Ang Aking Buhay Ngayon

79/275

Magkakaroon Ako ng Pagpipigil sa Pagkain, 19 Marso

Mapalad ka, O lupain,... kung ang iyong mga pinuno ay nagpipista sa kaukulang panahon para sa ikalalakas, at hindi sa paglalasing! Eclesiastes 10:17 BN 82.1

Ang pagkakaroon ng pagtitimpi at kaayusan sa lahat ng mga bagay ay isang kamangha-manghang kapangyarihan. Makagagawa ito ng higit pa kaysa mga kaaya-ayang kalagayan o mga natural na talento sa pagsusulong ng katamisan at kahinahunan ng pag-uugaling napakahalaga sa pag-aayos ng landas ng buhay. Kasabay nito, ang natamong kapangyarihan ng pagpipigil ay makikitang isa sa mga pinakamahalagang kasangkapan para sa matagumpay na pakikipagbuno sa mga mahihirap na tungkulin at mga katotohanang naghihintay sa bawat tao. BN 82.2

Hinihikayat natin na ang mga prinsipyo ng pagpipigil ay isakatuparan sa bawat detalye ng buhay pantahanan;.. .na ang pagtanggi sa sarili at pagpipigil ay maituro sa mga bata, at maipatupad sa kanila, sang-ayon sa kanilang gulang, mula pa sa pagkasanggol. BN 82.3

Kailangang maturuan ang mga bata na hindi maaaring sila ang masusunod, kundi ang kalooban ng mga magulang ang marapat na gumabay sa kanila. Ang isa sa pinakamahalagang aral na may kinalaman dito ay ang pagpipigil sa kagustuhan sa pagkain. Dapat silang matutong kumain sa tamang kapanahunan at wala dapat dumadaan sa kanilang mga labi sa pagitan ng mga itinalagang oras ng pagkain. BN 82.4

Ang mga batang pinalaki sa ganitong paraan ay mas madaling supilin kaysa roon sa pinakakain ng anumang hinihingi ng kanilang panlasa. Madalas na sila'y masayahin, kuntento, at malusog. Maging ang pinakamatigas ang ulo, maramdamin, at masuwayin ay naging masunurin, matiyaga, at nagtataglay ng pagpipigil sa sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa ganitong kaayusan ng pagkain, na sinamahan ng matatag ngunit maawaing pamamahala sa ibang mga bagay. BN 82.5

Hayaang ang kabataan sa ating bayan, na nagtataglay ng mga posibilidad sa kanyang harapan ng isang kinabukasan na higit na marangal kaysa mga hari, ay pagnilay-nilayan ang araling binanggit ng pantas, “Mapalad ka, Olupain,. . .kung ang iyong mga pinuno ay nagpipista sa kaukulang pariahon para sa ikalalakas, at hindi sa paglalasing!” BN 82.6