Ang Aking Buhay Ngayon

93/275

Mahalin ang mga Tao Gaya ng Pagmamahal ni Cristo sa Kanila, 2 Hulyo

Ito ang Aking utos, na kayo'y magmahalan sa isa't isa, gaya ng pagmamahal Ko sa inyo. ]uan 15:12 BN 96.1

Isinakabuhayan ni Cristo ang Kanyang mga banal na turo. Ang Kanyang pagkamasugid ay hindi nagdala sa Kanya na maging maramdamin. Nagpakita Siya ng katapatang walang katigasan, kabutihang walang kahinaan, pagkamalambing at simpatyang walang pagkamaramdamin. Mahilig Siya sa pakikisama ngunit nagtataglay din Siya ng dignidad na hindi humahantong sa hindi angkop na pagkapamilyar. Ang Kanyang pagpipigil ay hindi naging pagkapanatiko o pagkabarat. Hindi Siya nakisang-ayon sa sanlibutan, ngunit hindi nawalan ng pagmamalasakit sa mga pagnanasa ng pinakamaliit sa mga tao. Siya ay gising sa mga pangangailangan ng lahat ng tao. BN 96.2

Mula sa pagkabata hanggang pagtanda, namuhay si Cristo bilang sakdal na halimbawa ng pagpapakumbaba, kasipagan, at pagsunod. Siya ay laging may konsiderasyon sa kapwa at laging tinatanggihan ang sarili. Dumating Siyang taglay ang tatak ng kalangitan hindi para paglingkuran kundi para maglingkod. . . . BN 96.3

Ang hindi makasariling buhay ni Cristo ay halimbawa para sa lahat. Ang Kanyang karakter ay tularan ng karakter na maaari nating mabuo kung susunod tayo sa Kanyang mga yapak. BN 96.4

Ang pagiging maparaan at mabuting paghatol ay nagpapalawig sa magagawa ng isang daang beses. Kung kanyang bibigkasin ang mga tamang salitang angkop sa kapanahunan at magpapakita ng maayos na espiritu, ito ay magpapakita ng nakatutunaw na kapangyarihan sa puso ng taong pinagsisikapan niyang tulungan. BN 96.5

Iyong mga naiiba sa atin sa pananampalataya at doktrina ay nararapat na ituring na may kabutihan. Sila ay pag-aari ni Cristo, at atin silang makahaharap sa dakilang araw ng huling paglilitis. Kinakailangang makaharap natin ang isa't isa sa paghuhukom, at makita ang tala ng ating mga kaisipan, pananalita, at mga ginawa, hindi gaya ng ating pagkakatunghay sa kanila sa kasalukuyan kundi sa katotohanan. Ibinigay sa atin ni Cristo ang gawaing magmahalan sa isa't isa kung paano tayo minahal ni Cristo. BN 96.6