Ang Aking Buhay Ngayon
Upang Pagliwanagin ang Aking Pang-unawa, 9 Pebrero
Upang ang Diyos ng ating Panginoong ]esu-Cristo, ang Ama ng kaluwalhatian, ay magkaloob sa inyo ng espiritu ng kariinungan at ng pahayag sa isang ganap na pagkakilala sa kanya, yamang naliwanagan ang mga mata ng inyong puso, upang malaman ninyo kung ano ang pag-asa sa kanyang pagtawag, kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng kanyang pamana sa mga banal. Efeso 1:17,18 BN 44.1
Ang banal na kagandahan at makalangit na liwanag ay umiilaw mula sa mga banal na pahina para sa kaisipang binago ng Banal na Espiritu. Iyong tila ilang na walang laman para sa makalupang pag-iisip ay lupain ng mga nabubuhay na tubig para sa kaisipang espirituwal. BN 44.2
Ang Banal na Espiritu lang ang makapagpaparamdam sa atin ng kahalagahan ng mga bagay na madaling maunawaan o makapigil sa atin sa maling pagkaunawa sa mga bagay na mahihirap intindihin. Tungkulin ng mga banal na anghel na ihanda ang ating mga puso upang matalos ang Salita ng Diyos upang tayo ay akitin ng kagandahan nito, masaway ng mga babala nito, o makilos at mapatibay ng mga pangako nito. Kailangan nating angkinin ang pagsusumamo ng mang-aawit, “Buksan mo ang aking mga mata upang makita ko, ang kahangahangang mga bagay sa kautusan mo.” BN 44.3
Ang banal at nagtuturong Espiritu ay nasa Kanyang Salita. Isang liwanag, isang bago at mahalagang liwanag, ay nagniningning mula sa bawat pahina. Ang katotohanan ay nahahayag at ang mga salita at pangungusap ay nagiging maliwanag at angkop sa bawat pagkakataon habang ang tinig ng Diyos ay nangungusap sa kanila. BN 44.4
Kinakailangan nating kilalanin ang Banal na Espiritu bilang tagapagbigay ng liwanag sa atin. Natutuwa ang Espiritung iyon na mangusap sa mga bata, at buksan sa kanila ang mga kayamanan at kagandahan ng Salita. Ang mga pangakong binigkas ng ating Dakilang Guro ay aakit sa mga pandama at kikilos sa kaluluwa ng bata sa pamamagitan ng espirituwal at banal na kapangyarihan. Sa pag-iisip na tumatanggap ay magkakaroon ng pagkakilala sa mga banal na bagay na magsisilbing barikada sa mga tukso ng kaaway.... Ang mga kislap ng makalangit na pag-ibig ay lalapag sa puso ng mga anak bilang inspirasyon. BN 44.5