Ang Aking Buhay Ngayon
Upang Dalhin ang Lahat ng mga Bagay sa Aking Alaala, 10 Pebrero
Subalit ang Mang-aaliw, ang Espiritu Santo na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalala sa inyo ng lahat ng aking sinabi sa inyo. Juan 14:26 BN 45.1
Si Cristo ay muling nabuhay mula sa mga patay na naghahayag mula sa nasirang libingan, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay.” Isinugo Niya ang Kanyang Espiritu sa ating mundo upang dalhin ang lahat ng bagay sa ating alaala. Sa pamamagitan ng himala ng Kanyang kapangyarihan iningatan Niya ang Kanyang Nasusulat na Salita sa loob ng mahabang kapanahunan. Hindi ba natin palagiang pagaaralan ang Kanyang Salita kung saan natutuhan mula rito ang layunin ng Diyos para sa atin. BN 45.2
Kapag sila'y dadalhin sa mga paglilitis, ang mga lingkod ni Cristo ay hindi pinaghahanda ng mga salitang kanilang bibigkasin. Ang kanilang paghahanda ay gagawin araw-araw sa pagtitipon ng mga mahahalagang katotohanan ng Salita ng Diyos at sa pamamagitan ng panalanging nagpapatibay sa kanilang pananampalataya. Noong sila'y dadalhin sa paglilitis, dinadala ng Banal na Espiritu sa kanilang alaala ang mga katotohanang kakailanganin.... BN 45.3
Ang masidhi at patuloy na pagsisikap na makilala ang Diyos, at si Jesu-Cristo na kanyang isinugo, ay magdadala ng kapangyarihan at kaayusan sa kaluluwa. Ang kaalang nakuha sa masikhay na pananaliksik sa Kasulatan ay maibabalik sa alaala sa tamang panahon. Ngunit kung mayroon mang nakaligtang kilalanin ang mga salita ni Cristo, kung hindi pa nila nasubukan ang kapangyarihan ng Kanyang biyaya sa gitna ng pagsubok, hindi nila maaasahang makapagdadala ang Banal na Espiritu ng Kanyang mga salita sa kanilang alaala. BN 45.4
Gumawa na si Cristo ng bawat paghahanda upang tayo'y maging malakas. Ibinigay Niya sa atin ang Kanyang Banal na Espiritu na may tungkuling ipaalala sa atin ang lahat ng mga pangakong binigay ni Cristo upang tayo ay magkaroon ng kapayapaan at matamis na pagkilala sa kapatawaran. Kung pananatiliin natin ang ating mga paningin sa Tagapagligtas at magtitiwala sa Kanyang kapangyarihan, mapupuno tayo ng kasiguruhan dahil ang katuwiran ni Cristo ay magiging ating katuwiran. BN 45.5