Ang Aking Buhay Ngayon
Isang Kayamanan sa Aking Puso, 24 Enero
lyong tanggapin ang turo mula sa kanyang bibig, at ilagak mo ang kanyang mga salita sa iyong puso. Job 22:22 BN 28.1
Napakahalagang patuloy mong saliksikin ang Kasulatan na pinupuno ang pag-iisip ng mga katotohanan ng Diyos. Maaari kang mahiwalay sa pakikisama ng mga Cristiano at malagay sa lugar kung saan wala kang pribilehiyong makisama sa mga anak ng Diyos. Kailangan mo ang mga kayamanan ng Salita ng Diyos na nakatago sa iyong puso. BN 28.2
Ang mga butil ng ginto ay nakakalat sa buong kabukiran ng paghahayag—ang mga kasabihan ng karunungan ng Diyos. Kung ikaw ay marunong, titipunin mo ang mahahalagang butil ng katotohanan na ito. Angkinin mo ang mga pangakong ito ng Diyos. At sa oras na dumating ang pagsubok at paglilitis, ang mga pangakong ito ay magiging malugod na bukal ng makalangit na kaaliwan sa iyo. BN 28.3
Ang mga tukso ay madalas na parang hindi mapaglabanan dahil, sa pamamagitan ng pagkalimot sa pananalangin at pag-aaral ng Biblia, ang taong sinubok ay wala kaagad matandaan na mga pangako ng Diyos para kaharapin si Satanas gamit ang Kasulatan bilang armas. Ngunit ang mga anghel ng Diyos ay nakapalibot sa mga nakahandang maturuan sa mga banal na bagay; at sa panahon ng malaking pangangailangan dadalhin nila sa ala-ala ang mga katotohanang kinakailangan. Kaya naman “siya ay darating na parang bugso ng tubig na itinataboy ng hininga ng Panginoon.” BN 28.4
Ang pusong pinimo ng mahahalagang katotohanan ng Salita ng Diyos ay pinatibay laban sa mga tukso ni Satanas, laban sa maruruming kaisipan at mga masasamang pagkilos. BN 28.5
Manatiling nakakapit sa mga Kasulatan. Habang lalo mong sinasaliksik at ipinapaliwanag ang Salita, lalo ring nagiging matibay ang iyong puso't isipan sa mga pinagpalang salita ng pagpapalakas loob at pangako. BN 28.6
Itago natin sa ating memorya ang mga mahahalagang pangako nito, upang kapag tayo ay inalisan ng mga Biblia, maaari pa rin nating taglayin ang Salita ng Diyos. BN 28.7