Pauwi Na Sa Langit

265/364

Isang Nakikiramay Na Kamay, Setyembre 23

Bawat tao'y tumutulong sa kanyang kapwa, at sinasabi sa kanyang kapatid, “Ikaw ay magpakatapang!” Isaias 41:6. PnL

Ang pagtitiis at pagiging di-makasarili ay nagmamarka sa mga salita at kilos ng lahat na nabubuhay ng bagong buhay kay Cristo. Sa paghahangad mong ipamuhay ang Kanyang buhay, nagsusumikap na lupigin ang sarili at pagkamakasarili at maglingkod sa mga pangangailangan ng iba, magtatamo ka ng sunod-sunod na tagumpay. Sa gayon, pagpapalain ng iyong impluwensya ang mundo. . . . PnL

Ang ating mga tahanan ay dapat maging isang kanlungan para sa mga tinutuksong kabataan. Marami roon ang mga tumatayo sa paghihiwalay ng mga landas. Ang bawat impluwensya, bawat impresyon, ang tumutukoy sa pagpipilian na humuhubog sa kanilang patutunguhan dito at sa kabilang buhay. Inaanyayahan sila ng kasamaan. Ang mga dulugan nito’y ginawang maliwanag at kaakit-akit. Mayroon silang pagtanggap sa bawat sulok. Sa paligid natin ay may mga kabataang walang tahanan, at marami ang may tahananng walang nakatutulong, nakakaganyak na kapangyarihan, at ang ang kabataan ay naaanod sa kasamaan. Sila’y bumabagsak sa pagkawasak sa loob ng pinakalilim ng ating sariling mga pintuan. PnL

Ang mga kabataang ito’y nangangailangan ng isang kamay na nakaunat sa kanila sa pakikiramay. Ang mabubuting salitang simpleng sinalita, maliliit na pansin na simpleng ipinagkaloob, ay aalis ng mga ulap ng tukso na nagtitipon sa kaluluwa. Ang totoong pagpapahayag ng pakikiramay na mula sa langit ay may kapangyarihan na magbukas ng pintuan ng mga pusong nangangailangan ng halimuyak ng mga salitang tulad kay Cristo, at ang simple, mainam na paghipo ng diwa ng pag-ibig ni Cristo. Kung magpapakita tayo ng interes sa kabataan, anyayahan sila sa ating mga tahanan, at palibutan sila ng masigasig, nakakatulong na mga impluwensya, maraming masayang magbabago ng kanilang mga hakbang sa paitaas na landas. PnL

Kaunti ang panahon natin dito. Isang beses lang tayo makadadaan sa mundong ito; sa pagdaan natin, gawin na natin ang pinakamabuti sa buhay. Ang gawaing tinawag sa atin ay hindi nangangailangan ng kayamanan o posisyon sa lipunan o mahusay na kakayahan. Nangangailangan ito ng isang mabuti, nagsasakripisyo sa sariling espiritu at isang matatag na layunin. Ang isang lampara, gaano man kaliit, kung patuloy na nagliliyab, ay maaaring maging paraan ng pag-iilaw ng marami pang ibang mga lampara. Ang saklaw ng ating impluwensya ay tila makitid, maliit ang ating kakayahan, kakaunti ang ating mga oportunidad, limitado ang ating mga nakamit; ngunit nasa atin ang kamangha-manghang mga posibilidad sa pamamagitan ng isang tapat na paggamit ng mga oportunidad ng ating sariling mga tahanan. Kung bubuksan natin ang ating mga puso at tahanan sa mga banal na alituntunin ng buhay, tayo’y magiging mga daluyan para sa mga alon ng nagbibigaybuhay na kapangyarihan. Dadaloy mula sa ating mga tahanan ang mga batis ng pagpapagaling, na nagdadala ng buhay at kagandahan at pagkamabunga sa mga ngayon ay tigang at nagdarahop— The Ministry Of Healing , pp. 362, 354, 355. PnL