Ang Aking Buhay Ngayon
Jose, Taong May Prinsipyo, 13 Marso
“Paano ngang magagawa ko itong malaking kasamaan at kasalanan laban sa Diyos?” Genesis 39:9 BN 76.1
Nakuha ng kaamuan at katapatan ni Jose ang puso ng pinunong kapitan na siya ay kinilala hindi bilang isang alipin kundi isang anak.... Ngunit ang pananampalataya at katapatan ni Jose ay masusubok ng mga matinding kahirapan. Ang asawa ng kanyang panginoon ay nagnasang tuksuhin ang kabataang labagin ang utos ng Diyos. Bago nito siya'y nanatiling hindi narurungisan ng mga karumihang laganap sa lupaing iyon; ngunit ang tuksong itong bigla, napakalakas, at nakaeengganyo—paano ito dapat salubungin? Alam ni Jose kung ano ang magiging kinahihinatnan ng pagtanggi. Sa kanyang pagpayag sa hiling ng asawa ng kanyang amo, naroon ang pagtatago, pabor, at mga gantimpala. Sa kabila naman nito ay ang pagkapahiya, pagkabilanggo, marahil ay kamatayan. Ang buong buhay mya sa kinabukasan ay nakasalalay sa pagpapasya sa sandaling iyon. Mananaig ba ang prinsipyo? Mananatili bang tapat sa Diyos si Jose? Taglay ng hindi maipahayag na pagkabagabag, ang mga anghel ay tumingin sa eksena. BN 76.2
Ang tugon ni Jose ay nagpapakita ng kapangyarihan ng relihiyosong prinsipyo. Hindi niya pagtataksilan ang pagtitiwala ng kanyang panginoon sa lupa, at, anuman ang maging wakas, siya'y mananatiling tapat sa kanyang Panginoon sa langit.... BN 76.3
Nagdusa si Jose para sa kanyang katapatan; sapagkat naghiganti sa kanya ang manunukso sa pamamagitan ng pagbibintang sa kanya ng isang mas’ amang krimen, kaya siya ay inilagay sa bilangguan. Kung pinaniwalaan ni Potifar ang bintang ng kanyang asawa laban kay Jose, ipapapatay sana ang kabataang Hebreo; ngunit ang kahinhinan at pagiging matuwid na naging tanda ng kanyang pagkilos ay katunayan ng kanyang kawalang kasalanan; subalit upang mailigtas ang reputasyon ng tahanan ng kanyang panginoon, siya'y pinabayaan sa kahihiyan at pagkabilanggo.... BN 76.4
Ngunit ang tunay na pagkatao ni Jose ay nagliwanag sa kadiliman hg.piitan. Pinanatili niya ang kanyang katapatan at pagtitiyaga; ang mga taon ng matapat niyang paglilingkod ay pinalitan ng kalupitan, ngunit hindi siya nito ginawang malungkot o mapagduda. Siya ay may kapayapaanglnagmumula sa gising na kawalang-sala at ipinagkatiwala niya ang' kanyang sarili sa Diyos. BN 76.5