Ang Aking Buhay Ngayon

22/275

Ang Aking Tagapayo at Gabay, 21 Enero

Sa iyong payo ako'y iyong pmapatnubayan, at pagkatapos ay tatanggapin mo ako sa kaluwalhatian. Awit 73:24 BN 25.1

A ng ebidensyang Cristianong kailangan natin, ay hindi matatagpuans’a karanasan ng mga tao, kundi sa ating mga BibLia. Ang Salita ng Diyos ay siyang ating tagapayo; dahil sa dinadala tayo nito sa bawat panahon, taglay ang mga patotoo nito sa hindi nababagong katotohanan. Wala ni isa sa mga sinaunang depensa salita ng Diyos, na angkop para sa mga tanging pagkakataon, ang nalaos. Walang bahagi ng Biblia ang namatay dahil sa katandaan. Ang buong kasaysayan ng bayan ng Diyos ay dapat natrng pag-aralan ngayon, upang tayo'y makinabang sa pamamagitan ng mga naitalang karanasan. BN 25.2

Nababali ng mga tao ang kanilang mga salita, at pinatutunayang hindi mapagkakatiwalaan ang kanilang mga sarili, subalit hindi nagbabago ang Diyos. Ang Kanyang salita ay mananatiling pareho magpakailanman. BN 25.3

Ibigay mo ang marangal na lugar sa Salita bilang isang gabay sa tahanan. Hayaan mong ito'y makilala bilang Tagapayo sa bawat kahirapan, pamantayan ng bawat pagkilos.... Hindi magkakaroon ng totoong kasaganaan sa sinumang kaluluwa sa loob ng sambahayan malibang mamatnugot ang katotohanan ng Diyos at ang kamnungan ng katuwiran. BN 25.4

Kailangan natin lahat ng isang gabay sa gitna ng maraming mahihirap na pagdadaanan sa buhay na gaya nang pangangailangan ng manlalayag sa isang piloto sa pagdaan sa ibabaw ng mabuhanging bahura o paakyat sa mabatong ilog... . BN 25.5

Ang manlalayag na may hinahawakan na mapa at kompas, ngunit nakalimutang gamitin ang mga ito, ay mananagot sa paglalagay sa panganib sa mga buhay ng mga taong nakasakay sa kanyang barko dahil maaaring maligaw ang barko dahil sa kanyang kapabayaan. Mayroon tayong Aklat na Gabay, ang Salita ng Diyos, at wala tayong maidadahilan kapag hindi natin nakita ang daan patungo sa langit, dahil naibigay na sa atin ang mga malinaw na tagubilin. BN 25.6

Ang Biblia ay nagbibigay ng sakdal na pamantayan ng karakter; ito ay isang gabbay na hindi maaaring magkamali sa panahon ng lahat ng mga pangyayari, kahit na hanggang sa dulo ng paglalakbay sa buhay. BN 25.7