Pauwi Na Sa Langit

280/364

Ang Kabuluhan Ng Serbisyo Sa Santuwaryo, Oktubre 8

Sapagkat itinalaga ang bawat pinakapunong pari upang maghandog ng mga kaloob at ng mga alay: kaya't kailangan din namang Siya'y magkaroon ng kanyang ihahandog. Hebreo 8:3. PnL

Matapos Siyang umakyat, ang ating Tagapagligtas ay magsisimula ng Kanyang gawain bilang ating Punong Saserdote. Wika ni Pablo, “Hindi pumasok si Cristo sa dakong banal na ginawa ng mga kamay, na kahalintulad lamang ng tunay; kundi sa talagang langit, upang humarap ngayon sa harapan ng Diyos dahil sa atin.” (Hebreo 9:24.) Kung paanong ang pangangasiwa ni Cristo ay mayroong dalawang dakilang bahagi, na bawat isa ay mayroong nakatakdang panahon at mayroong angkop na lugar sa santuwaryo sa langit, ganoon din na man ang aninong pangangasiwa ay may dalawang uri, ang pang-araw-araw at pangtaunang paglilingkod, at sa bawat isa ay may nakatalagang isang silid ng tabernakulo. PnL

Kung paanong si Cristo sa Kanyang pag-akyat ay humarap sa presensya ng Diyos upang ipakiusap ang Kanyang dugo para sa nagsisising mananampalataya, ganoon din naman ang saserdote sa araw-araw na paglilingkod na iwiniwisik ang dugo ng hain sa banal na dako para sa makasalanan. PnL

Ang dugo ni Cristo, samantalang iyon ay nagpapalaya sa nagsisising makasalanan mula sa sumpa ng kautusan, ay hindi nagpapawala sa kasalanan; iyon ay nananatiling nakatala sa santuwaryo hanggang sa wakas ng pagtubos; ganoon din naman sa anino ang dugo ng handog ukol sa kasalanan ay nag-aalis ng kasalanan mula sa nagsisisi subalit iyon ay nananatili sa santuwaryo hanggang sa Araw ng Pagtubos. PnL

Sa dakilang araw ng huling ganti, kung kailan ang mga patay ay “hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa.” (Apocalipsis 20:12.) At sa pamamagitan ng dugong pantubos ni Cristo, ang mga kasalanan ng lahat ng tunay na nagsisisi ay papawiin mula sa mga aklat ng langit. Sa ganoong paraan ang santuwaryo ay napalalaya, o nalilinis, mula sa talaan ng mga kasalanan. Sa anino, ang dakilang gawaing ito ng pagtubos, o pagpawi ng mga kasalanan, ay kinakatawanan ng mga paglilingkod sa Araw ng Pagtubos—ang paglilinis ng santuwaryo sa lupa, na naisasakatuparan sa pamamagitan ng pag-aalis, sa pamamagitan ng dugo ng handog ukol sa kasalanan, sa mga kasalanang nakarumi roon. PnL

Kung paanong sa wakas ng pagtubos ang mga kasalanan ng mga tunay na nagsisisi ay inaalis mula sa mga talaan sa langit, na hindi na kailanman maaalaala o maiisaisip, ganoon din naman sa anino ng mga iyon ay dadalhin palayo tungo sa ilang, nawalay ng pang-walang hanggan mula sa kapisanan. PnL

Sapagkat si Satanas ang pinagmulan ng kasalanan, ang tuwirang tagapag-udyok ng lahat ng mga kasalanang naging sanhi ng pagkamatay ng Anak ng Diyos, ang katarungan ay nag-uutos na si Satanas ay magdudusa sa huling pagpaparusa.— Patriarchs And Prophets, pp. 357, 358. PnL