Kasaysayan ng Pag-Asa
Kasaysayan ng Pag-Asa
Panimula
Paanong naging sobrang gulo ng ating mundo? Bakit may pagdurusa? Saan galing ang kasamaan? May katapusan ba ito? KP 4.1
Ang mga tanong na gaya nito ang bumabagabag sa maraming nag-iisip na tao. Walang sagot dito ang siyensya, at ang pilosopiya naman ay maraming salu-salungat na kasagutan. Saan natin matatagpuan ang katotohanan? KP 4.2
Ang laman ng aklat na ito ay pinili at inayos mula sa mas malaking akda, ang THE STORY OF REDEMPTION. Ang may-akda, si Ellen G. White, ay isinama sa isang espesyal na isyu (Spring 2015) ng magasing SMITHSONIAN sa 100 pinakamahalagang Amerikano sa buong panahon. Ang mga sinulat niya ay naisalin na sa higit 165 wika, higit sa sino pa mang ibang babae saanmang lugar. Milyun-milyon na ang nakinabang sa kanyang mga pananaw at inspirasyon. KP 4.3
Ang KASAYSAYAN NG PAG-ASA ay isang pagkakataon para sa iyo na makinabang din. KP 4.4