Pauwi Na Sa Langit
Pagtatanghal Ng Kautusan, Hunyo 10
Ang kautusan ng Diyos ay sakdal, na nagpapanauli ng kaluluwa. Awit 19:7. PnL
Hanggang sa ang langit at lupa ay lumipas,” sabi ni Jesus, “ang isang tuldok o isang kudlit ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa matupad ang lahat ng bagay.” Sa pamamagitan ng Kanyang pagsunod sa kautusan, si Cristo ay nagpatotoo sa karakter nitong di-nagbabago at nagpatunay na sa pamamagitan ng Kanyang biyaya ito’y maaaring ganap na sundin ng bawat anak na lalaki at babae ni Adan. Ipinahayag Niya sa bundok na wala kahit isang kudlit ang lilipas mula sa kautusan hanggang sa ang lahat ng bagay ay maganap—ang lahat ng bagay patungkol sa lahi ng tao, ang lahat na kaugnay sa panukala ng pagtubos. Hindi Niya itinuturong ang kautusan ay dapat pawalang-bisain, ngunit itinutuon Niya ang mata sa pinakadulo ng ating pananaw at tinitiyak sa atin na hanggang sa maabot ito ay mananatili ang kapangyarihan ng kautusan upang walang sinuman ang mag-akalang misyon Niyang pawalan ng bisa ang mga alituntunin ng kautusan. Habang nagpapatuloy ang langit at ang lupa, mananatili ang mga banal na prinsipyo ng kautusan ng Diyos. Ang Kanyang katuwiran, “gaya ng mga dakilang bundok” (Awit 36:6), ay magpapatuloy, isang pinagmumulan ng pagpapala, na nagpaapdala ng mga batis para panariwain ang lupa. PnL
Dahil sa ang kautusan ng Diyos ay sakdal, at kung gayon ay di-nagbabago, imposible para sa mga makasalanang tao, sa kanilang mga sarili, na abutin ang pamantayan na mga hinihiling nito. Ito ang dahilan kung bakit dumating si Jesus bilang ating Manunubos. Misyon Niya, sa paggawa sa atin na maging mga kabahagi ng maka-Diyos na likas, na dalhin tayo para maging kaayon sa mga prinsipyo ng kautusan ng langit. Kapag ating itinakwil ang ating mga kasalanan at tinanggap si Cristo bilang ating Tagapagligtas, naitatanghal ang kautusan. Itinanong ni apostol Pablo, “Pinapawalang-bisa ba natin ang kautusan sa pamamagitan ng pananampalataya? Huwag nawang mangyari, kundi pinagtitibay pa nga natin ang kautusan. (Roma 3:31.) PnL
Ang pangako sa bagong-tipanan ay, “Ilalagay Ko ang Aking mga kautusan sa kanilang mga puso, at isusulat Ko ang mga iyon sa kanilang pag-iisip.” (Hebreo 10:16.) Habang ang mga sistema ng anino (types) ay nagtuturo kay Cristo bilang Kordero ng Diyos na mag-aalis ng kasalanan ng mundo ay lilipas kapag Siya’y namatay Siya, ang mga prinsipyo ng katuwiran na kasama sa Sampung Utos ay di-mababago tulad ng walang hanggang trono. Walang ni isa mang utos ay pawawalang-bisain, walang tuldok o kudlit ang nabago. Ang mga prinsipyong iyon na ipinabatid sa ating mga unang magulang sa Paraiso bilang dakilang kautusan ng buhay ay mananatiling hindi nababago sa Paraisong ibinalik. Kapag ang Eden ay muling naibalik sa lupa, ang kautusan ng Diyos ng pag-big ay susundin ng lahat na nasa ilalim ng araw.— Thoughts From The Mount Of Blessing, pp. 49, 50. PnL