Ang Aking Buhay Ngayon

70/275

Piliin ang Daan ng Katotohanan, 10 Marso

Ang daan ng katapatan ay pinili ko, ang mga tuntunin mo'y inilagay ko sa harapan ko. Ako'y kumapit sa iyong mga patotoo, O PANGINOON; sa kahihiyan ay ilayo mo ako! Awrr 119:30,31 BN 73.1

Mayroorig dalawang dakilang prinsipyo: ang isa ay katapatan, at ang'isa ay kataksilan. Tayong lahat ay nangangailangan ng higit ria Cristianong katapangan, upang maiangat natin ang watawat na natatakan ng mga utos ng Diyos at pananampalataya ni Jesus.... Ang linyarig naghihiwalay sa sumusunod at sa hindi sumusunod ay kailangang maging malinaw at tiyak. Kailangang magkaroon tayo ng matibay na pagtatalaga sa pagsunod sa kalooban ng Panginoon sa lahat ng panahon^at sa lahat ng lugar.... BN 73.2

Ang kalakasangCristiano ay nakakamit sa pamamagitan ng tapat na paglilingkod sa Panginoon. Ang mga kabataang lalaki at kabataang babae a'y dapat na makilalang ang pakikiisa kay Cristo ang siyang pinakamataas ria karangalang maaari nilang maabot. Sa pamamagitan ng pinakamaingat na katapatan kailangan nilang magsikap para sa moral na kalayaa, at ang kalayaang ito ay kailangan nilang mapanatili laban sa bawat impluwensyang maaaring magpaliko sa kanila mula sa matutuwid na prinsipyo. Ang mas malalakas na kaisipan ay maaaring, oo, gagawin nilang, bumigkas ng mga pananalitang walang saligan sa katotohanan. Hayaang ang pamahid sa matang mula sa langit ay mailagay sa mga mata ng inyong pang-unawa upang makita ninyo ang pagkakaiba ng katotohanan sa kamalian. Saliksikin ninyo ang Salita; at kapag nakakita kayo ng “Ganito ang sabi ng Panginoon,” manindigan kayo.... BN 73.3

Sa PILGRIM’S PROGRESS may katauhan na tinatawag na Pliable. Mga kabataan, iwasan ninyo ang katauhang ito. Iyong mga kinakatawanan nito ay napakamapagtanggap, ngunit sila'y gaya ng tambo na inuuga ng hangin. Hindi sila nagtataglay ng matibay na kalooban. Ang bawat kabataan ay dapat na linangin ang kapasyahan. Ang nahahating kalooban ay bitag, at magiging pagbagsak ng maraming mga kabataan. Magpakatatag kayo, kung hindi ay maiiwan kayo na ang inyong bahay o karakter ay nakatayo sa buhanginan. BN 73.4

Ang pilosopiya ng Panginoon ang siyang alituntunin ng buhay ng Cristiano. Ang buong pagkatao ay dapat mapahiran ng nagbibigaybuhay na mga prinsipyo ng kalangitan. Ang mga pinagkakaabalahan ng marami na wala namang kabuluhan at umuubos ng oras ay lumiliit sang-ayon sa kanilang angkop na kalagayan sa harapan ng malusog na kabanalan sang-ayon sa Biblia. BN 73.5