Pauwi Na Sa Langit

225/364

Ang Impluwensya Ng Perpektong Samahan, Agosto 14

Kaya't ako, . . . ay nagsusumamo sa inyo na kayo'y lumakad ng nararapat sa pagkatawag na sa inyo'y itinawag, . . . na nagsisikap na mapanatili ang pagkakaisa ng Espiritu sa buklod ng kapayapaan. Efeso 4:1, 3. PnL

Walang anumang bagay para sa atin ang napakahalaga na maibibigay kay Jesus. Kung ibabalik natin sa Kanya ang mga talento ng mga kaparaanang ipinagkatiwala Niya sa atin, magbibigay Siya ng higit pa sa ating mga kamay. Ang bawat pagsusumikap na ginagawa natin para kay Cristo ay gagantimpalaan Niya, at ang bawat tungkulin na ginagawa natin sa Kanyang pangalan ay aakay sa ating sariling kaligayahan. Isinuko ng Diyos ang Kanyang mahal na Anak sa matinding paghihirap ng pagpapako sa krus, upang ang lahat na sumasampalataya sa Kanya ay maaaring maging isa sa pamamagitan ng pangalan ni Jesus. Nang si Cristo ay gumawa ng sakripisyo upang iligtas tayo at dalhin tayo sa pagkakaisa sa isa’t isa, gaya na Siya ay pinagsama sa Ama, anong sakripisyo ang magagawang napakalaki para sa Kanyang mga tagasunod upang mapanatili ang pagkakaisa? PnL

Kung nakikita ng sanlibutan ang isang perpektong pagkakaisa na umiiral sa iglesya ng Diyos, ito’y magiging isang makapangyarihang patunay sa kanila na pabor sa relihiyong Cristiano. Ang mga pagtatalo, malumbay na pagkakaiba-iba, at ang maliliit na pagsubok sa iglesya ay kahiya-hiya sa ating Manunubos. Ang lahat ng ito’y maiiwasan kung ang sarili ay isinuko sa Diyos at ang mga tagasunod ni Jesus ay sumusunod sa tinig ng iglesya. Ang hindi paniniwala ay nagmumungkahi na ang indibidwal na kalayaan ay nagdaragdag ng ating kahalagahan, na isang kahinaan ang ibigay ang ating sariling mga ideya tungkol sa kung ano ang tama at wasto sa desisyon ng iglesya; ngunit ang magpadaig sa gayong mga damdamin at pananaw ay hindi ligtas at magdadala sa atin sa anarkiya at pagkalito. Nakita ni Cristo na ang pagkakaisa at pagsasama ng Cristiano ay kinakailangan sa gawain ng Diyos, kaya ipinag-utos Niya ito sa Kanyang mga alagad. At ang kasaysayan ng Cristianismo mula sa panahong iyon hanggang ngayon ay nagpapatunay sa katapusan na sa pagkakaisa lang mayroong lakas. Hayaang maipasakop ang indibidwal na paghatol sa awtoridad ng iglesya. PnL

Naramdaman ng mga apostol ang pangangailangan ng mahigpit na pagkakaisa, at gumawa silang masikap hanggang sa dulo. Pinayuhan ni Pablo ang kanyang mga kapatid sa mga salitang ito: “Mga kapatid, ngayon ay nananawagan ako sa inyo sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na kayong lahat ay magsalita ng isang bagay lamang, at huwag magkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi, kundi kayo’y magkaisa sa isang pag-iisip at layunin lamang.” PnL

Sumulat din siya sa mga taga-Filipos: “Kaya nga kung mayroong anumang kasiglahan kay Cristo, kung mayroong anumang kaaliwan ng pag-ibig, kung mayroong anumang pakikisama ng Espiritu, kung mayroong anumang pagkagiliw at habag, ay lubusin ninyo ang aking tuwa sa pagkakaroon ng gayunding pag-iisip, magtaglay ng gayunding pagibig, na magkaisa ng diwa, at may isa lamang pag-iisip.— Testimonies For The Church, vol. 4, pp. 19, 20. PnL