Ang Aking Buhay Ngayon
Pagsamba sa Umaga at sa Hapon, 25 Enero
O parito kayo, tayo'y sumamba at yumukod, tayo'y lumuhod sa harapan ng PANGINOON, ang ating Manlilikha. Awit 95:6 BN 29.1
Ang Panginoon ay may natatanging paglingap sa mga pamilya ng Kanyang mga anak dito sa lupa. Inihahandog ng mga anghel ang usok ng mabangong insenso para sa mga banal na nananalangin. Kung magkagayon hayaang ang mga panalangin ay umangat sa kalangitan mula sa bawat sambahayan tuwing umaga at sa malamig na oras ng dapithapon na inihaharap sa Diyos ang kabutihan ng Tagapagligtas para sa ating kapakanan. Pinagtutuunan ng pansin ng makalangit na sansinukob ang bawat nananalangin na sambahayan. BN 29.2
Mapagkumbaba kayong lumapit na may isang pusong puno ng kabutihan at may pagkaalam sa mga nakaabang na mga panunukso at panganib sa inyong mga sarili at sa inyong mga anak; Sa pamamagitan ng pananampalataya ay ibigkis mo sila sa altar at makiusap para sila'y makatanggap ng pangangalaga ng Panginoon. Babantayan ng mga naglilingkod na anghel ang mga anak na itinatalaga sa Diyos sa ganitong pamamaraan. BN 29.3
Ang pagsamba sa pamilya ay hindi dapat pamahalaan ng mga pagkakataon. Hindi ka dapat manalangin nang paminsan-minsan, at kung kailan mayroon kang mabigat na gawain ay kakaligtaan ito. Sa ganitong gawain ay inihahatid mo ang iyong mga anak sa kaisipan na ang pananalangin ay walang natatanging kabuluhan. Ang panalangin ay napakahalaga sa mga anak ng Diyos, at dapat na maibigay sa Diyos ang mga handog ng pasasalamat tuwing umaga at hapon. Sinasabi ng Mang-aawit, “O halikayo, tayo'y umawit sa Panginoon, tayo'y sumigaw na may kagalakan sa malaking bato ng ating kaligtasan!” BN 29.4
Kinakailangang maging kagalakan ang pagsamba sa Panginoon... Nais Niyang ang mga lumalapit sa Kanya sa pagsamba ay mag-uuwi ng mahahalagang kaisipan ng kanyang pag-aaruga at pag-ibig para sila ay magkaroon ng kaaliwan sa lahat ng gawain sa pang-araw-araw na kabuhayan at magtaglay ng biyaya upang makitungo nang may katapatan sa lahat ng bagay. BN 29.5
Maaaring magkaroon ng maliit na simbahan sa tahanan na magbibigay dangal at luluwalhati sa Manunubos. BN 29.6
__________
Kapag tayo ay mayroong mabuting relihiyon sa tahanan magkakaroon tayo ng mahusay na pagtitipon na relihiyon. BN 29.7