Ang Aking Buhay Ngayon
Aking Ikikiling ang Aking Pakinig sa Kalangitan, 25 Marso
At ang iyong mga pandinig ay makakarinig ng salita sa likuran mo, na nagsasabi, ‘Ito ang daan, lakaran ninyo, kapag kayo'y pumipihit sa kanan, at ‘kapag kayo'y pumipihit sa kaliwa. Isaias 30:21 BN 88.1
Maraming mga kasaysayan sa Kinasihang Salita ang ibinigay upang ituro sa ating ang katauhan ay siyang tampulan ng natatanging pag-aaruga ng Diyos at ng mga makalangit na nilalang. Hindi pinapabayaan ang taong paglaruan ng mga panunukso ni Satanas. Ang buong kalangitan ay aktibong nakikisangkot sa gawain ng pagtatalastas ng liwanag sa mga naninirahan sa sanlibutan, upang sila ay hindi maiwanan sa kadiliman ng hatinggabi na walang espirituwal na paggabay. Ang matang hindi natutulog o humihimbing ay nagbabantay sa kampamento ng Israel. Sampung libo at libu-libo sa mga anghel ay naglilingkod sa mga pangangailangan ng mga anak ng tao. Ang mga tinig na kinasihan ng Diyos ay nagsasabi, “Ito ang daan, lakaran ninyo.” BN 88.2
Maiiwasan nating makita ang marami sa mga kasamaang napakabilis na dumadami ngayong huling araw. Maiiwasan natin mapakinggan ang tungkol sa kasamaan at krimen na nangingibabaw ngayon. BN 88.3
Sa mga aktibong kaisipan ng mga bata at mga kabataan, ang mga senaryong haka-haka tungkol sa kinabukasan ay inilalarawan. Habang ang mga pag-aalsa ay hinuhulaang magaganap, at ang lahat ng uri ng mga pangyayari ay naglalarawan ng pagbagsak ng mga salabid ng batas at pagpipigil, marami ang nahahawahan ng espiritu ng mga palabas na ito. Sila ay nadadala sa paggawa ng mga krimen o kung maaari ay higit pa kaysa mga kahindikang iniakda ng mga manunulat. Sa pamamagitan ng mga ganitong impluwensya, ang lipunan ay napapasama. Ang mga binhi ng paglabag ay inihahasik. Walang dapat magtakang ang pag-aani ng krimen ang siyang bunga nito. BN 88.4
Bigkasin mong may paninindigan: “.. .aking isasara ang aking mga paningin sa mga bagay na walang kabuluhan at masasama. Ang aking mga pandinig ay sa Panginoon at hindi ako makikinig sa matalinong pangangatwiran ng kaaway. Ang aking tinig ay hindi magpapasakop sa anumang paraan sa kaloobang hindi nasa ilalim ng impluwensya ng Espiritu ng Diyos. Ang aking katawan ay templo ng Banal na Espiritu, at bawat kapangyarihan ng aking pagkatao ay itatalaga sa karapatdapat na mga layunin.” BN 88.5