Ang Aking Buhay Ngayon

82/275

lingatan Ko ang Pintuan ng Aking Puso, 22 Marso

Ang iyong puso'y buong sikap mong ingatan, sapagkat mula rito’y dumadaloy ang mga bukal ng buhay. Kawikaan 4:23 BN 85.1

Ang iyong puso'y buong sikap mong ingatan,” ang payo ng pantas; “sapagkat mula rito'y dumadaloy ang mga bukal ng buhay.” “Sapagkat kung ano ang iniisip niya sa loob niya, ay gayon siya.” Ang puso ay kailangang mapanibago ng banal na biyaya, kung hindi ay balewala ang paghahanap sa kadalisayan ng buhay. Siyang nagsisikap na bumuo ng marangal at mabuting paguugaling hiwalay sa biyaya ni Cristo ay nagtatayo ng kanyang bahay sa buhanginan. Sa matitinding bagyo ng panunukso ito ay tiyak na babagsak. Ang panalangin ni David ay dapat din maging panalangin ng bawat kaluluwa: “Lumalang ka sa akin ng isang malinis na puso,O Diyos; at muli mong baguhin ang matuwid na espiritu sa loob ko.” At pagkatapos na tumanggap ng banal na kaloob, tayo'y magtutuloy sa kasakdalan, “na sa kapangyarihan ng Diyos ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya.” BN 85.2

Ngunit may gawain tayong tanggihan ang tukso. Silang hindi mabibihag ng mga pakana ni Satanas ay kailangang bantayang mabuti ang mga lagusan ng kaluluwa. Kailangan nilang iwasan ang pagbabasa, pagtingin, o pakikinig sa mga magpapahiwatag ng mga kaisipang hindi dalisay. Hindi dapat pabayaan ang pag-iisip na gumagalang walang patutunguhan sa bawat paksang iminumungkahi ng kaaway ng mga ‘kaluluwa. . . . Mangangailangan ito ng marubdob na panalangin at tulpy-tuloy na pagbabantay. Kailangan tayong magabayan ng nananatiling impluwensya ng Banal na Espiritu na humahatak sa kaisipan pataas at sa mga dalisay at banal na bagay. Kailangan din nating masusing pag-aralan ang Salita ng Diyos. “Paano pananatilihing dalisay ng kabataan ang kanilang daan? Sa pamamagitan ng pag-iingat nito ayon sa iyong salita.” “Iningatan ko ang iyong salita sa aking puso, upang huwag akong magkasala laban— ‘sa Iyo.” BN 85.3

Kailangan mong maging tapat na tagabantay sa iyong mga mata, tainga, at lahat ng iyong mga pandama, kung iyong pipigilin ang iyong pag-iisip at maiwasan ang mga palalo at maruming mga kaisipang dumihan ang iyong kaluluwa. Tanging kapangyarihan ng biyaya ang makagaganap sa mabuting gawaing ito. BN 85.4