ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI
Kabanata 44—Sa Yungib ng mga Leon
Ang kabanatang ito ay batay sa Daniel 6.
Nang si Dario na taga Medo ay maupo sa tronong dati ay kinauupuan ng mga hari ng Babilonia, agad-agad na isinaayos niya ang pamahalaan. “Minagaling ni Dario na maglagay sa kaharian ng isang daan at dalawampung satrapa;...at sa kanila’y tadong pangulo, na si Daniel ay isa: upang ang mga satrapang ito ay mangagbigayalam sa kanila, at upang ang hari ay huwag magkaroon ng kapangamban. Nang magkagayo’y ang Daniel na ito ay natangi sa mga pangulo at sa mga satrapa, sapagkat isang marilag na espiritu ay nasa kanya; at inisip ng hari na ilagay siya sa buong kaharian.” PH 437.1
Ang parangal na inilagak kay Daniel ay nagbigay inggit sa mga pangunahing lalaki ng kaharian, at sila',y naghanap ng paraan upang magparatang laban sa kanya. Datapuwat wala silang masumpungang anumang dahilan, “palibhasa’y tapat siya, walang anumang kamalian ni kakulangang nasumpungan sa kanya.” PH 437.2
Ang walang kapintasang likas ni Daniel ay higit pang nagpaalab ng inggit ng mga kaaway niya. “Hindi tayo mangakakasumpong ng anumang maisusumbong laban sa Daniel na ito,',y nakapagsabi, “liban sa tayo’y mangakasumpong laban sa kanya ng tungkol sa kautusan ng kanyang Dios.” PH 437.3
At nagsanggunian ang mga presidente at prinsipe, at nagpakana upang maisagawa ang kanilang adhikaing wasaldn ang propeta. Nagpasya silang makuha sa hari ang isang utos na kanilang ihahanda, na dito’y ipagbabawal sa sinumang tao sa kahanan na humingi sa Dios at sa tao man ng anumang bagay, liban na kay Dario na hari, sa loob ng talumpung a raw. Ang paglabag sa utos na ito ay mangangahulugan ng pagtatapon sa yungib ng mga leon. PH 437.4
Sa gayon, ay inihanda ng mga prinsipe ang kautusang ito, at iniharap kay Dario upang pirmahan. Naging gatong ito, sa diwang mapagmataas ng hari lalo na at ito’y magdaragdaag sa kanya ng kadakilaan at otoridad. Hindi alam ang tusong adhikain ng mga prinsipe, at hindi rin natunugan ng hari ang galit ng mga ito kay Daniel, pinirmahan ng hari ang kautusan. PH 437.5
Ang mga kaaway ni Daniel ay umalis sa harapan ni Dario, nagdiriwang sa patibong na ngayon ay mailalagay na nila sa lingkod na ito ni Jehova. Sa pakanang ito na nagawa, si Satanas ay may malaking bahagi. Mataas ang katungkulan ng propeta sa kaharian, at ang mga anghel ng kasamaan ay nangangambang ang impluwensya niya ay magpapahina ng kanilang kontrol sa mga pangulo nito. Ang mga kampong ito ni Satanas ang nagpakilos sa mga prinsipe sa inggit at selos; sila ang nagpasimula sa panukalang wasaldn si Daniel; at ang mga prinsipe naman, na napasailalim sa kasamaan ay siyang nagsagawa ng piano. PH 438.1
Ang mga kaaway ng propeta ay umasang ang matatag na pagsunod ni Daniel sa mga simulain ang magbibigay tagumpay sa kanilang piano. At sila ay di nabigo sa kanilang akala sa likas nito. Agad ay nabasa ni Daniel ang masamang adhikain nila sa pagbubuo ng utos, datapuwat hindi siya nagbago sa kanyang pananayuan dahilan lamang dito. Bakit titigil siyang manalangin ngayon, samantalang higit sa alin mang panahon ay ngayon niya ito kailangan? Mamahalagahin ba niya ang buhay kaysa kanyang pag-asa sa tulong ng Dios. May kapanatagang tinupad niya ang mga tungkulin bilang pinuno ng mga prinsipe; at sa oras ng panalangin ay nagtungo sa kanyang silid, at ang kanyang mga bintana ay bukas na nakaharap sa Jerusalem, tulad ng kaugalian niya, at inihandog ang kanyang mga kahilingan sa Dios ng kalangitan. Hindi niya itinago ang kanyang gawa. Kahit na alam niya ang magiging bunga ng kanyang pagtatapat sa Dios, ang kanyang diwa ay di nanlumo. Sa harap ng mga nagpapakana ng kanyang pagkawasak, hindi niya tutulutang makita man lamang nila ang kanyang kaugnayan sa Langit ay maputol. Sa lahat ng pagkakataong ang hari ay may karapatang mag-utos, si Daniel ay sumusunod; datapuwat hindi ang hari o utos man niya ang makapagpapakilos ng kanyang pagtatapat sa Hari ng mga hari. PH 438.2
Sa ganito ay matapang at tahimik at maamong inihayag niyang walang kapangyarihang panlupa ang maaaring mamagitan sa kanyang kaluluwa at sa Dios. Sa palibot ng mga sumasamba sa mga diyos, siya ay tapat na saksi ng katotohanan. Ang matapang na pagtayo niya sa matuwid ay ningning sa kadilimang moral sa korteng iyon ng mga pagano. Si Daniel ay nakatayo ngayon sa sanlibutan bilang marapat na halimbawa ng kawalang takot at pagtatapat ng Kristiano. PH 438.3
Sa buong maghapon ay binantayan si Daniel ng mga prinsipe. Tatlong beses na nakita nilang pumasok ito sa silid, at tatlong ulit na narinig nila ang tinig ni Daniel sa maningas na panalangin sa Dios. Nang sumunod na umaga ay iniharap nila sa hari ang kanilang reklamo. Si Daniel, ang pinakapinarangalang pangulo ng kaharian ay lumabag sa utos. “Hindi ka baga naglagda ng pasya,” pinaalalahanan nila siya, “na bawat tao na humingi sa kanino mang diyos o tao sa loob ng tatlumpung araw, liban sa iyo, Oh hari, ay ihahagis sa yungib ng mga leon?” PH 439.1
“Ang bagay ay tunay,” ang sagot ng hari, “ayon sa kautusan ng mga taga Medo at mga taga Persia, na hindi nababago.” PH 439.2
Magalak nila ngayong isinumbong kay Dano ang ginawa ng kanyang tagapayong pinagkakatiwalaan sa lahat. “Ang Daniel, na yaon na sa mga anak ng nangabihag sa Juda,” kanilang sinabi, “ay hindi ka pinakukundanganan, Oh hari, o ang pasya man na iyong nilagdaan ng pangalan, kundi dumadalangin na makaitlo isang araw.” PH 440.1
Nang marinig ng hari ang mga salitang ito, nalaman agad niya ang patibong na ginawa sa kanyang tapat na lingkod. Nalaman niyang iyon ay di para sa karangalan at kaluguran ng hari, kundi inggit kay Daniel, kaya minungkahi nila ang utos ng hari. “Namanglaw na mainam,” dahil sa naging bahagi niya, “kanyang pinagsikapan hanggang sa paglubog ng araw” na iligtas ang kanyang kaibigan. Batid ng mga prinsipe ang pagsisikap na ito ng hari, kanilang sinabi, “Talastasin mo, Oh hari, na isang kautusan ng mga taga Medo at ng mga taga Persia, na walang pasya o palatuntunan man na pinagtidbay ng hari na mababago.” Ang utos, bagaman hindi bukal sa puso, ay hindi mababago at kailangang maipatupad. PH 440.2
“Nag-utos ang hari, at kanilang dinala si Daniel, at inihagis siya sa yungib ng mga leon. Ang hari nga ay nagsalita, at nagsabi kay Daniel, Ang iyong Dios na pinaglilingkuran mong palagi, ay Siyang magliligtas sa iyo.” At isang bato ay dinala at inilagay sa bunganga ng yungib, at “tinatakan ng hari ng kanyang singsing na panatak, at ng singsing na panatak ng kanyang mga mahal na tao; upang walang anumang bagay ay mababago tungkol kay Daniel. Nang magkagayo’y umuwi ang hari sa kanyang palasyo, at nagparaan ng buong gabi na nag-aayuno: at wala kahit panugtog ng tugtugin na dinala sa harap niya: at ang kanyang pag-aantok ay nawala.” PH 440.3
Hindi hinadlangan ng Dios na ang mga kaaway ni Daniel ay maipatapon siya sa yungib ng mga leon; ipinahintulot Niya na ang mga masasamang anghel at tao ay maisagawa ang kanilang masamang adhikain; datapuwat upang sa pamamagitan nito ay lalong maging maliwanag ang pagliligtas na magagawa sa Kanyang lingkod, at ang pagkalupig ng mga kaaway ng katotohanan at katuwiran ay maging lubos. “Tunay na pupurihin Ka ng poot ng tao” (Awit 76:10), patotoo ng mang-aawit. Sa pamamagitan ng isang taong ito na pumiling sumunod sa matuwid sa halip na sa utos ng tao, si Satanas ay nasupil at ang pangalan ng Dios ay naitaas at naparangalan. PH 440.4
“Nang magkagayo’y bumangong maagang maaga si Haring Dario at naparoon na madali sa yungib ng mga leon at “siya’y sumigaw ng taghoy na tinig’’ “Oh Daniel, na lingkod ng buhay na Dios, ang iyo bagang Dios na iyong pinaglilingkurang palagi ay makapagliligtas sa iyo sa mga leon?” PH 440.5
Sinabi nga ni Darnel sa hari: “Oh hari, mabuhay ka magpakailanman. Ang Dios ko’y nagsugo ng Kanyang anghel, at itinikom ang mga bibig ng mga leon, at hindi nila ako sinaktan: palibhasa’y sa harap Niya ay nasumpungan akong walang sala; at gayon din sa harap mo, Oh hari, wala akong ginawang kasamaan. PH 441.1
“Nang magkagayo’y natuwang mainam ang hari, at ipinag-utos na kanilang isampa si Daniel mula sa yungib. Sa gayo’y isinampa si Daniel mula sa yungib, at walang anumang sugat na nasumpungan sa kanya, sapagkat siya’y tumiwala sa kanyang Dios. PH 441.2
“At ang hari ay nag-utos, at kanilang dinala ang mga lalaking yaon na nagsumbong laban kay Daniel, at sila’y inihagis nila sa yungib ng mga leon, sila, ang kanilang mga anak, at ang kanilang mga asawa; at ang leon ay nanaig sa kanila, at pinagwaray-waray ang lahat ng kanilang buto, bago sila dumating sa kaloob-looban ng yungib.” PH 441.3
Minsan pa ang hari ay nagpalabas ng utos na nagpaparangal sa Dios ni Daniel bilang tunay na Dios. “Sumulat ang Haring Dario sa lahat ng mga bayan, bansa, at wika na tumatahan sa buong lupa; Kapayapaa’y managana sa inyo. Ako’y nagpapasya, na sa lahat ng sakop ng aking kaharian ay magsipanginig at mangatakot ang mga tao sa harap ng Dios ni Daniel: sapagkat Siya ang buhay na Dios, at namamalagi magpakailanman, at ang Kanyang kaharian ay hindi magigiba, at ang Kanyang kapangyarihan ay magiging hanggang sa wakas. Siya’y nagliligtas at nagpapalaya, at Siya’y gumagawa ng mga tanda at mga kababalaghan sa langit at sa lupa, na siyang nagligtas kay Daniel mula sa kapangyarihan ng mga leon.” PH 441.4
Ang masamang sumasalungat sa lingkod ng Dios ay lubos na nalipol. “Guminhawa ang Daniel na ito sa paghahan ni Dario, at sa paghahari ni Ciro na taga Persia.” Sa pamamagitan ng kaugnayan kay Daniel ang mga haring itong pagano ay nadala sa pagkakilala sa Dios bilang “buhay na Dios na tatayong matatag magpakailanman, at ang Kanyang kaharian ay di kailanman mawawasak.” PH 441.5
Sa kasaysayan ng pagliligtas kay Daniel ay matututuhan nating sa mga panahon ng pagsubok at kagulumihanan ang mga anak ng Dios ay dapat na maging katulad ng kalagayan nila sa panahong ang tanawin ay maliwanag at puno ng pag-asa. Si Daniel sa yungib ng leon ay siya ring Daniel na tumayo sa harapan ng mga pangunahin ng hari bilang propeta ng Kataastaasan. Ang taong ang puso ay nakalagak sa Dios ay magiging katulad ang karanasan sa oras ng pinakadakilang pagsubok at sa oras ng kasaganaan, na ang sinag ng liwanag at pabor ng Dios ay nakatuon sa kanya. Ang pananampalataya ay umaabot sa di nakikita, at nanghahawakan ng mga katunayan ng walang hanggan. PH 441.6
Ang langit ay napakalapit sa kanilang nagdurusa dahilan sa katuwiran. Si Kristo ay may katulad na interes sa mga tapat Niyang bayan; Siya ay nagdurusa sa pagkatao ng mga banal Niya, at sinumang gagalaw sa kanila ay gagalaw sa Kanya. Ang kapangyarihang nagliligtas sa pisikal na bagabag o sugat ay siya ring kapangyarihang nagliligtas sa higit na dakilang kasamaan, upang ang lingkod ng Dios ay maingatan sa katapatan sa ilalim ng lahat ng karanasan, at magtagumpay sa pamamagitan ng dakilang biyaya. PH 442.1
Ang karanasan ni Daniel bilang pangulo sa mga kaharian ng Babilonia at Medo-Persia ay naghayag ng katotohanang ang isang mangangalakal ay di kailangang maging lalaki ng palakad kundi isang taong sa bawat hakbang ay tinuturuan ng Dios. Si Daniel, na punong ministro ng pinakadakilang kaharian sa lupa, ay propeta din ng Dios, at tumatanggap ng liwanag ng inspirasyon ng langit. Tulad din nating may mga damdamin, inilalarawan siya ng Kasulatan bilang lalaking walang kapintasan. Ang kanyang pakikitungo sa tao sa pangangalakal ay walang maipupuwing ang sinuman. Siya ay halimbawa ng bawat mangangalakal na ang puso ay nahikayat at natalaga, at ang mga motibo ay matuwid sa Dios. PH 442.2
Ang masinop na pagsunod sa mga kahilingan ng Langit ay naghahatid ng mga pagpapalang temporal at espirituwal. Di matinag sa katapatan sa Dios, di makilos sa kanyang pagsupil sa sarili mula sa kabataan, nakuha ni Daniel ang “lingap at habag” ng mga opisyal na pagano na pinaglilingkuran niya. Daniel 1:9. Ang mga katulad na likas ang nahayag sa mga kasunod na karanasan niya. Mabilis na umangat siya sa pagiging punong ministro ng Babilonia. Sa magkakasunod na hari, sa pagbagsak ng kaharian, at sa pagtatatag ng isa pang imperyo sa lupa, gayon din ang kanyang karunungan at katapatan, may sakdal na pakikitungo sa kapwa, magalang, may dalisay na puso, tapat sa simulain, anupa’t kahit na mga kaaway niya ay nagsabing “sila’y hindi nangakasumpong ng anumang kadahilanan, ni kakulangan man, palibhasa'y tapat siya.” PH 442.3
Pinarangalan ng mga taong may kapanagutan sa estado, taglay ang mga lihim ng kahariang may pansanlibutang sakop, si Daniel ay pinarangalan ng Dios bilang Kanyang embahador, at binigyan ng mga pagpapahayag ng mga misteryo ng kapanahunang darating. Ang mga kahanga-hangang propesiyang natala sa kabanatang 7 hanggang 12 ng kanyang aklat ay di lubos na nauwaan kahit ng propeta mismo; datapuwat bago nagtapos ang gawain ng kanyang buhay, binigyan siya ng kasiguruhang “sa panahon ng kawakasan”—sa katapusan ng kasaysayan ng lupa—siya ay muling pahihintulutang tumayo sa kanyang lugar. Hindi nabigay sa kanya noon ang pagkaunawa ng mga inihayag na hiwaga ng Dios. “Isara mo ang mga salita, at tatakan mo ang aklat,” siya'y inutusan tungkol sa kanyang sinulat na propesiya; ang mga ito’y nakasara “hanggang sa panahon ng kawakasan.” “Yumaon ka ng iyong lakad, Daniel” minsan pang sinabi ng anghel sa matapat na mensahero ni Jehova; sapagkat ang mga salita ay nasarhan at natatapakan hanggang sa panahon ng kawakasan.... Yumaon ka ng iyong lakad hanggang sa ang wakas ay mangyari: sapagkat ikaw ay magpapahinga, at tatayo sa iyong kapalaran sa wakas ng mga araw.” Daniel 12:4, 9, 13. PH 443.1
Sa paglapit natin sa katapusan ng kasaysayan ng lupa, ang mga propesiyang itinala ni Daniel ay nangangailangan ng ating tanging pansin, sapagkat ang mga ito ay may kaugnayan sa panahong ating kinabubuhayan. Dito ay dapat maugnay ang mga turo ng huling aklat ng Bagong Tipan. lnakay ni Satanas ang marami sa isipang ang mga sulat nina Daniel at Juan na tagapahayag ay hindi mauunawaan. Ngunit ang pangako ay maliwanag na ang tanging pagpapala ay sasanib sa mga mag-aaral ng mga propesiyang ito. Ang “silang pantas ay mangakakaunawa” (talatang 10), ay sinalita sa mga pangitain ni Daniel na kailangang buksan sa mga huling araw; at sa pahayag na ibinigay ni Kristo sa Kanyang lingkod na si Juan para sa pagpatnubay sa bayan ng Dios sa daan-daang taon, ang pangako ay, “Mapalad ang bumabasa, at ang nangakikinig ng mga salita ng propesiya, at tumutupad ng mga bagay na nangasusulat doon.” Apocalipsis 1:3. PH 443.2
Mula sa pagbangon at pagbagsak ng mga kaharian na niliwanag ng Daniel at Apocalipsis, kailangan nating matutuhan na walang kabuluhan ang panlabas at makasanlibutang kaluwalhatian. Ang Babilonia, sa kanyang kapangyarihan at karangyaan, na di nakita kailanman sa lupa,—kapangyarihan at kagandahan na ang mga tao sa panahong iyon ay matatag at mamalagi sa paningin ng mga tao,—ay gaano nga kalubos na lumipas! Tila, “gaya ng bulaklak ng damo,” ay lilipas. Santiago 1:10. Sa ganito mawawasak ang mga kaharian ng Medo-Persia, at ang mga kaharian ng Grecia at Roma. At gayon din mawawasak ang lahat na hindi ang Dios ang pundasyon. Tanging ang bagay na nakatali sa Kanyang adhikain, at naghahayag ng Kanyang likas, ang mananatili. Ang mga prinsipyo Niya ang tanging matatag na bagay na nakikilala ng sanlibutan. PH 443.3
Ang maingat na pag-aaral ng pagsasagawa ng adhikain ng Dios sa mga kasaysayan ng mga bansa at sa paghahayag ng mga bagay na darating ang makatutulong sa atin upang bigyang halaga ang mga bagay na nakikita at di naldldta, at matutuhan ang tunay na layunin ng buhay. Sa pagmasid kung gayon, sa mga bagay na may panahon sa liwanag ng walang hanggan, tayo, tulad ni Daniel at ng mga kasama niya, ay mabubuhay para sa mga bagay na tunay at marangal at namamalagi. At habang natututuhan sa buhay na ito ang mga simulain ng kaharian ng Panginoon at Tagapagligtas, ang mapalad na kahariang mananatili magpakailanman, ay mapaghahandaan natin at sa pagdating Niya ay makapasok na kasama Niya upang ito ay angkinin. PH 444.1