Ang Aking Buhay Ngayon

27/275

Turuan Mo Silang May . Pagsusumikap, 26 Enero

Ang mga salitang ito na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito ay ilalagay mo sa iyong puso; at iyong ituturo nang buong sikap sa iyong mga anak, at iyong sasabihin sa kanila kapag ikaw ay nakaupo sa iyong bahay, kapag ikaw ay lumalakad sa daan, at kapag ikaw ay nahihiga at kapag ikaw ay bumabangon. Deuteronomio 6:6, 7 BN 30.1

Sa kanyang pagkabata, si Jose ay naturuan ng pag-ibig at pagkatakot sa Diyos. Madalas sa tolda ng kanyang ama, sa ilalim ng mga bituin sa Siria, siya'y naturuan tungkol sa kasaysayan ng gabing pangitain sa Betel, tungkol sa hagdan mula sa kalangitan hanggang sa lupa, at sa mga anghel na umaakyat at bumababa dito, at sa Kanyang mula sa trono sa itaas ay nagpahayag ng Kanyang sarili kay Jacob. Nasabi sa kanya ang tungkol sa pakikipagtunggali sa tabi ng Jabbok kung kailan, sa pamamagitan ng pagwawaksi sa itinanging pagkakasala, si Jacob ay tumayo bilang isang manlulupig, at nakatanggap ng titulo ng isang anak ng hari sa Diyos. BN 30.2

Bilang isang batang pastbi na nag-aalaga ng mga tupa ng kanyang ama, ang dalisay at payak na buhay ni Jose ay naging mabuti para sa pagpapaunlad ng kapangyarihang pisikal at mental. Sa pamamagitan ng pakikipagniig sa Diyos sa kalikasan at sa pag-aaral ng mga dakilang katotohanan na ibinigay bilang banal na pagtitiwala mula sa ama patungo sa anak, nagkaroon siya ng kalakasan ng pag-iisip at katatagan ng mga prinsipyo. BN 30.3

Si Moises ay mas bata kaysa kina Jose o Daniel nang mahiwalay sa pangangalaga ng kinalakihan niyang tahanan; ngunit ang mga kapangyarihan na humugis sa kanilang buhay ay siya ring kapangyarihan na kumikilos sa kanya. Labing-dalawang taon lamang ang ginugol niya kasama ang mga kaanak niyang mga Hebreo, ngunit sa loob ng mga taon na iyon ay naitanim ang saligan ng kanyang kadakilaan. Ito'y itinanim ng kamay ng isang hindi kilala. . . . BN 30.4

Siya ay walang iba kundi si Maria na taga-Nazaret, na sa pamamagitan niya'y tumanggap ang sanlibutan ng biyayang walang kapantay. Sa pagkaalam na ang kanyang anak ay mawawala sa kanyang pagaaruga,.. .nagsikap siyang magtanim sa Kanyang puso ng pag-ibig at katapatan sa Diyos. At may katapatang nagampanan ang gawaing ito. BN 30.5

Sa paggising at pagpapatibay ng isang pagmamahal sa pag-aaral ng Biblia, malaki ang nakasalalay sa paggamit ng oras ng pagsamba. Ang mga oras ng pagsamba sa umaga at sa hapon ay dapat na maging pinakamatamis at pinakanakatutulong sa buong araw. Kinakailangang maunawaan na sa mga oras na ito ay wala dapat makapasok na magulo at masamang pag-iisip; na ang mga magulang at mga anak ay nagtitipon upang humarap kay Jesus at anyayahan ang presensya ng banal na anghel sa tahanan. BN 30.6