Pauwi Na Sa Langit

199/364

Ang Kaisipan At Ang Katawan, Hulyo 18

Anak ko, ang aral ko'y huwag mong kalimutan, kundi ang aking mga utos sa iyong puso'y ingatan; sapagkat kahabaan ng araw at mga taon ng buhay, at kapayapaan, ang sa iyo'y kanilang ibibigay. Kawikaan 3:1, 2. PnL

Gaya ng prinsipyo ng pundasyon ng lahat ng edukasyon sa mga bagay ito, dapat maturuan ang mga kabataan na ang batas ng kalikasan ay mga batas ng Diyos—na tunay na galing sa Diyos gaya ng mga tuntunin sa Sampung Utos. Ang mga kautusang may pamamahala sa ating pisikal na organismo, ay isinulat ng Diyos sa lahat ng nerbiyo, laman, at mga hibla ng katawan. Bawat kapabayaan o sinasadyang paglabag sa mga batas na ito ay isang kasalanan laban sa ating Manlilikha. PnL

Ang impluwensya ng kaisipan sa katawan, gayundin ng katawan sa kaisipan, ay dapat bigyang-diin. Ang kuryenteng kapangyarihan ng utak, na pinagagana ng gawaing pangkaisipan, ay nagpapalakas sa buong sistema, at sa gayo’y napakahalagang tulong para malabanan ang sakit. Ito’y dapat gawing maliwanag. Ang kahalagahan ng kalooban at ang kapangyarihan ng pagpipigil ng sarili, sa pagpapanatili at pagpapanauli ng kalusugan, ang nagpapahina at mapangwasak na epekto ng galit, kaligaligan, pagiging makasarili, o karumihan, at sa kabilang banda, ang kahanga-hangang nagbibigay buhay na kapangyarihan na matatagpuan sa pagiging masayahin, at di-makasarili, pagiging mapagpasalamat, ay dapat maipakita. PnL

May pisyolohikal na katotohanan—katotohanang dapat nating isaalang-alang—sa kasulatan, “Isang mabuting gamot ang masayang puso, ngunit ang bagbag na diwa, sa mga buto’y tumutuyo.” (Kawikaan 17:22.) . . . PnL

Kailangang maunawaan ng mga kabataan ang malalim na katotohanan na pinagsasaligan ng pahayag ng Biblia na sa Diyos “ang bukal ng buhay.” (Awit 36:9.) Hindi lamang Siya ang pinagmulan ng lahat sa halip ay Siya ang buhay ng lahat ng nabubuhay. Kanyang buhay iyong tinatanggap natin sa sikat ng araw, sa malinis at matamis na hangin, sa mga pagkaing nagpapatatag sa katawan at nagkakaloob ng ating lakas. Sa pamamagitan ng Kanyang buhay kaya tayo umiiral, sa bawat oras, sa bawat sandali. Maliban sa sinira ng kasalanan, ang lahat ng kaloob Niya ay sa ikabubuhay, sa kalusugan at kaligayahan. PnL

“Ginawa Niya ang bawat bagay na maganda sa kapanahunan niyon” (Eclesiastes 3:11.); at masisiguro ang totoong kagandahan, hindi sa pagsira ng mga gawa ng Diyos, kundi sa paglapit na may kapayapaan sa mga kautusan niyang gumawa ng lahat ng mga bagay, at makatatagpo ng kasiyahan sa kagandahan at kasakdalan nito. PnL

Habang pinag-aaralan ang mekanismo ng katawan, dapat ituon ang pansin sa kahanga-hangang pagbagay ng dahilan tungo sa layunin, ang magkakasang-ayong pagkilos at pagdepende ng ilang mga sangkap. Habang ginigising ang interes ng mga estudyante, at kanilang makita ang kahalagahan ng kulturang pisikal, marami ang magagawa ng guro para siguruhin ang tamang pagpapalago at tamang kaugalian.— EDUCATION , pp. 196198. PnL