Pauwi Na Sa Langit

178/364

Paninindigan Para Sa Karangalan Ng Diyos, Hunyo 27

At ang paghatol ay ibinigay para sa mga banal ng Kataas-taasan. Daniel 7:22. PnL

Ang ilan sa mga pangunahing dahilan sa paghiwalay ng tunay na iglesya mula sa Roma ay ang galit ng huli sa Sabbath ng Biblia. Gaya ng sinabi sa propesiya, inihagis ng kapangyarihan ng kapapahan ang katotohanan sa lupa. Ang kautusan ng Diyos ay niyurakan sa alabok, habang ang mga tradisyon at mga kaugalian ay itinanghal. Ang mga iglesyang nasa ilalim ng pamumuno ng kapapahan ay naunang pinilit na igalang ang Linggo bilang banal na araw. Sa gitna ng mga umiiral na kamalian at pamahiin, marami, kahit na ang tunay na bayan ng Diyos, ang lubhang nalito na habang sila’y sumasamba sa Sabbath, sila’y umiwas ding magtrabaho sa araw ng Linggo. Ngunit hindi nasiyahan dito ang mga namumuno ng kapapahan. Nag-utos silang hindi lang pabanalin ang Linggo, kundi ang Sabbath ay lapastanganin, at kanilang itinakwil sa pamamagitan ng matinding salita sa mga taong nangahas na magpakita ng paggalang dito. Sa pamamagitan lang ng pagtakas mula sa kapangyarihan ng Roma makasusunod ng payapa ang sinumang susunod sa kautusan ng Diyos. PnL

Ang mga Waldenses ay kasama sa unang bayan sa Europa na tumanggap ng salin ng Banal na Kasulatan. . . . Daang taon bago pa ang Repormasyon, nasa kanila na ang Biblia na nakasulat sa kanilang kinagisnang salita. Nasa kanila ang dalisay na katotohanan, at ito ang dahilan upang tanggapin nila ang espesyal na pagkasuklam at pag-uusig. Ipinahayag nilang ang Iglesya ng Roma ang tumalikod na Babilonia ng Apocalipsis, at sa panganib ng kanilang mga buhay nanindigan silang labanan ang kanyang mga katiwalian. Habang, nasa ilalim ng mahaba at patuloy na pag-uusig, ang ilan ay nagkompromiso ng kanilang pananampalataya, na unti-unti ay kanilang isinuko ang kanilang natatanging mga prinsipyo, habang ang iba ay matinding humawak sa katotohanan. Sa panahon ng kadiliman at pagtalikod ay mayroong mga Waldenses na itinanggi ang pamumuno ng Roma, na tumanggi sa pagsamba sa larawan bilang pagsamba sa diyus-diyosan, at nangilin ng tunay na Sabbath. Habang nasa ilalim ng matinding bagyo ng pang-aapi kanilang pinanatili ang kanilang pananampalataya. Bagaman sinugatan ng sibat ng Savoyard at sinunog ng panggatong ng Roma, tumayo silang matatag sa salita ng Diyos at sa Kanyang karangalan. PnL

Sa kabila ng mga matatayog na mga bundok—sa lahat ng panahon ang taguan ng mga inusig at pinahirapan—ang mga Waldenses ay nakatagpo ng lugar na taguan. Dito ang liwanag ng katotohanan ay pinanatiling naglalagablab sa kalagitnaan ng kadiliman ng Middle Ages. . . . PnL

Naghanda ang Panginoon ng santuwaryo na kahanga-hangang karingalan para sa Kanyang bayan, na angkop lang sa mga makapangyarihang katotohanang ipinagkatiwala sa kanilang pag-iingat. Sa mga tapat na ipinatapon, ang mga bundok ay sagisag ng dinagbabagong katuwiran ni Yahweh.— The Great Controversy, pp. 65, 66. PnL