Ang Aking Buhay Ngayon
Hahanapin Ko ang Mabuti Upang Ako'y Mabuhay, 24 Marso
Hanapin ninyo ang mabuti at hindi ang masama, upang kayo'y mabuhay; at sa gayo'y ang Pang/noon, ang Diyos ng mga hukbo, ay magiging kasama ninyo, (gaya ng inyong sinasabi. Amos 5:14 BN 87.1
Ginagamit ni Satanas ang bawat paraan upang pasikatin ang krimen at nakasisirang mga bisyo. Hindi tayo makalalakad sa mga kalye ng ating lunsod na hindi nakakikita ng mga nakasisilaw na patialastas tungkol sa krimeng nakasulat sa isang nobela o gagampanan sa entablado. Natuturuan ang isipan na maging pamilyar sa kasalanan. Ang daang tinatahak nilang masasama ay palaging itinatambad sa mga tao sa mga diyaryo at ang bawat makapanggigising sa damdamin ay inihaharap sa kanila sa mga nakaaantig na mga kuwento. Napakarami nilang naririnig tungkol sa krimen na anupa't ang dating magiliw na konsyensya, na dapat ay aatras mula sa kalagiman ng mga ganitong tagpo, ay nagiging matigas, at sila'y nananatili sa mga bagay na ito na may nahuhumaling na pagkawili. BN 87.2
Marami sa mga sikat na kaaliwan sa mundo ngayon, kahit na sa kanilang nag-aangking mga Cristiano, ay kagaya doon sa mga hindi Cristiano. Totoong iilan lamang sa kanila ang hindi napatatalikod ni Satanas tungo sa pagkasira ng kanilang kaluluwa. Sa pamamagitan ng drama, kumikilos siya upang pabangunin ang damdamin at itaas ang bisyo, Ang operang may nakagaganyak na palabas at musikang nagdudulot ng kagulumihanan, ang masquerade, ang pasayaw, ang pasugalan, ay ginagamit ni Satanas upang pabagsakin ang mga salabid ng prinsipyo at buksan ang pinto patungo sa pagpapasasa ng damdamin. Sa bawat pagtitipon para sa kasiyahan kung saan ang pagmamataas ay pinagyayaman o ang katakawan ay sinusunod, kung saan ang tao ay dinadala sa pagkalimot sa Diyos at makalimot sa mga interes na walang hanggan, doon ipinapalupot ni Satanas ang kanyang tanikala sa kaluluwa. BN 87.3
Ang tanging kaligtasan natin ay ang magtago sa likod ng biyaya ng Diyos sa bawat saglit, at huwag ipapatay ang ating espirituwal na pagtingin na anupa't tatawagin natin ang kasamaan na kabutihan, at ang kabutihan na kasamaan. Kailangan nating isara at bantayan ang mga lagusan ng ating kaluluwa laban sa kasamaan. BN 87.4