ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI

58/69

Kabanata 50—Si Ezra, ang Saserdote at Eskriba

Halos pimmpung taon matapos bumalik ang unang pulutong ng bilanggo sa ilalim ni Zorobabel at Josue, si Artaxerxes Longimanus ay naupo sa trono ng Medo-Persia. Ang pangalan ng hari ay kaugnay sa banal na kasaysayan sa pamamagitan ng serye ng mga katangitanging paglalaan ng Dios. Sa panahon niya nabuhay at naglingkod sina Ezra at Nehemias. Siya ang nagpalabas ng utos noong 457 B.C. na ikatlo at huli sa pagpapatayong muli ng Jerusalem. Sa paghahari niya ay may pulutong ng Judio na bumalik sa ilalim ni Ezra, natapos ang mga pader ng Jerusalem sa pangunguna ni Nehemias at ng kanyang mga kasama, ang muling pagtatatag ng mga serbisyo sa templo, at ang mga dakilang reporma nina Ezra at Nehemias. Sa mahabang paghahari niya ay madalas siyang magpakita ng pabor sa bayan ng Dios, at sa pamamagitan ng kanyang mga kaibigang Judio na pinagkakatiwalaan, sina Ezra at Nehemias, kinilaia niya ang mga lalaking itinatag ng Dios, at ibinangon para sa isang tanging gawain. PH 491.1

Ang karanasan ni Ezra samantalang kasama ng mga Judio na nanatili sa Babilonia ay naging kakaiba anupa't ito ay nakatawag pansin sa Haring Artaxerxes, na malayang nakausap niya tungkol sa kapangyarihan ng Dios ng kalangitan, at sa banal na adhikain sa pagsasauli ng mga Judio sa Jerusalem. PH 491.2

Isinilang sa mga anak ni Aaron, si Ezra ay nabigyang pagsasanay bilang saserdote; at bukod dito ay naging bihasa sa mga sulat ng mga mahiko, astrologo, at mga pantas na lalaki ng Medo-Persia. Datapuwat hindi siya nasisiyahan sa kalagayang espirituwal. Nanabik siyang makatugma ng Dios; nanabik siya ng karunungang maisakatuparan ang kalooban ng Dios. Kaya kanyang “inilagak ang kanyang puso na hanapin ang kautusan ng Panginoon, at upang gawin.” Ezra 7:10. Umakay ito upang saliksikin niya ang kasaysayan ng bayan ng Dios, tulad ng nasusulat sa tala ng mga propeta at hari. Sinaliksik niya ang mga sulat ng kasaysayan at mga matulaing aklat sa Biblia upang alamin kung bakit ipinahintulot ng Panginoon na ang Jerusalem ay mawasak at ang Kanyang bayan ay madalang bihag sa lupaing pagano. PH 491.3

Tanging binigyan ng pansin ni Ezra ang mga karanasan ng Israel mula sa panahong ang pangako ay nabigay kay Abraham. Pinagaralan niya ang mga tagubilin sa Bundok ng Sinai at sa mahabang panahon ng paglilimayon sa ilang. At habang nadaragdagan ang kaalaman niya tungkol sa pakikitungo ng Dios sa Kanyang mga anak, at naunawaan ang kabanalan ng utos na nabigay sa Sinai, ang puso ni Ezra ay nakilos. Nakadama siya ng lubusang pagkahikayat at nagpasyang gamitin ang karunungan sa pagdadala ng pagpapala at liwanag sa kanyang bayan. PH 492.1

Sinikap ni Ezra na maghanda ng puso para sa gawaing nadama niyang nasa kanyang harapan. Masikap na hinanap niya ang Dios, upang siya ay maging matalinong guro sa Israel. At habang ang puso at kalooban ay napapasakop sa Dios, dumating sa kanyang buhay ang mga prinsipyo ng tunay na pagpapakabanal, na, sa darating na mga taon, ay magiging impluwensyang huhubog, hindi lamang sa mga kabataang maghahangad na kanyang turuan, kundi ng sinumang maaabot ng kanyang pakikisama. PH 492.2

Pinili ng Dios si Ezra upang maging instrumento ng kabutihan para sa Israel, upang maparangalan Niya ang pagka saserdote, ang kaluwalhatian ay napadilim sa panahon ng pagkabihag. Si Ezra ay naging lalaki ng katangi-tanging karunungan at naging “kalihim na bihasa sa kautusan ni Moises.” Talatang 6. Ang mga katangiang ito ay nagpatanyag sa kanya sa kaharian ng Medo-Persia. PH 492.3

Si Ezra ay naging tagapagsalita ng Dios, na nagbibigay turo tungkol sa mga simulaing namamayani sa langit sa mga nakapalibot sa kanya. Sa nalalabing mga taon ng kanyang buhay, malapit man sa korte ng hari ng Medo-Persia o nasa Jerusalem, ang pangunahing gawain niya ay maging guro. Habang isinasalin niya sa iba ang mga katotohanang natutuhan, ang kanyang paggawa ay nadagdagan. Siya ay naging lalaking banal at masigasig. Naging saksi siya ng Panginoon sa kapangyarihan ng katotohanan ng Biblia upang magpabanal sa buhay. PH 492.4

Ang pagsisikap ni Ezra na buhayin ang interes at pag-aaral ng Kasulatan ay binigyang katibayan sa kanyang masikap, habang buhay na gawaing panatilihin at paramihin ang mga sipi ng Banal na Kasulatan. Tinipon niya ang lahat ng sipi ng kautusan na kanyang masusumpungan at ito ay kinopya at ipinamahagi. Ang dalisay na salitang napakalat at nalagay sa kamay ng mga tao ay nagbigay kaalaman sa sukat na hindi mabibigyang halaga. PH 492.5

Ang pananampalataya ni Ezra na ang Dios ay gagawang makapangyarihan para sa Kanyang bayan, ay umakay sa kanya upang hilingin kay Artaxerxes na siya ay payagang bumalik sa Jerusalem upang buhayin ang interes ng bayan sa pag-aaral ng salita ng Dios at tumulong sa kanyang mga kapatid sa pagtatayo ng Banal na Siyudad. Sa paghahayag ni Ezra ng sakdal na pagtitiwala sa Dios na may kakayahang saganang mag-ingat at magpala sa Kanyang bayan, ang hari ay lubusang nasiyahan. Naunawaan niyang lubos na ang Israel ay magbabalik sa Jerusalem upang sila ay makapaglingkod kay Jehova; at gayon ang pagtitiwala ng hari sa katapatan ni Ezra na ibinigay ang kahilingan nito, at nagkaloob pa ng saganang kayamanan para sa paglilingkod sa templo. Ginawa siya na tanging kinatawan ng kaharian ng Medo-Persia at ibinigay sa kanya ang malawak na kapangyarihan upang maisagawa ang mga adhikain ng kanyang puso. PH 493.1

Ang kautusan ni Artaxerxes Longimaus para sa pagbabalik at pagtatayo muli ng Jerusalem, ang ikado mula ng matapos ang pitumpung taong pagkabihag, ay kapansin-pansin dahil sa pagpapahayag nito tungkol sa Dios ng langit, dahil sa pagkilala sa mga kakayahan ni Ezra, at sa mga kalayaang ipinagkaloob sa nalabing bayan ng Dios. Si .Artaxerxes ay tumukoy kay Ezra na “saserdote, ang eskriba, na kalihim sa mga salita ng mga utos ng Panginoon, at ng Kanyang mga palatuntunan sa Israel;” “kalihim sa kautusan ng Dios ng langit.” Nakiisa ang hari sa paglalaan ng handog sa “Dios ng Israel, na ang tahanan ay nasa Jerusalem;” at bilang karagdagan siya ay nag-utos na bayaran sila “mula sa bahay ng kayamanan ng hari.” Talatang 11, 12, 15,20. PH 493.2

“Yamang ikaw ay sinugo sa ganang han at ng kanyang pitong kasanggum,” ipinahayag ni Artaxerxes, “upang mag-usisa tungkol sa Juda at Jerusalem, ayon sa kautusan ng iyong Dios na nasa iyong kamay.” Patuloy pa niya: “Anumang iniutos ng Dios ng langit, gawing lubos sa bahay ng Dios ng langit: sapagkat bakit magkakaroon ng poot ng Dios laban sa kaharian ng han at ng kanyang mga anak?” Talatang 14, 23. PH 493.3

Sa pagbibigay pahintulot sa Israel na magbalik, isinaayos ni Artaxerxes ang pagsasauli ng mga kaanib ng lipi ng saserdote sa kanilang sinaunang mga karapatan at mga ritos. “Pinatototohanan din naman namin sa inyo,” kanyang pahayag, “na tungkol sa sinuman sa mga saserdote at mga Levita, mga mang-aawit, mga tagatanodpinto, mga Nethineo, o mga lingkod sa bahay na ito ng Dios, ay hindi marapat na lapatan sila ng buwis, kabayaran, o upa.” Nag-utos rin siya sa kanyang mga opisyal na mamahala sa kanila ayon sa batas ng Judio. “At ikaw, Ezra, ayon sa karunungan ng iyong Dios,” iniutos niya, “na nasa iyong kamay, maghalal ka ng mga mahistrado at mga hukom, na makakahatol sa buong bayan na nasa dako roon ng ilog, niyaong lahat na nakatatalos ng mga kautusan ng iyong Dios; at turuan ninyo yaong hindi nakakaalam. At sinumang hindi tumupad ng kautusan ng iyong Dios, at ng kautusan ng hari, gawin sa kanya ang kahatulan ng buong sikap, maging sa kamatayan, o sa pagtatapos, o sa pagsamsam ng mga pag-aari, o sa pagkabilanggo.” Talatang 2426. PH 493.4

Sa ganito, “ayon sa mabuting kamay ng kanyang Dios na sumasa kanya,” inamuki ni Ezra ang haring gumawa ng utos sa pagbalik ng bayan ng Israel at ng mga saserdote at mga Levita mula sa kaharian ng Medo-Persia, na sa “kanilang sariling kusang kalooban na nagsiparoon sa Jerusalem.” Talatang 9, 13. Muli ang mga anak ng Israel na nangalat ay nabigyang pagkakataon upang magbalik sa lupaing kaugnay ng mga pangako ng Dios sa sambahayan ng Israel. Ang utos na ito ay nagbigay ng malaking kagalakan sa mga nakisanib kay Ezra sa pag-aaral ng adhikain ng Dios sa Kanyang bayan. “Purihin ang Panginoon, ang Dios ng ating mga magulang,” bulalas ni Ezra, “na naglagak ng ganyang mga bagay na gaya nito sa puso ng hari, na pagandahin ang bahay ng Panginoon na nasa Jerusalem: at nagdulot sa akin ng kahabagan sa harap ng hari, at ng kanyang mga kasangguni, at sa harap ng lahat na may kayang prinsipe ng hari.” Talatang 27, 28. PH 494.1

Sa pagpapalabas ng utos ni Artaxerxes, malinaw na ang paglalaan ng Dios ay naroroon. Ang ilan ay nakita ito at magalak na kinuha ang pagkakataong makabalik sa ilalim ng gayong magandang tanawin. Isang pangkalahatang tagpuan ay isinaayos para sa kanilang magpapasyang magbalik sa Jerusalem. “At pinisan ko sila sa ilog na umaagos patungo sa Ahara,” wika ni Ezra, “at doo’y nangagpahinga kaming tadong araw.” Ezra 8:15. PH 494.2

Umasa si Ezra na malaking bilang ang magbabalik sa Jerusalem, ngunit ang tumugon ay maliit na bilang lamang. Marami sa mga nagkaroon na ng lupa at bahay ay nawalan ng naising isakripisyo ang kanilang mga tinatangkilik. Naibigan nila ang kaginhawahan at nasiyahang manatili na lamang sa pagkabihag. Ang halimbawa nila ay naging sagabal sa ibang nagnais na sumama sa mga nagpasya sa pananampalataya. PH 494.3

Sa pagtingin ni Ezra sa nagtipon, nagtaka siya na walang masumpungang mga anak ni Levi. Nasaan ang mga kaanib ng tribong inihiwalay sa banal na paglilingkod sa templo? Sa panawagan, Nasaan ang mga tumugon sa panawagang, Sino ang nasa panig ng Panginoon? ang mga Levita sana ang dapat naunang tumugon. Sa panahon ng pagkabihag, at sa dako pa roon, sila ay nakatanggap ng maraming karapatan. Naranasan nila ang kalayaang maglingkod sa mga pangangailangang espirituwal ng kanilang mga kapatid sa pagkabihag. Mga sinagoga ay itinayo, na doon ang mga saserdote ay nagsagawa ng serbisyo sa pagsamba sa Dios at pagtuturo sa bayan. Ang pangingilin ng Sabbath, at pagsasagawa ng mga banal na ritong tangi sa pananampalatayang Judio, ay malayang ipinahintulot. PH 495.1

Datapuwat sa pagdaan ng mga taon matapos ang pagkabihag, ang mga kondisyon ay nagbago, at maraming mga bagay ng kapanagutan ay napataw sa balikat ng mga pinuno sa Israel. Ang templo sa Jerusalem ay naitayong muli at naitalaga, at higit na mga saserdote ay kailangan sa paglilingkod. May mahigpit na pangangailangan para sa mga lalaki ng Dios na magturo sa bayan. Bukod dito, ang mga Judio na naiwan sa Babilonia ay may panganib na higpitan sa mga kalayaang pang-relihiyon. Sa pamamagitan ni propeta Zacarias, gano',n din ng kailan lamang na naging karanasan nila sa panahon ni Ester at Mardocheo, ang mga Judio sa Medo-Persia ay maliwanag na nababalaang magbalik na sa kanilang lupain. Dumating na ang panahong mapanganib sa kanila na patuloy pang manirahan sa gitna ng mga impluwensyang pagano. Sa harap ng mga nabagong kondisyong ito, ang mga saserdote sa Babilonia ay dapat sanang naging mabilis na nakita ang tanging panawagan ng pagbabalik sa Jerusalem sa pamamagitan ng utos na ito ng hari. PH 495.2

Ang hari at mga prinsipe ay ginawa ang higit na dapat nilang gawin sa pagbubukas ng daan para sa pagbabalik ng Israel. Nagkaloob silang masagana, datapuwat nasaan ang mga tao? Ang mga anak ni Levi ay nagkulang sa panahong ang kanilang kapasiyahan sa pagsama sa magsisibabalik ay naging halimbawa sanang maaring sundan ng marami pa. Ang kakatuwang pagwawalang bahalang ito ay malungkot na paghahayag ng isipan ng mga Israelita sa Babilonia ukol sa adhikain ng Dios sa Kanyang bayan. PH 495.3

Muli ay nanawagan si Ezra sa mga saserdote, nagpadala ng tanging paanyaya sa kanila upang sumanib sa kanyang pulutong upang idiin ang kahalahagan ng mabilis na pagkilos, kanyang ipinadala kasama ng nasulat na pagsamo ang ilan sa kanyang mga “pangulong lalaki” at mga “tagapagturo.” Ezra 7:28; 8:16. PH 496.1

Samantalang naghihintay ang mga maglalakbay na kasama ni Ezra, ang mga mensahero ay nagmadaling taglay ang samong ito, “Mangagdala sa atin ng mga tagapangasiwa sa bahay ng ating Dios.” Ezra 8:17. Ang panawagan ay dininig; ang ilan sa nag-aatubili ay nagpasyang magbalik. Mga apatnapung saserdote at dalawang daan at dalawampung Netinim—mga lalaking maaasahan ni Ezra bilang mga pantas na ministro at mga mabuting guro at mga katulong—ay dinala sa kampo. PH 496.2

Lahat ay handa nang tumulak. Sa harapan nila ay mga ilang buwang paglalakbay. Dala ng kalalakihan ang kanilang sambahayan, kayamanan, at malaking halaga para sa pagtatayo ng templo at mga serbisyo nito. Alam ni Ezra na ang mga kaaway ay nasa tabi-tabi lamang ng daan, handang lumusob at magnakaw at wasakin ang pulutong; gayunman ay hindi siya humiling ng sandatahang guwardiya mula sa hari. “Sapagkat ako’y nahiya,” ipinaliwanag niya, “na humingi sa hari ng pulutong ng mga sundalo, at ng mga mangangabayo upang tulungan tayo laban sa mga kaaway sa daan; sapagkat aming sinalita sa hari, na sinasabi, Ang kamay ng ating Dios ay sumasa kanilang lahat na humahanap sa Kanya, sa ikabubuti; ngunit ang Kanyang kapangyarihan at ang pag-iinit ay laban sa kanilang lahat na nagpapabaya sa Kanya.” Talatang 22. PH 497.1

Sa bagay na ito, ay nakita ni Ezra at ng kanyang mga kasama ang pagkakataon upang parangalan ang pangalan ng Dios sa harap ng mga pagano. Ang pananampalataya sa kapangyarihan ng buhay na Dios ay mapapalakas pa kung ang mga Israelita na rin ay maghahayag ngayon ng di mapag-aalinlanganang pagtiriwala sa makalangit na Pangulo. Nagpasya silang ilagak ang kanilang tiwala lamang sa Kanya. Hindi sila hihingi ng sandatahang guwardia mula sa hari. Hindi nila bibigyan ang mga pagano ng pagkakataong iukol sa lakas ng tao ang kaluwalhatiang marapat lamang sa Dios. Hindi nila bibigyang pagkakataon ang kanilang mga paganong kaibigan na mag-alinlangan sa kanilang kataimtimang umasang lubusan sa Dios bilang Kanyang bayan. Ang kalakasan ay natatamo hindi sa kayamanan, o sa kapangyarihan at impluwensya ng mga taong sumasamba sa mga diyos, kundi sa tanging pabor ng Dios. Tanging sa pag-iingat ng utos ng Dios at sa pag-uuna dito, at pagsunod dito, na sila ay masasanggalang. PH 497.2

Ang pagkaalam na ito ng mga kondisyong sa ilalim ng mga ito ay patuloy silang makatatanggap ng pagpapala mula sa Dios, ay nagbibigay ng di karaniwang kabanalan sa pulong ng pagtatalagang isinagawa ni Ezra at sa mga kasama ng tapat bago sila umalis. “Nagtanyag ako ng ayuno doon, sa ilog ng Ahava,” pahayag ni Ezra sa karanasang ito, “upang tayo’y magpakababa sa harap ng ating mga bata, at sa lahat ng ating pag-aari.” “Sa gayo’y nangag-ayuno tayo at nagsidalangin sa ating Dios dahil dito: at dininig Niya tayo.” Talatang 21,23. PH 497.3

Gayunman, ang mga pagpapalang ito ng Dios, ay hindi niwalang kabuluhan ang pag-iingat at pang-unawa. Bilang pag-iingat sa kayamanan, si Ezra ay “inihiwalay ang labing dalawa sa mga puno ng mga saserdote”—mga lalaking subok ang katapatan—“at tinimbang sa kanila ang pilak, at ang ginto, at ang mga sisidlan, samakatuwid baga’y ang handog sa bahay ng ating Dios, na pinaghandugan ng hari, at ng kanyang mga kasangguni, at ng kanyang mga prinsipe, at ng buong Israel na nakaharap doon.” Ang mga lalaking ito ay itinalagang maging mga katiwala ng mga kayamanan. “Kayo’y banal sa Panginoon,” sinabi ni Ezra, “ang mga sisidlan ay natatalaga; at ang pilak at ang ginto ay kusang handog sa Panginoon, na Dios ng inyong mga magulang. Magsipagbantay kayo, at ingatan ninyo, hanggang sa inyong matimbang sa harap ng mga puno ng mga saserdote at ng mga Levita, at ng mga prinsipe ng mga sambahayan ng mga magulang ng Israel, sa Jerusalem, sa mga silid ng bahay ng Panginoon.” Talatang 24, 25, 28, 29. PH 498.1

Ang ingat na ito ni Ezra sa pagbuhat ng kayamanan ng Dios, ay nagtuturo sa atin ng liksyong dapat pag-isipang mabuti. Sila lamang na ang katapatan ay subok na ang pinili sa tungkuling ito, at maliwanag ang tagubilin sa kanila ukol sa kapanagutang naibigay. Sa pagtatalaga bilang mga tagapag-ingat ng kayamanan ng Panginoon, kinilala ni Ezra ang pangangailangan at halaga ng kaayusan at organisasyon kaugnay ng gawain ng Dios. PH 498.2

Sa ilang mga araw na ang mga Israelita ay nanatili sa tabing ilog, bawat paghahanda ay isinagawa para sa mahabang paglalakbay. “Nang magkagayo’y nagsiyaon tayo,” sinulat ni Ezra, “nang ikalabing dalawang araw ng unang buwan, upang pumaroon sa Jerusalem: at ang kamay ng ating Dios ay sumaatin, at iniligtas Niya tayo sa kamay ng kaaway at sa bumabakay sa daan.” Talatang 31. Apat na buwan halos ang kinailangan sa paglalakbay, at ang ilang libo kataong kasama ni Ezra, kasama ang mga babae at bata, ay nagpabagal ng paglalakbay. Datapuwat ang lahat ay panatag. Ang kaaway ay napigilan upang sila ay saktan. Ang kanilang paglalakbay ay naging masagana, at sa unang araw ng ikalimang buwan, sa ikapitong taon ni Artaxerxes, nakarating sila sa Jerusalem. PH 498.3