Ang Aking Buhay Ngayon

23/275

Pagkain Para sa Aking Kaluluwa, 22 Enero

Ang iyong mga salita ay natagpuan, at aking kinain; at sa ganang akin ang iyong mga salita ay katuwaan at kagalakan ng aking pu-so, sapagkat ako'y , tinatawag sa iyong pangalan, O PANGINOON, Diyos ng mga hukbo. ]Eremias 15:16 BN 26.1

Imposibleng maubos ng anumang isipan ng tao ang isang katotohanan o pangako ng Biblia. Ang isa ay nakakukuha ng kaluwalhatian mula sa isang pananaw, ang isa pa ay nakakukuha mula sa iba pang pananaw; ngunit sinag lamang ang mauunawaan natin. Hindi kayang arukin ng ating mga paningin ang buong kaliwanagan. Habang isinasaisip natin ang mga dakilang bagay sa Salita ng Diyos, tayo ay sumisilip sa isang bukal na lumalapad at lumalalim sa ilalim ng ating paningin. Ang kalaparan at kalaliman nito ay lumalagpas sa ating kaalaman. Habang tayo'y tumatanaw, ang ating paningin ay lumalawig. Sa ating harapan ay naroon ang isang karagatang walang hangganan at walang pampang. Ang ganitong pag-aaral ay may kapangyarihang nakapagpapasigla. Ang isip at puso ay nagkakaroon ng bagong lakas at bagong buhay. BN 26.2

Ang ganitong karanasan ay ang pinakamataas na patunay ng banal na may-akda ng Biblia. Tinatanggap natin ang Salita ng Diyos bilang pagkain para sa kaluluwa sa pamamagitan ng kaparehong ebidensya kung papaanong tinatanggap din natin ang tinapay bilang pagkain para sa katawan. Ang tinapay ang tumutustos sa pangangailangan ng ating likas; alam natin base sa ating mga karanasan na ito ang nagdudulot ng dugo, buto at utak. Iangkop ang kaparehas na pagsusuri sa Biblia; kapag ang mga prinsipyo nito ay tunay na naging mga elemento ng karakter, ano ang naging bunga? Anong mga pagbabago ang nagawa nito sa buhay?—”Ang mga lumang bagay ay lumipas na, tingnan ninyo, ang lahat ay naging bago.” Sa pamamagitan ng kapangyarihan nito, ang mga lalaki at babae ay nakalaya sa tanikala ng makasalanang pag-uugali. Tinanggihan nila ang pagkamakasarili. Naging magalang ang mga lapastangan, naging malinaw ang pag-iisip ng mga lasing, at naging dalisay ang mga mahalay. Ang mga kaluluwang nagdadala ng wangis ni Satanas ay nabago sa imahen ng Diyos. Ang pagbabagong ito ang mismong himala ng mga himala. Ang pagbabagong nagawa ng Salita, ay isa sa pinakamalalim na hiwaga ng Salita. Ito ay hindi natin kayang maunawaan;tkaya lamang natin paniwalaan, na, tulad ng ipinahayag ng mga Kasulatan, ito ay “si Cristo na nasa inyo, na Siyang pag-asa sa kaluwalhatian.” Ang kaalaman tungkol sa hiwagang ito ay nagkakaloob ng isang susi sa lahat ng iba pang mga hiwaga. Binubuksan nito sa kaluluwa ang mga kayamanan ng sansinukob, ang mga pagkakataon para sa walang-hanggang pagsulong. BN 26.3