Pauwi Na Sa Langit
Mga Aral Mula Sa Pagbangon At Pagbagsak Ng Mga Bansa, Hulyo 16
Siya ang naghahayag ng malalalim at mahihiwagang bagay; Kanyang nalalaman kung ano ang nasa kadiliman, at ang liwanag ay naninirahan sa Kanya. Daniel 2:22. PnL
Ang mga propetang pinagpahayagan ng mga dakilang pangyayaring ito’y nagnais na maunawaan ang kahalagahan ng mga ito. Sila’y “nagsikap at nagsiyasat na mabuti . . . kanilang siniyasat kung anong pagkatao o kapanahunan na tinutukoy ng Espiritu ni Cristo na sumasakanila . . . . Ipinahayag sa kanila na hindi sila naglilingkod sa kanilang sarili kundi sa inyo; . . . na ang mga bagay na ito’y pinananabikang makita ng mga anghel.” (1 Pedro 1:10-12.) PnL
Sa ating tumatayo sa pinakabingit ng katuparan nito, gaano kahalagang sandali, anong halaga sa buhay na ito’y malaman, ang mga balangkas ng mga bagay na darating—mga pangyayari kung saan, pasimula nang ang ating mga magulang ay humakbang palayo sa Eden, ang mga anak ng Diyos ay nagbantay at naghintay, nanabik at nanalangin! . . . PnL
Mula sa pag-angat at pagbagsak ng mga bansa kung paanong ginawang maliwanag sa Banal na Kasulatan, kailangan nilang malaman kung kawalang kabuluhan ang panlabas at pansanlibutang kaluwalhatian lang. Ang Babilonia, taglay ang lahat ng kapangyarihan at karilagan nito, na ang gaya nito’y hindi pa nakita ng mundo simula pa noon—kapangyarihan at karilagan na sa mga tao noon ay tila napakatatag at magpapatuloy—gaano ito lubusang naglaho! Ito’y nawala kung paanong nawawala “ang bulaklak ng damo.” Gayundin mawawala alinmang hindi ang Diyos ang pundasyon. Tanging yaon lamang na natali sa kanyang layunin at at nagpapahayag ng Kanyang karakter ang mananatili. Ang Kanyang mga prinsipyo ang tanging bagay na nananatili na nalalaman ng ating sanlibutan. PnL
Ang mga dakilang katotohanang ito ang dapat matutuhan ng mga matatanda at mga bata. Kailangan nating pag-aralan ang paggawa ng layunin ng Diyos sa kasaysayan ng mga bansa at sa pahayag tungkol sa mga bagay na darating upang ating maunawaan ang tunay na halaga ng mga bagay na nakikita at di-nakikita; upang ating matutuhan kung ano ang tunay na layunin ng buhay; na sa pagtingin sa mga bagay ng panahon sa liwanag ng walang hanggan ay maaaring mailagay natin ang mga ito sa kanilang pinakatotoo at pinakamarangal na paggamit. Sa gayon, ang pagkatuto rito ng mga prinsipyo ng Kanyang kaharian at ang maging sakop at mamamayan nito, tayo’y magiging handa sa Kanyang pagdating para pumasok na kasama Niya sa Kanyang pag-aari. PnL
Malapit na ang araw. Sapagkat ang mga aral na dapat matutuhan, ang gawaing dapat tapusin, ang pagbabago ng karakter na kailangang malikha, ang nalalabing oras ay napakaikling panahon na lamang.— Education, pp. 183, 184. PnL