Ang Aking Buhay Ngayon

75/275

Sinasanay Ko ang Aking Katawan, 15 Marso

Ngunit sinusupil ko ang aking katawan, at ginagawa itong alipin, upang pagkatapos na makapangaral ako sa iba, ako mismo ay hindi itakuwil.1 Corinto 9:27 BN 78.1

Ang katawan ang tanging daluyan na sa pamamagitan nito ay nalilinang ang kaisipan at kaluluwa para sa pagbuo `ng pagkatao. Kaya't ang kaaway ng mga kaluluwa ay itinuturo ang kanyang mga panunukso sa pagpapahina at pagsira sa mga kapangyarihang pisikal. Ang kanyang tagumpay dito ay nangangahulugan ng pagsuko sa kasamaan ng buong pagkatao. BN 78.2

Ang mga natural na pagkahilig ng ating pisikal na likas, malibang mapasailalim ng mas mataas na kapangyarihan, ay tiyak na hahantong sa pagkasira at kamatayan. BN 78.3

Ang katawan ay kailangang masanay. Nararapat na ang mas matataas na kapangyarihan ng ating pagkatao ang siyang mamahala. Ang mga damdamin ay dapat na pangunahan ng kalooban na siya naman ay nasa ilalim ng paggabay ng Diyos.... BN 78.4

Ang mga hinihmgi ng Diyos ay dapat na maitanim sa konsyensya. Ang mga lalaki at babae ay kailangang maturuan ng tungkulin ng pagsupil sa sarili, sa pangangailangan para sa kadalisayan, at kalayaan mula sa lahat ng nagpapasamang kagustuhan at nagpaparuming bisyo. Kailangan sa kanilang maidiin na ang lahat ng kanilang mga kapangyarihan ng pag-iisip at pangangatawan ay pawang kaloob mula sa Diyos at nararapat na maingatan sa pinakamabuting kalagayan para magamit sa paglilingkod sa Kanya. . . . BN 78.5

Ang mgahadlang ng tao laban sa mga natural at natutuhang pagkahilig ay parang pader ng buhangin laban sa malakas na agos. Malibang arig buhay ni Cristo ay maging siyang nagbibigay-buhay na kapangyarihan sa ating buhay, hindi natin malalabanan ang mga panunuksong darating sa atin mula sa loob at sa labas.... Sa pamamagitan ng pakikiisa kay Cristo, ang tao ay nagiging malaya. Ang pagpapasakop sa kalooban ni Cristo ay nagdudulot ng panunumbalik sa sakdal na pagkatao. BN 78.6

Ang pagsunod sa Diyos ay kalayaan mula sa pagkaalipin sa kasalanan, pagtakas mula sa damdamin at kapusukan. Ang tao ay maaaring tumayo bilang mananakop ng kanyang sarili, mananakop ng sarili niyang mga pagnanasa, mananakop ng mga pinimo at mga kapamahalaan, at ng “mga kapangyarihang naghahari sa kadiliman ng sanlibutan ito,” at ng “hukbong espirituwal ng kasamaan sa kalangitan.” BN 78.7