sa tuwing Siya’y nananalangin para sa atin sa trono ng Awa, ay dapat na magkaroon ng buong impresyon sa puso, na ating mapagtanto ang halaga ng bawat sandali. Si Jesus ay nabubuhay upang ipanalangin tayo; ngunit ang sandaling panahon na hindi ginugol ng tama ay hindi na maibabalik. PnL
Iyong isipin si Jesus. Siya’y nasa banal na dako, hindi nag-iisa, ngunit napapaligiran ng sampung libo’t sampung libong mga anghel na naghihintay ng Kanyang bilin. At ibinilin Niyang sila’y humayo at tulungan ang mga mahihinang banal na siyang nagtitiwala sa Diyos. Mataas at mababa, mayaman at mahirap, parehong saklolo ang ibibigay. PnL
Wariin ninyo itong dakilang katunayan na si Cristo ay hindi humihintong gumawa sa Kanyang gawain sa makalangit na santuwaryo, at kung isinusuot mo ang pamatok ni Cristo, kung itinataas mo ang pasanin Niya, ikaw ay masasangkot sa gawain na tulad ng buhay na Panginoon.— The Faith I Live By, p. 205. PnL