Ang Aking Buhay Ngayon

216/275

Mga Baywang na Nabigkisan ng Katotohanan, 2 Nobyembre

Dahil dito magsikuha kayo ng buong kagayakan ng Diyos, upang kayo'y mangakatagal sa araw na masama, at kung magawa ang lahat, ay magsitibay. Magsitibay nga kayo, na ang inyong mga baywang ay may bigkis na katotohanan, na may sakbat na baluti ng katuwiran. Efeso 6:13,14 BN 219.1

Sumisilay sa atin ang liwanag kapag tayo ay lumalakad sa liwanag, na sinusunod ang katotohanang nabuksan sa ating pang-unawa. BN 219.2

Dito tayo tumatanggap ng higit na liwanag. Hindi tayo patatawarin sa pagtanggap lamang sa liwanag na taglay ng ating mga magulang isang daang taon na ang nakalipas. . . . Nais natin ang katotohanan sa bawat punto, at dapat natin itong isakabuhayan araw-araw. BN 219.3

Ang buong pag-iisip at kaluluwa ay dapat na mapahiran ng katotohanan, upang ikaw ay maging nabubuhay na kinatawan ni Cristo. . . . Nais ng Diyos na mapuno ka ng kapangyarihan mula sa kaitaasan. Huwag ninyong pagsikapang maging mga dakilang mga Ialaki; ngunit magsikap na maging mabubuti at ganap na mga lalaki, na ipinapakita ang mga kapurihan Niyang tumawag sa inyo mula sa kadiliman tungo sa Kanyang kagilagilalas na liwanag. Tumatawag ang Diyos para sa mga Caleb at mga Josue, mga walang takot, mga tapat, na gagawang may pananampalataya at katapangan. BN 219.4

Kapag hindi malalim ang pagkakatanim sa puso ng katotohanan ng Diyos, hindi ka makapaninindigan sa pagsubok ng tukso. Mayroon lamang iisang kapangyarihang makapagpapanatili sa ating tapat sa ilalim ng pinakamahirap na kalagayan—ang biyaya ng Diyos sa katotohanan. Matalas ang mata ng mga masasama sa pagtanda ng bawat kamalian, at mabilis na magbuhos ng paghamak sa mga mahihina at pauntul-untol. Hayaan mo ang mga kabataang ilagay ang kanilang tudlaan na mataas. Hayaang sila ay magsikap sa mapagpakumbabang pananalangin para sa tulong na ipinangako ni Cristo, upang makapagbigay sila ng impluwensya sa ibang hindi nila ikakahiyang makasalamuha sa dakilang araw ng huling pagtutuos. Silang isinakabuhayan ang mga pinakamatataas na panimulang Cristiano sa bawat aspekto ng paggawa at relihiyon ay magkakaroon ng bentaheng hindi maihayag, sapagkat papasukin nila ang paraiso ng Diyos bilang mga mananagumpay. BN 219.5