Ang Aking Buhay Ngayon

61/275

Marso—Mga Bayani Para Sa Diyos

Esther, 1 Marso

At sinong nakakaalam na kung kaya ka nakarating sa kaharian ay dahil sa pagkakataong ganito? Esther 4:14 BN 64.1

May isang araw na itinalaga kung kailan ang mga Judio ay pupuksain at ang kanilang mga ari-arian ay kukumpiskahin. Hindi naunawaan ng hari ang magiging bunga na kaakibat sa pagsunod sa kautusang ito. Si Satanas mismo na siyang tagong may akda ng balakin ay nagsisikap na alisin sa lupa iyong mga nangangalaga sa kaalaman ng tunay na Diyos.... BN 64.2

Ngunit ang masasamang balak ng kaaway ay nagapi ng Kapangyarihan na naghahari sa mga anak ng tao. Sa kabutihan ng Diyos, si Esther, na isang babaing Judio na may takot sa Kataastaasan, ay ginawang reyna ng kaharian ng Medo-Persia. Si Mordeeai ay malapit niyang kamag anak. Sa oras ng kanilang pangangailangan nagpasya silang umapela kay Xerxes para sa kanilang bayan. Si Esther ay tutungo sa kanyang harapan bilang kanilang tagapamagitan. Sinabi ni Mordeeai sa kanya, “Sinong nakakaalam na kung kaya ka nakarating sa kaharian ay dahil sa pagkakataong ganito?” BN 64.3

Ang krisis na hinarap ni Esther ay nangangailangan ng mabilis at seryosong pagkilos; ngunit nalaman niya at ni Mordeeai na, maliban ang Diyos ay gumawa ng may kapangyarihan para sa kanila, ang kanilang mga pagsisikap ay walang kabuluhan. Kaya't gumugol si Esther ng oras upang makipag-usap sa Diyos na Siyang pinagmumulan ng kanyang kalakasan. Inutusan niya si Mordeeai, “Ikaw ay humayo, tipunin mo ang lahat na Judio na matatagpuan sa Susa at ipag-ayuno ninyo ako. Huwag kayong kumain o uminom man sa loob ng tatlong araw, gabi o araw. Ako at ang aking mga babaing alalay ay mag-aayuno ring gaya ninyo. Pagkatapos ay pupunta ako sa hari bagaman labag sa batas. At kung ako'y mamamatay, ay mamamatay.” BN 64.4

Sa bawat sambahayan at paaralan, sa bawat magulang, guro, at bata na tumanggap ng liwanag ng ebanghelyo, sa panahon ng krisis na ito ay dumarating ang katanungang itinanong kay Reyna Esther noong panahon din ng krisis sa kasaysayan ng Israel, “Sinong nakakaalam na kung kaya ka nakarating sa kaharian ay dahil sa pagkakataong ganito?” BN 64.5