Ang Aking Buhay Ngayon

24/275

Aking Liwanag, 23 Enero

Ang paghahayag ng iyong mga salita ay nagbibigay ng kaliwanagan; nagbibigay ng unawa sa walang karunungan. Awtt 119:130 BN 27.1

Ito [ang Salita ng Diyos] ay isang liwanag na lumiliwanag sa isang madilim na lugar. Habang sinasaliksik natin ang mga pahina nito, pumapasok ang liwanag sa ating puso at nililiwanagan ang isipan. Sa pamamagitan ng liwanag na ito ay makikita natin kung anong nararapat na maging tayo. BN 27.2

Makikita natin sa Salita, sa mga babala at mga pangako, na ang Diyos ang nasa likod ng lahat ng ito. Inaanyayahan tayong saliksikin ang Salitang ito para sa tulong kapag nadala sa mahihirap na mga lugar. Kung hindi tayo kumokonsulta sa Librong-Gabay sa bawat hakbang, na may pagtatanong, ito ba ang daan ng Panginoon? Ang ating mga salita at mga kilos ay mababahiran ng pagkamakasarili. Maaari tayong makalimot sa Diyos, at lumakad sa mga daan na hindi Niya pinili para sa atin. BN 27.3

Ang Salita ng Diyos ay puno ng mahahalagang pangako at nakatutulong na payo. Hindi ito maaaring magkamali, sapagkat ang Diyos ay hindi nagkakamali. Ito'y may handang tulong para sa bawat pangangailangan at kalagayan ng buhay, at ang Diyos ay tumitingin na may kalungkutan kapag ang Kanyang mga anak ay tumalikod dito at tumungo sa tulong ng tao. BN 27.4

Siyang nakikipagniig sa Diyos sa pamamagitan ng Kasulatan ay gagawing marangal at banal. Habang binabasa niya ang kinasihang tala ng pag-ibig ng Tagapagligtas, ang kanyang puso ay matutumaw sa pagmamahal at pagsisisi. Siya ay mapupuno ng pagnanasang maging katulad ng kanyang Panginoon, na mamuhay ng isang buhay ng mapagmahal na paglilingkod. . . . Sa pamamagitan ng isang himala ng Kanyang kapangyarihan naingatan Niya ang Kanyang Nasusulat na Salita sa loob ng mahabahg panahon. BN 27.5

Ang aklat na ito ay arig dakilang tagapamahala ng Diyos. . . . Ikinikislap nito ang liwanag sa harapan upang makita natin ang daan na ating tinatahak; at ang mga sinag nito ay itinututok pabalik sa nakalipas na kasaysayan, na ipinapakita ang pinakasakdal na pagkakasundo doon sa tila kamalian at kaguluhan sa pag-iisip na nasa kadiliman. Iyong tila hindi maipaliwanag na hiwaga sa makasanlibutan ay liwanag at kagandahan sa paningin ng mga anak ng Diyos. BN 27.6

Masaya ang isang taong natuklasan sa kanyang sarili na ang Salita ng Diyos ay liwanag sa kanyang mga yapak at ilawan sa kanyang landas—isang liwanag na lumiliwanag sa isang madilim na lugar. Ito'y sanggunian ng kalangitan para sa mga tao. BN 27.7