Ang Aking Buhay Ngayon
Kaamuan, 18 Pebrero
Binigyan mo ako ng kalasag ng iyong kaligtasan, at pinadakila ako ng lyong kaamuan. 2 Samuel 22:36 BN 53.1
Ika ay magiging kinatawan ni Cristo sa Kanyang pagpapakumbaba at kaamuan at pag-ibig. BN 53.2
Ang tunay na kaamuan ay hiyas na may napakalaking halaga sa paningin ng Diyos. BN 53.3
Nais nating magkaroon ng espiritu ng kaamuan. Hindi tayo mabubuhay nang matuwid sa sambahayan kung wala ito. Upang tayo'y magkaroon ng kinakailangang paggabay sa ating mga anak, nararapat na tayo'y magpakita ng espiritu ng kaamuan, pagpapakumbaba, at pagtitiyaga. Hindi natin nais na magkaroon ng mapagpuna, malungkutin, at magagalitin na espiritu. Kung sila'y tuturuan natin na taglayin ang espiritu ng kaamuan, tayo mismo ay dapat na mayroong espiritu ng kaamuan;.. .kung nais nating sila ay magpakita ng espiritu ng pag-ibig sa atin, kailangan nating magpakita ng maamo at mapagmahal na espiritu sa kanila. Ngunit hindi kailangang tangkilikin ang kahinaan o masamang pagpapaubaya sa mga magulang. Ang ina ay dapat na may katatagan at kapasyahan. Kailangan niyang maging kasing tibay ng bato at huwag lumayo mula sa tama. Ang kanyang mga utos at alituntunin ay kailangang masunod sa lahat ng panahon at kalagayan, ngunit maaari niyang magawa ito na may kaamuan at pagpapakumbaba. ... Ang mga anak ay lalaking may takot sa Diyos. BN 53.4
Walang miyembro ng pamilya ang maaaring ipaloob ang katauhan niya sa kanyang sarili kung saan hindi mararamdaman ng ibang miyembro ng pamilya ang kanyang impluwensya at espiritu. Maging ang taglay na pagpapahiwatig sa mukha ay may impluwensya sa kabutihan o kasamaan. Ang kanyang espiritu, kanyang pananalita, kanyang mga kilos, kanyang pakikitungo sa iba, ay hindi mapag-aalinlanganan.... Kung siya'y puno ng pag-ibig ni Cristo, siya'y magpapakita ng paggalang, kabaitan, magiliw na pagpapahalaga sa damdamin ng iba, at maipapahayag niya ito sa kanyang mga kasama sa pamamagitan ng mga gawa ng pag-ibig, at magiliw, mapagpasalamat, at masayang damdamin. Dito makikita na siya'y nabubuhay para kay Jesus.... Masasabi niya sa Panginoon, “Pinadakila ako ng kahinahiman mo.” BN 53.5