Ang Aking Buhay Ngayon

95/275

Maging Mahabagin sa Lahat ng Tao, 4 Hulyo

Sa mahihina, ako ay naging mahina, upang mahikayat ko ang mahihina. Sa lahat ng mga bagay ay nakibagay ako sa lahat ng mga tao, upang sa lahat ng mga paraan ay makapagligtas ako ng ilan. 1 Gorinto 9:22 BN 98.1

Nararapat na masusing pag-aralan ng lahat kung paano sila magagamit sa pinakamabuting kaparaanan at kung paano sila magiging pagpapala sa mga nakakasama nila. BN 98.2

Lahat ng nag-aaring sila ay mga anak ng Diyos ay nararapat na walang tigil na isiping sila ay mga misyonero, na sa kanilang gawain sila ay nagkakaroon ng ugnayan sa lahat ng uri ng kaisipan. Magkakaroon ng mga taong hindi tapat sa kanilang pakikitungo sa kanilang kapwa; magkakaroon ng mga mapagmataas, mga palalo, mapagmalaki, mga hangal, mga hindi nakikisama, maaangal, iyong mga nalulumbay, iyong pinanghihinaan ng loob, mga panatiko, sarili lamang ang iniisip, mga mahiyain, mga maramdamin, mga may pinag-aralan, at mga magagalang, mga mabisyo, walang galang, at mga mabababaw. . . . Ang mga iba't ibang mga kaisipang ito ay hindi maaaring pakitunguhan na magkakatulad. Ngunit, ang lahat, maging mahirap o mayaman, mataas o mababa, umaasa sa ibaba o sa sarili lamang, ay nangangailangan ng kabutihan, kaawaan, katotohanan at pag-ibig. Sa pamamagitan ng pakikitungo sa iba, ang ating mga kaisipan ay nararapat na tumanggap ng pagpapakinis at kaayusan. Tayo ay umaasa sa isa't isa, na natataling magkakasama ng bigkis ng kapatiran ng buong sangkatauhan. BN 98.3

Ang Cristianismo ay nagkakaroon ng kaugnayan sa sanlibutan sa pamamagitan ng pakikipagkapwa. Ang bawat lalaki at babaing nakalasap ng pag-ibig ni Cristo at tumanggap ng banal na kaalaman sa kanyang puso ay hinihilingan ng Diyos na maglahad ng liwanag sa daan nilang hindi nakakikilala sa mas mabuting daan. .. . BN 98.4

Kailangan nating ipahayag si Cristo na may katapangan, na ipinapakita sa ating mga karakter ang Kanyang kaamuhan, pagpapakumbaba, at pag-ibig, hanggang ang mga tao ay maakit ng kagandahan ng kabanalan. BN 98.5

Ang kapangyarihang sosyal na pinabanal ng Espiritu ni Cristo ay kailangang pagbutihin sa pagdadala ng mga kaluluwa sa Tagapagligtas. . . . Nararapat na si Cristo na nasa atin ay maging bukal ng tubig na sumisibol patungo sa buhay na walang hanggan, na nagbibigay buhay sa lahat ng nakasasalamuha natin. BN 98.6