ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI

1/69

ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI

PAUNANG SALITA

Ang Kasaysayan ng mga Propeta at mga Hari ay ikalawa sa serye ng limang katangi-tanging tomong sumasaklaw sa banal na kasaysayan. Gayunman, ito ang pinakahuli sa serye na nasulat, at huli sa maraming mayamang sulat na lumabas sa kinasihang panulat ni Ellen G. White. Sa loob ng pitumpung taong pagsasalita at pagsulat niya sa America at sa ibang bansa, laging inilahad ni Gng. White sa madia ang lalong malawak na kahalagahan ng mga pangyayari sa kasaysayan, na inilalarawan kung paanong sa mga gawa ng tao ay makikita ang hindi hayag na impluwensya ng katuwiran at kasamaan—ang kamay ng Dios at ang gawa ng dalalang kaaway. PH 9.1

Ang may-akda na may malalim na isipan sa paggawa ng langit ay hinahawi ang tabing at inilaladlad ang pilosopiya ng kasaysayan kung paanong ang mga naganap sa nakaraan ay may halagang pangwalang hanggan. Inihayag niya ang pilosopiyang ito sa ganitong paraan: PH 9.2

“Ang kalakasan ng mga bansa at mga tao ay wala sa mga pagkakataon at pasilidad na sa tingin nila ay di masisira; o kaya ay makikita sa kanilang ipinagmamalaking kadakilaan. Tanging ang kapangyarihan at adhikain ng Dios ang nagpapalakas o nagpapadakila sa kanila. At kung ano ang pakikitungo nila sa Kanyang adhikain ang siyang nagpapasiya ng kanilang hantungan. PH 9.3

“Mga kasaysayan ng tao ay nagsasaysay ng mga nagampanan ng tao, mga tagumpay niya sa digmaan, tagumpay sa pag-akyat sa kadakilaang makamundo. Ang kasaysayan ng Dios ay naglalarawan sa tao kung paano siya tinitingnan ng langit.” PH 9.4

Ang tomong ito, Mga Propeta at mga Hari, ay nagbubukas sa tala ng maluwalhadng paghahari ni Solomon sa Israel, isang kahariang nagkakaisa, na ang templo ni Jehova—ang sentro ng tunay na pagsamba. Dito ay nasundan ang mga paghihirap ng isang bayang hinirang at pinagpala, na nasa pagitan ng pagtatapat sa Dios at paglilingkod sa mga diyos ng palibot na mga bansa. Dito ay maliwanag ding makikita, sa panahong maselan sa kasaysayan ng sanlibutan, ang mga madramang ebidensya ng patuloy na alitan ni Kristo at Satanas ukol sa puso at pagtatapat ng tao. PH 9.5

Ang aklat ay sagana sa mga nakakawiling pag-aaral ng mga likas ng tao—ang matalinong si Solomon, na ang karunungan ay di nakapigil sa kanyang pagsalangsang; si Jeroboam, ang makasariling lalaki ng patakaran, at ang masasamang bunga ng kanyang paghahari; ang makapangyarihan at walang takot na si Elias; si Eliseo, ang propeta ng kapayapaan at pagpapagaling; si Ahaz na nakakatakot at masama; si Ezechias, may tapat at mabuting kalooban; si Daniel, ang minamahal ng Dios; si Jeremias, ang propeta ng kalumbayan; sina Haggai, Zacarias, at Malaldas, mga propeta ng pagsasauli. Sa kabila nilang lahat ay ang pagsilang sa kaluwalhatian ng dumarating na Hari, ang Kordero ng Dios, ang bugtong na Anak, na sa Kanya natupad ang mga aninong sakripisyo. PH 9.6

Ang mga Patnarka at mga Propeta, ang unang aklat sa serye, ay lumalagos sa kasaysayan ng mundo mula sa paglalang hanggang sa pagtatapos ng paghahari ni David; Ang Bukal ng Buhay ang ikadong aklat ay ukol sa buhay at ministeryo ni Kristo; ang tomong ito, Mga Propeta at mga Hari ay nasa gitna ng dalawang aklat na ito. Ang ikaapat, Ang mga Gawa ng mga Apostol ay naghahayag ng istorya ng naunang iglesia Kristiana, at Ang Malaking Tunggalian ang huli sa serye, ay tumatalunton sa istorya ng tunggalian hanggang sa panahon natin at ayon sa propesiya ay hanggang sa bagong lupa. PH 10.1

Ang Kasaysayan ng mga Propeta at mga Hari, na ilang imprenta na ang dinaanan dahilan sa kahilingan ng sirkulasyon nito, ay inihaharap sa madia sa tipo ng limbag na nakakawili ngunit walang pagbabago sa teksto at pahina. Ang bagong limbag na ito ay may mga ilustrasyon at ilan sa mga ito ay ang orihinal na larawang iginuhit nang natatangi ukol dito. PH 10.2

Taimtim na naisin ng mga naglimbag na ang tomong ito na puno ng mga mayayamang liksyon ng pananampalataya sa Dios at sa Anak, ang Tagapagligtas ng sanlibutan, at mga istorya ng paglalaan ng langit sa mga buhay ng mga dakilang lalald at babae ng Lumang Tipan ay makapagpalalim ng karanasang relihiyoso at magbigay liwanag sa isipan ng lahat ng makababasa nito. PH 10.3

THE BOARD OF TRUSTEES OF THE ELLEN G. WHITE PUBLICATIONS.