Ang Aking Buhay Ngayon

40/275

Upang Sumbatan Ako Tungkol sa Pagkakasala, 8 Pebrero

At pagdating niya, kanyang susumbatan ang sanlibutan tungkol sa kasalanan, sa katuwiran, at sa kahatulan: tungkol sa kasalanan, sapagkat hindi sila sumampalataya sa akin. ]Uan 16:8, 9 BN 43.1

Ang gawain ng Banal na Espiritu ay malinaw na tiniyak sa mga salita ni Cristo: “At pagdating niya, kanyang susumbatan ang sanlibutan tungkol sa kasalanan, sa katuwiran, at sa kahatulan.” Ang Banal na Espiritu ang sumusumbat tungkol sa kasalanan. Kapag ang makasalanan ay tumugon sa bumubuhay na impluwensya ng Espiritu, siya'y madadala sa pagsisisi, at gigisingin sa kahalagahan ng pagsunod sa mga banal na utos. BN 43.2

Kung papaanong si Saulo ay isinuko ang kanyang sarili sa nanunumbat na kapangyarihan ng Banal na Espiritu, nakita niya ang mga pagkakamali ng kanyang buhay at nakita ang mga malawak na pahayag ng utos ng Diyos. Siyang dati ay mapagmataas na Fariseo, nagtitiwalang siya'y inaring ganap sa pamamagitan ng kanyang mabubuting gawa, ngayon ay yumuyukod sa harapan ng Diyos na may pagpapakumbaba at kapayakan ng isang maliit na bata, inaamin ang kanyang sariling pagkahindi karapatdapat at nagsusumamo sang-ayon sa kabutihan ng Tagapagligtas na napako sa krus at nabuhay muli. Ninais ni Saulo na madala sa pagkakasundo at pakikipag-ugnayan sa Ama at sa Anak; at sa alab ng kanyang pagnanasa para sa kapatawaran at pagtanggap, naghandog siya ng masidhing pagsusumamo sa luklukan ng biyaya. BN 43.3

Ang mga panalangin ng nagsisising Fariseo ay hindi naging walang kabuluhan. Ang pinakamalalim na saloobin at damdamin ng kanyang puso ay nabago ng banal na biyaya, at ang kanyang higit na dakilang mga kakayahan ay naipagkasundo sa walang-hanggang layunin ng Diyos. Si Cristo at ang Kanyang katuwiran ay naging higit na mahalaga pa para kay Saul kaysa buong sanlibutan. Ang pagkahikayat ni Saulo ay kapansin-pansing ebidensiya ng mahimalang kapangyarihan ng Banal na Espiritu na sumbatan ang tao tungkol sa kasalanan. BN 43.4

Ang kapamahalaan ni Satanas ay magagapi at masasakop sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Ang Espiritung ito ang Siyang sumusumbat tungkol sa kasalanan at nagpapalayas nito sa kaluluwa sa pamamagitan ng pagpapahintulot ng tao.... Sa pamamagitan ng mga kabutihan ni Cristo ay maaaring magamit ng mga tao ang pinakadakilang kakayahan sa kanyang pagkatao at mapalayas ang kasalanan mula sa kanyang kaluluwa. BN 43.5