Ang Aking Buhay Ngayon
Ang Aking Buhay Ngayon
Paunang Salita
Ang mga piling babasahing debosyonal na makikita sa tomong ito, na hinalaw kasama ng akmang talatang pang-araw-araw, ay sinipi mula sa napakaraming mga sulat ni Ellen G. White, na naglingkod sa loob ng 70 taon sa mga espirituwal na pangangailangan ng mga taong nakapalibot sa kanya. Sa kanya, ang mga prinsipyo ng pamumuhay Cristiano ay hindi lamang paksa ng pagsusulat o pampublikong talumpati, kundi makikita rin sa kanyang sariling buhay bilang isang kabataang babae, isang dalaga, isang ina, isang matulunging kapitbahay, isang kilalang tao sa kanyang komunidad, at isang manlalakbay sa buong mundo. Ang isang katangian ng tomong itong talagang kagigiliwan ay ang paglitaw ng maraming piling pahayag mula sa panulat ni Ellen White na hindi pa naililimbag kasama ng kanyang kasalukuyang nailathalang mga gawa, dahil ang nilalaman ng aklat na ito ay halaw higit sa lahat mula sa libu-libong mga artikulong orihinal na nailathala ni E. G. White sa mga lingguhan at buwanang peryodiko tulad ng Youth’s Instructor, Review And Herald, Signs Of The Times, atbp., at mula sa kanyang talaksan ng mga manuskrito. BN 4.1
Sa kadahilanang ang mga babasahin sa bawat araw ay limitado lang sa isang limbag na pahina, maraming napakahusay na mga materyal sa maraming mga paksa ang hindi naisama, at kadalasan ay kinailangang magtanggal sa loob ng isang pangungusap. Ang lahat ng pagtatanggal ay kinilala sa karaniwang paraan. Sa ilang pagkakataon, ang babasahin sa isang araw ay binubuo ng maraming piling mga pananalitang pinagsama-sama bilang isang pinaghalong pahayag. BN 4.2
Ang ilan sa mga paalaalang nilalaman ng maliit na tomong ito ay orihinal na nangungusap sa buong pamilya, habang ang iba naman ay sa mga magulang o mga bata o mga kabataan. Marami sa mga pahayag ay mas pangkalahatan. Sa bawat pagkakataon, ang mensahe rito ay nanungusap ng malinaw sa puso ng mambabasa anuman ang edad, katayuan, o trabaho. BN 4.3
Ang Ang Aking Buhay Ngayon ay tinipon sa ilalim ng pamamahala ng Lupon ng mga Katiwala ng Ellen G. White Publieations, na may pananagutan sa pangangalaga at paglalathala ng mga sulat ni E. G. White. Ang gawain ay isinagawa alinsunod sa tagubilin ni Gng. White sa mga Katiwalang nagpapahintulot sa paglilimbag ng mga kalipunan mula sa kanyang mga sulatin. BN 4.4
Na ang mga maikling pang-araw-araw na mga mensaheng ito hinggil sa iyong buhay ngayon ay mangyari sanang magsilbing isang patnubay at isang pampalakas-loob sa Cristianong landas ay ang taospusong ninanais ng BN 4.5
— Mga Katiwala ng Ellen G. White Publications.