Ang Aking Buhay Ngayon
Mga Kabataan Ngayon, 6 Marso
Magmatyag kayo, manindigan kayong matibay sa pananampalataya, magpakalalaki kayo, magpakatatag kayo. 1 Corinto 16:13 BN 69.1
Sinabi ni Cristo sa Kanyang mga alagad na sa sanlibutan ay magkakaroon sila ng mga kahirapan. Sila ay dadalhin sa harapan ng mga hari at ng mga pangulo para sa Kanyang kapakanan; ang lahat ng uri ng kasamaan ay sasabihin laban sa kanila nang may kasinungalingan, at iyong pumuksa sa kanilang mga buhay ay magaakala na, sa paggawa nito, sila ay naglingkod sa Diyos. Ang lahat sa bawat kapanahunang nabuhay na makadiyos ay dumanas ng pag-uusig sa iba't ibang paraan Pinagdusahan nila ang bawat kahihiyan, galit, at kalupitang maiuudyok ni Satanas sa isip ng tao. BN 69.2
Sa kasalukuyan, ang mundo ay sumasalungat pa rin sa tunay na relihiyon.... BN 69.3
Ang espiritu ng pang-uusig ay.. .magbabangon laban sa mga tapat na hindi nagbibigay puwang sa sanlibutan, at hindi matitinag ng mga opinyon nito, maging ng pabor o pagtutol nito. Ang isang relihiyong nagtataglay ng buhay na patotoo para sa kabanalan at sumasaway sa pagmamataas, pagkamakasarili, kasakiman, at mga kasalanang napapanahon ay kamumuhian ng sanlibutan at ng mga mababaw na Cristiano. Huwag kayong magtaka, mga kaibigan kong kabataan, kung kayo ay kinamumuhian ng sanlibutan; sapagkat ima nitong kinamuhian ang inyong Panginoon. Kapag kayo ay dumaranas ng pag-aalimura at pag-uusig, kayo ay nasa mabuting samahan; sapagkat dinanas lahat ito Jesus, at higit pa rito. Kung kayo ay mga tapat na tagabantay para sa Diyos, ang mga bagay na ito ay papuri sa inyo. Iyong matatapang na kaluluwang mananatiling tapat kahit na sila ay tumayong nag-iisa ang siyang magtatamo sa koronang hindi nasisira . . . . BN 69.4
Ang daan tuhgo sa buhay na walang-hanggan ay tuwid at makipot, at kakailanganing kayo ay mapitpit sa maraming kahirapan; ngunit sa pamamagitan ng pagftitiyaga maaari ninyong makamit ang buhay na walang hanggan—ang kinabukasang manang walang kamatayan. Ang bawat paghihira at sakripisyong magagawa ninyo papalitan ng libulibong beses na-kapahingahan, kapayapaan, at kaluwalhatian sa dulo ng paglalakbay. BN 69.5