ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI

59/69

Kabanata 51—Espirituwal na Rebaybal

Ang pagdating ni Ezra sa Jerusalem ay napapanahon. May malaking pangangailangan ng impluwensya ng kanyang presensya. Ang pagdating niya ay naghatid ng lakas ng loob at pag-asa sa puso ng marami na matagal nang gumagawa sa harap ng mga kahirapan. Mula sa pagbabalik ng mga naunang naglakbay sa pangunguna ni Zorobabel at Josue, mahigit na pitumpung taon ang lumipas, malaki na ang nagawa. Ang templo ay natapos na, at ang mga pader ng siyudad ay may nakumpuni na. Gayunman ay malaki pa ang dapat gawin. PH 499.1

Kabilang sa mga naunang nagbalik sa Jerusalem ay mga tapat sa Dios at nabuhay na gayon; datapuwat may malaking bahagi ng mga anak at mga inanak pa ang nawalan ng pananaw sa kabanalan ng utos ng Dios. Kahit na ang mga lalaking may mataas na tungkulin ay nabubuhay sa hayagang kasalanan. Ang kanilang buhay ay nagpapawalang bisa sa pagsulong ng gawain ng Dios; sapagkat habang ang malinaw na paglabag sa utos ng Dios ay kinukunsinti, ang pagpapala ng Langit ay hindi mailalapag sa bayan. PH 499.2

Tanging paglalaan ng Dios na silang nagbalik na kasama ni Ezra ang nagkaroon ng tanging panahon upang hanapin ang Panginoon. Ang naging karanasan nila sa paglalakbay mula Babilonia, na walang sanggalang sa pamamagitan ng lakas ng tao, ay nagturo sa kanila ng mga mayamang liksyong espirituwal. Marami ang naging malakas sa pananampalataya; at sa kanilang pakikihalubilo sa mga lupaypay at walang pakundangan sa Jerusalem, ang impluwensya nila ay naging makapangyarihang lakas sa repormang kasunod na isinagawa. PH 499.3

Sa ikaapat na araw ng kanilang pagdating, ang mga ginto at pilak kasama ang mga sisidlang gagamitin sa paglilingkod sa templo, ay ipinagkaloob sa mga ingat-yaman sa templo, sa pangmasid ng mga saksi at lubos na pagsusulit. Bawat kasangkapan ay siniyasat “ayon sa bilang at timbang.” Ezra 8:34. PH 499.4

Ang mga anak sa pagkabihag na nagsipanggaling sa pagkatapon na kasama ni Ezra ay “nangaghandog ng mga handog na susunugin sa Dios ng Israel” bilang pinaka handog dahil sa kasalanan at kanilang pasasalamat sa pamamatnubay ng mga banal na anghel sa kanilang paglalakbay. “At kanilang ibinigay ang mga bilin ng hari sa mga satrapa ng hari, at sa mga tagapamahala sa dako roon ng ilog: at kanilang pinasulong ang bayan, at ang bahay ng Dios.” Talatang 35, 36. PH 500.1

Di nagtagal ang ilan sa mga pinuno sa Israel ay lumapit kay Ezra taglay ang mabigat na reklamo. Ilan sa “bayan ng Israel, at mga saserdote, at mga Levita” ay sinuway nila ang banal na utos ni Jehova na nagsipag-asawa sa mga bayan na nasa paligid nila. “Sapagkat kinuha nila ang kanilang mga anak na babae sa ganang kanilang sarili, at sa kanilang mga anak na lalaki,” sinabi kay Ezra, “na anupa’t ang banal na binhi ay nahalo nga sa bayan ng mga lupain; “oo, ang kamay ng mga prinsipe at ng mga pinuno ay naging puno sa pagsalangsang na ito.” Ezra 9:1, 2. PH 500.2

Sa kanyang pag-aaral sa mga dahilang umakay sa pagkabihag sa Babilonia, nakita ni Ezra na ang malaking dahilan ay ang pakikisalamuha sa mga bansang pagano. Nakita niyang kung sila',y sumunod lamang sa utos ng Dios na sila’y mahiwalay sa mga nakapalibot na bansa, sila ay naligtas sana sa kahihiyang kanilang dinanas. At ngayong natutuhan niyang sa kabila ng mga liksyong ito ng lumipas, marami sa mga tanyag na lalaki ay lumalabag pa rin sa utos ng Dios na ibinigay bilang sanggalang sa kanila, ang kanyang puso ay nakilos nang gayon. Naisip niya ang kabutihan ng Dios sa muling pagbabalik sa kanila sa sariling lupain, at siya’y napuno ng galit na matuwid at kalumbayan sa kanilang kawalang utang na loob. “At nang mabalitaan ko ang bagay na ito,” kanyang sinabi, “aking hinapak ang aking suot at ang aking balabal, at binaltak ko ang buhok ng aking ulo at ng aking baba, at ako’y naupong nadtigilan. PH 500.3

“Nang magkagayo’y nagpipisan sa akin ang lahat na nanginginig sa mga salita ng Dios ng Israel, dahil sa pagsalangsang nila na sa pagkabihag; at ako’y naupong natitigilan hanggang sa pag-aalay sa hapon.” Talatang 3, 4. PH 500.4

Sa panahon ng sakripisyong panghapon, tumayo si Ezra, at, hinapak ang kanyang damit at kapa, at nanikluhod at dumalangin sa Langit. Kanyang iniunat ang kanyang mga kamay sa Panginoon, at nagsabi, Oh aking Dios, ako’y napahiva at namula na itaas ang aking mukha sa Iyo, na aking Dios: sapagkat ang aming mga kasamaan ay nagsilala sa aming ulo, at ang aming sala ay umabot hanggang sa langit.” PH 500.5

“Mula ng mga kaarawan ng aming mga magulang,” patuloy pa niya, “ay naging totoong salarin kami hanggang sa araw na ito; at dahil sa aming mga kasamaan, ang aming mga hari, at ang aming mga saserdote ay nangabigay sa kamay ng mga hari ng mga lupain, sa tabak, sa pagkabihag, sa pagkasamsam, at sa kahihiyan ng mukha, gaya sa araw na ito. At ngayon sa sandaling panahon ay napakita ang biyaya na mula sa Panginoon naming Dios, upang iwan sa amin ang isang nalabi na nakatanan, at upang bigyan kami ng isang dako sa Kanyang dakong banal, upang palinawin ng aming Dios ang aming mga mata, at bigyan kami ng kaunting kabuhayan sa aming pagkaalipin. Sapagkat kami ay mga alipin; gayon ma'y hindi kami pinabayaan ng aming Dios sa aming pagkaalipin, kundi naggawad ng kaawaan sa amin sa paningin ng mga hari sa Persia, upang bigyan kami ng kabuhayan, upang itayo ang bahay ng aming Dios, at upang husayin ang sira niyaon, at upang bigyan kami ng kuta sa Juda at sa Jerusalem. PH 501.1

“At ngayon, Oh aming Dios, ano ang aming sasabihin pagkatapos nito? sapagkat aming pinabayaan ang Iyong mga utos, na Iyong iniutos sa pamamagitan ng Iyong mga lingkod na mga propeta.... At pagkatapos ng lahat na dumating sa amin dahil sa aming masamang mga gawa, at dahil sa aming malaking sala, sa para ang Ikaw na aming Dios ay nagparusa sa amin ng kulang kaysa marapat sa aming mga kasamaan, at binigyan Mo kami ng ganitong nalabi; amin ba uling sisirain ang Iyong mga utos, at makikipisan ng mahigpit sa mga bayan na nagsisigawa ng mga karumal-dumal na ito? hindi Ka ba magagalit sa amin hanggang sa Iyong malipol kami, na anupa’t huwag magkaroon ng nalabi, o ang sinumang nakatanan? Oh Panginoon, na Dios ng Israel, Ikaw ay matuwid: sapagkat kami ay naiwan na isang nalabi na nakatanan, na gaya sa araw na ito: narito, kami ay nangasa harap Mo sa aming mga sala: sapagkat walang makatatayo sa harap Mo dahil dito. Talatang 6-15. PH 501.2

Ang kalumbayan ni Ezra at mga kasama sa kasamaang dumating sa pinakapuso na rin ng gawain ng Panginoon, ay naghatid ng pagsisisi. Marami sa mga nagkasala ay naapektuhan ng mainam. “.Ang bayan ay umiyak na mainam.” Ezra 10:1. Sa maliit na paraan ay nadama nila ang kasamaan ng kasalanan at ang panghihilakbot ng Dios dito. Nakita nila ang kabanalan ng pagkakabigay ng utos sa Sinai, at marami ang nanginig sa kanilang pagkakasala. PH 501.3

Isa sa naroroon, ay si Sechanias, kinilalang totoo ang mga salita ni Ezra. “Kami ay nagsisalangsang laban sa ating Dios,” kanyang kinumpisal, at “nangag-asawa sa mga babaing taga ibang bayan ng lupain: gayon man, may pag-asa sa Israel tungkol sa bagay na ito.” Iminungkahi ni Sechanias na ang lahat na nagkasala ay dapat mangakipagtipan sa Dios para mapatawad sa kanilang kasalanan at mahatulan “ayon sa kautusan.” “Bumangon ka,” sinabi niya kay Ezra; “sapagkat bagay na ukol sa iyo: at kami ay sumasaiyo: magpakatapang kang mabuti.” “Nang magkagayo’y tumindig si Ezra, at pinasumpa ang mga puno ng mga saserdote, ang mga Levita, at ang buong Israel, na kanilang gagawin ayon sa salitang ito.” Talatang 2-5. PH 502.1

Ito ang naging simula ng kahanga-hangang pagbabago. May pasensya at katalinuhan at kasama ang gawaing ito na binigyang pansin ang karapatan at kapanutuhan ng bawat isa, sinikap ni Ezra at mga kasama na akayin ang Israel sa matuwid na landas. Higit sa lahat, si Ezra ay naging guro ng kautusan; at habang binigyan niyang pansin ang mga detalye ng bawat kaso, sinikap niyang idiin sa bayan ang kabanalan ng kautusan at ang mga pagpapalang matatamo sa pamamagitan ng pagsunod. PH 502.2

Saan mang dako maglingkod si Ezra, nagkaroon ng rebaybal sa pag-aaral ng Banal na Kasulatan. Mga guro ay itinalaga upang turuan ang bayan; ang utos ng Panginoon ay nataas at naging marangal. Ang mga aklat ng propeta ay sinaliksik, at ang mga propesiya tungkol sa pagdating ng Mesias ay nagdala ng pag-asa at ginhawa sa maraming pusong nalulumbay at napapagal. PH 502.3

Mahigit sa dalawang libong taon ang lumipas mula kay Ezra na “naghanda, ng puso upang hanapin ang kautusan ng Panginoon, at isagawa ito” (Ezra 7:10), gayunman ang paglipas ng mga taon ay di nagbawas ng impluwensya ng kanyang banal na halimbawa. Sa pagdaan ng daang taon ang tala ng kanyang buhay na natatalaga ay naging inspirasyon sa marami na may kapasyahang “hanapin ang utos ng Panginoon at isagawa ito.” PH 502.4

Ang mga layunin ni Ezra ay matataas at banal; sa lahat ng kanyang ginawa ay kirulos siya ng malalim na pag-ibig sa kaluluwa. Ang kahabagan at malumanay na pakikitungong inihayag niya sa maka- salanan, sinasadya man o dahilan sa kawalang kaalaman, ay dapat na maging liksyon sa lahat ng nag-iisip magdala ng pagbabago. Ang mga lingkod ng Dios ay dapat na maging matatag tulad ng bato kapag ang matuwid na simulain ay nakataya; gayunman, sa lahat ng ito ay dapat maghayag ng malasakit at pagpapahinuhod. Tulad ni Ezra, sila ay magtuturo ng daan sa mga lumalabag sa pamamagitan ng pagdidiin ng mga simulaing pundasyon ng matuwid na gawa. PH 502.5

Sa panahong ito, na si Satanas ay nagsisikap, sa pamamagitan ng maraming ahensya niya, na bulagin ang mga mata ng tao sa mga matibay na pag-aangkin ng kautusan ng Dios, may pangangailangan sa mga lalaking magdadala ng “panginginig sa utos ng ating Dios.” Ezra 10:3. May pangangailangan para sa mga tunay na magpapabago, na magtuturo sa sumasalangsang sa dakilang Tagapagbigay ng utos at ituturo sa kanila na ang “kautusan ng Panginoon ay sakdal, humihikayat ng kaluluwa.” Awit 19:7. May pangangailangan ng mga makapangyarihang lalaki ng Kasulatan, mga lalaking ang bawat salita ay nagtataas sa utos ni Jehova, mga lalaking naghahangad ng pananampalataya. Mga guro ay kailangan na magpapasigla sa mga puso sa paggalang at pag-ibig sa mga Kasulatan. PH 503.1

Ang laganap na kasamaan ngayon ay maaring dahilan sa pagkukulang ng tao na basahin at tuparin ang mga Kasulutan, sapagkat kapag ang salita ng Dios ay inilagay sa isang tabi, ang kapangyarihan nitong pumigil sa masasamang pita ng pusong laman ay natatanggihan. Ang tao ay naghahasik sa laman at ang laman ay nag-aani ng kabulukan. PH 503.2

Sa pagsasantabi ng Kasulatan ay naroon din ang pagbalikwas mula sa utos ng Dios. Ang doktrinang ang tao ay pinalaya na sa pagsunod sa mga utos ng Dios, ay nagpahina ng tungkuling moral at nagbukas ng pintuang parang baha ng kasamaan sa sanlibutan. Kawalang kautusan, pagpapasasa, at kabulukan ay lumalaganap na parang malakmg baha. Sa bawat dako ay nakikita ang inggit, masamang haka, pagpapaimbabaw, pagkagalit, sigalot, pagtataksil sa tiwala, at pagsunod sa layaw. Ang buong sistema ng mga simulaing relihiyoso at doktrina, na dapat maging pundasyon at balangkas ng kabuhayang sosyal, ay parang umuugang poste na malapit nang bumagsak at mawasak. PH 503.3

Sa mga huling araw na ito ng kasaysayan ang tinig na nangusap sa Sinai ay naghahayag pa rin, “Huwag kang magkakaroon ng ibang mga diyos sa harapan Ko.” Exodo 20:3. Ang tao ay lumalaban sa kalooban ng Dios, ngunit hindi niya mapatatahimik ang tinig na nag-uutos. Hindi maiiwasan ng tao ang obligasyon niya sa higit na mataas na kapangyarihan. Mga palagay at haka-haka ay maaring lumaganap; maaaring itanyag ng tao ang agham laban sa paghahayag ng Dios, at isantabi ang kautusan; ngunit higit pang lalakas ang utos, “Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at Siya lamang ang ryong paglilingkuran. ” Mateo 4:10. PH 503.4

Walang gayong bagay na magpapahina o magpapalakas ng utos ni Jehova. Kung paanong ito ay gayon, gayon ito mananatili. Lagi itong matuwid, banal, sakdal, at mabuti, ganap sa kanyang sarili. Hindi ito maaalis o mababago man. Ang “parangalan” o “ihandusay” ito ay salita lamang ng mga tao. PH 504.1

Sa pagitan ng mga batas ng tao at utos ni Jehova ay darating ang dakilang huling tunggalian sa pagitan ng katotohanan at kamalian. Sa dakilang digmaang ito ay pumapasok na tayo—isang digmaang hindi sa pagitan ng naglalabanang mga iglesia na nagnanais mamayani, kundi sa pagitan ng relihiyon ng Biblia at mga kathang-isip at mga tradisyon. Ang mga ahensyang nagsanib laban sa katotohanan ay abala na ngayong gumagawa. Ang Banal na Salita ng Dios, na dumating sa atin sa halaga ng dugo at pagdurusa, ay minamaliit. Ilan lamang ang tumatanggap nito bilang pamantayan ng buhay. Ang kawalang katapatan ay laganap, hindi lamang sa sanlibutan, kundi sa iglesia na rin. Marami ang tumatanggi sa mga doktrinang naging haligi ng pananampalatayang Kristiano. Ang mga dakilang katunayan ng paglalang na inilahad ng mga kinasihang manunulat, ang pagbagsak ng tao, ang pagtubos, ang pananatili ng kautusan—lahat ng ito ay halos tinatanggihan ng kalakhang bahagi ng Kristianismo. Ang libong nagmamalaki sa kanilang karunungan ay minamaliit ang Biblia, at ang pagsunod dito bilang tanda ng kahinaan at binabatikos ang Kasulatan sa pagwawalang bahala sa mga mahalagang katotohanan nito. PH 504.2

Ang mga Kristiano’y dapat naghahanda ngayon sa pangyayaring parang sorpresa na darating sa lupa, at ang paghahandang ito ay dapat na nasa masikap na pag-aaral ng salita ng Dios at pagsisikap na iangkop ang kanilang mga buhay sa mga tagubilin nito. Ang mga dakilang isyu ng walang hanggan ay nangangailangan mula sa atin ng hindi lamang relihiyong nasa isip, ng relihiyong nasa salita at anyo, ngunit ang katotohanan ay wala. Ang Dios ay nananawagan ng rebaybal at pagbabago. Ang mga salita ng Biblia, at ang Biblia lamang, ang dapat marinig mula sa mga pulpito. Datapuwat ang Biblia ay nananakawan ng kanyang kapangyarihan, at ang bunga ay nakikita sa pagbaba ng antas ng kabuhayang espirituwal. Sa maraming mga sermon ngayon ay di makita ang banal na pagpapahayag na gumigising sa konsyensya at nagdadala ng buhay sa kaluluwa. Hindi masabi ng mga nakikimg, “Hindi baga nag-aalab ang ating puso sa loob natin, habang tayo’y kinakausap Niya sa daan, samantalang binubuksan Niya sa atin ang mga Kasulatan?” Lucas 24:32. Marami ang tumatangis para sa buhay na Dios, nananabik sa banal na presensya. Bayaang ang salita ng Dios ay mangusap sa puso. At silang nakarinig ng mga tradisyon at kasaysayan ng tao at mga salawikain lamang, ang makarinig naman ng tinig Niyang magpapanauli ng kaluluwa ukol sa walang hanggang buhay. PH 504.3

Dakilang liwanag ang nakita sa mga patriarka at propeta. Mga maluwalhating bagay ay sinalita sa Sion, ang Siyudad ng Dios. Sa ganito kaya’t ipinanukala ng Panginoon na ang liwanag ay sisilang sa Kanyang mga alagad ngayon. Kung ang mga banal ng Lumang Tipan ay nagtaglay ng gayong kaliwanag na patotoo ng katapatan, hindi baga dapat naman silang nakatanggap ng liwanag ng mga daang taon ay magtaglay din ng higit na patotoo sa kapangyarihan ng katotohanan? Ang kaluwalhatian ng mga propesiya ay nagbibigay tanglaw sa ating mga landas. Ang uri ay nakatagpo ng hindi kauri sa kamatayan ng Anak ng Dios. Si Kristo ay bumangon na sa mga patay, na inihayag ng nabuksang libingan, “Ako ang pagkabuhay na mag-uli, at ang buhay.” Juan 11:25. Isinugo Niya ang Kanyang Espiritu sa sanlibutan upang magdala ng lahat ng bagay sa ating alaala. Sa kababalaghan ng kapangyarihan ay naingatan ang Kanyang nasulat na salita sa paglakad ng kapanahunan. PH 505.1

Ang mga protesta ng mga Repormador na nagbigay sa atin ng salitang Protestante, ay nakadamang tinawagan sila ng Dios upang ibigay ang liwanag ng ebanghelyo sa lupa; at sa pagsisikap na ito ay laan silang magsakripisyo ng kanilang tinatangkilik, kalayaan, at hapdi na rin ng buhay. Sa harap ng pag-uusig at kamatayan ang ebanghelyo ay naipahayag sa malapit at malayong dako. Ang salita ng Dios ay nakarating sa mga tao; at sa lahat ng uri, mataas at aba, mayaman at dukha, marunong at hindi, ito ay masinop na pinag-aralan sa kanilang sarili. Tayo kaya, sa huling yugto ng tunggalian, ay kasing tapat sa aring pagkakatiwala tulad ng mga Repormador sa kanilang kapanagutan? PH 505.2

“Hipan ninyo ang pakakak sa Sion, magsipangilin kayo ng isang ayuno, magsitawag kayo ng isang takdang kapulungan: tipunin ninyo ang bayan, banalin ang kapisanan, pisanin ang mga matanda, tipunin ang mga bata:...manangis ang mga saserdote, ang mga tagapangasiwa ng Panginoon, sa pagitan ng portiko at ng dambana, at kanilang sabihin, Maawa ka sa Iyong bayan, Oh Panginoon, at huwag Mong ibigay ang Iyong bayan sa kakutyaan.” “Magsipanumbalik kayo sa Akin ng inyong buong puso, na may pag-aayuno, at may pananangis, at may pananambitan: at papagdalamhatin ninyo ang inyong puso, at hindi ang mga damit ang inyong hapakin, at kayo’y magsipanumbalik sa Panginoon ninyong Dios: sapagkat Siya’y maawain at puspos ng kahabagan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob, at nagsisisi Siya sa kasamaan. Sinong nakakaalam kung Siya’y hindi magbabalik-loob at magsisisi, at mag-iiwan ng isang pagpapala sa likuran Niya?” Joel 2:15-17, 12-14. PH 506.1